28

190 3 0
                                    

"Are you leaving, Daddy?"

Kakalabas lang namin ng veranda ni Luigim. Tumayo naman si Claudia ng makitang paalis na ang tatay niya.
Paiyak naman kaagad siya.

"Yes, anak. Don't be sad na, ha? Gusto mo bang sumama sa work anak?" Biglang tanong ni Luigim kaya nagulat ako.

"Saan po, Daddy?" Puno ng excitement na tanong ni Claudia.

"Paris, anak" Luigim's smiled.

"Yehey!" Tuwang-tuwa sabi ni Claudia.

Ganon nalang din ang tuwa ni Claudia. Sobrang laki naman ng ngiti ko dahil ganon nalang kasaya ang anak ko. Para akong nabunutan ng tinik.

"Ihahatid ka na namin sa baba." Sabi ko sa kaniya.

Narinig 'yon ni Claudia kaya lumapit siya sa tatay niya para humawak sa kamay nito. Napanguso naman kaagad ako. Hmp, iniwan kaagad ako.

"Hey..." Luigim's chuckled. "What's with that face?"

"Ganda." I playfully rolled my eyes.

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sa akin para hawalan ang kamay ko. Nilakihan ko pa siya ng mata para sensyasan na andito si Claudia sa tabi namin pero wala siyang pakialam.

"Kiss!" Pang-gagatong pa ni Claudia.

"Anak!" Suway ko. Natawa naman si Claudia tsaka tinakip ang maliit na kamay niya sa bibig niya.

Tumawa naman si Luigim tapos hinalik ang tuktok ng ulo ni Claudia. Napailing nalang ako kung gaano kalapit si Claudia sa tatay niya. Hindi ko ipagkakati 'to. Seven years niya rin 'tong hinintay.

Naglakad na kami patungo sa parking lot. Naka bukas na ang pinto ng sasakyan ni Luigim pero hindi pa rin siya pumapasok.

"Kailan ka babalik, Daddy?"
Tanong ni Claudia habang nakanguso.

"Dito ako matutulog. Uuwi ako sa inyo," he smiled.

Huli na ng maka pag-react ako. Lumapit siya sa amin para halikan sa pingis si Claudia tsaka sa akin. Siraulo 'to! Nag nakaw pa ng halik.

"Uuwi ako dito ako matutulog. Kukuha lang ako ng gamit," nakangiting sabi niya.

Umurong na kami ni Claudia nung buksan ni Luigim ang makina ng sasakyan niya.

"Mommy your hand is so cold." Puna ng anak ko kaya natawa ako.

Binilisan ko na ang pag-akyat ko sa itaas para mag-ayos na. Pakiramdam ko tuloy nasira ang make up ko gawa ng kakaiyak ko kanina.

"Pumunta na si Luigim?"

Pagpasok namin gising na si Pierre. Naabutan ko siyang nag sasalin ng tubig sa baso niya. Naka pang tulog pa siya at halatang kakagising lang.

"Oo. Na-meet na rin niya si Claudia," Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Anong pakiramdam mo ngayon?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Magaan na... wala ng may nakabara sa dibdib ko. Wala na yung kaba kapag lalabas kami na baka andon si Luigim makita kami tapos mag haharap kaming dalawa." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"At least mag kakadilig ka na!"
Biglang sabi niya kaya kaagad kong
tinakpan ang tenga ni Claudia.

"Bruha ka talaga!"

Tumawa lang siya tsaka pumasok sa loob ng kwarto. Sumunod naman ako sa kaniya para tignan ang ginagawa niya.

"Oh? Saan ka pupunta," tanong ko. Naabutan ko kasi siyang nagliligpit ng gamit sa loob.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now