12

164 3 0
                                    

"Come on! Faster!"

Sinamaan ko ng tingin si Lui. Hirap na hirap na kasi akong umakyat sa malalaking rock formation dito. Samantalang s'ya mukhang sanay na sanay na.

"Akin na ang kamay mo," inilahad n'ya ang kaniya kamay para alalayan ako paakyat.

Pabiro ko naman s'ya siniringan kaya ibinigay ko ang isa kong kamay upang maiangat ang sarili ko paakyat. Ngunit kahit ganon, nahihirapan pa rin ako.

"Yung isang paa mo don mo isampa," turo n'ya sa isang batong matulis.

"Hindi kaya masugatan ako dyan?" natatakot na sabi ko sa kanya. "Ang tulis!"

"Isasampa mo yung isang paa mo. Hindi ko naman sinabing itusok mo yung paa mo sa bato," pasiring pa na sabi n'ya.

Ang sungit naman nito. Ginawa ko naman ang sinabi n'ya tsaka ko na iangat ang sarili ko paakyat sa tuktok. Nag island hunting kasi kami. Naka pusod ang buhok ko upang hindi makasagabal sa hangin. Suot ko rin ang yellow dress. Himala nga raw nag suot ako ng hindi dark color sabi nitong lalaki na 'to.

"Tignan mo 'yon!" turo ko sa itaas. Kung nasan ang maraming ibon na lumilipad sa himpapawid. "Ang ganda!"

Isang malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa 'min sa itaas. Ang lamig. Ang sarap sa pakirandam. Ang laya ko sa mga oras na 'to. Wala akong ibang iniisip. Kung hindi ba pwede talaga itigil ang oras kahit mga ilan minuto lang? Na sana ganito nalang kami.

"Ang laya ko, Lui." I chuckled.

"You are always free, Lynette."

Tumungo ako sa kaniya. Nag lakad pa ako para mas makita ang karagatan na nasa baba. Sobrang liwanag non. Humugot ako ng malalim ng hininga kasabay non ang pag pikit ng aking mata. I spread my arms. Parang ibon.

Na malaya.

"We can escape this cruel world," he whispered.

I felt safe.

Niyakap n'ya ako mula sa likuran. Sabay namin sinalubong ang malakas na hangin. Itinuon naman n'ya ang baba n'ya sa balikat ko. Niyakap naman n'ya ako mula sa likuran. Itinuon ko ang sarili ko sa kaniya habang hawak ang kamay n'ya na nakayakap sa 'kin.

"Ganito nalang tayo?" tanong n'ya sa 'kin.

Nahihirapan ngunit nagawa 'kong tumungo. Kung ganito lang kami. Hanggang dito lang din? I want more. May kung ano akong gustong makuha mula sa kaniya. Gusto ko s'ya.

"Sa tingin mo ba pag lipas ng panahon mag ka kilala pa tayo? Ako? Pakiramdam ko hindi na. Wala naman kasi tayo, 'di ba?" natatawang ani ko. "Hindi na yata tayo mag kakilala n'on. Ilan taon kaya? Lima? Anim?" ani ko.

"I don't think so," sabi n'ya. "Hinding hindi kita makakalimutan, Lynette."

Pang hahawakan ko ba ang sinabi n'ya 'yan? Ang labo naman. Alam ko naman sa sarili ko na wala lang 'to sa 'kaniya. Makakahanap s'ya ng mas matinong babae sa 'kin. Yung hindi pa nahahawakan ng kahit sinong lalaki. Yung mas higit pa sa 'kin.

"Mahirap makalimutan ang isang kagaya mo," biglang sabi n'ya sa 'kin. "Ikaw lang ang naka pag paramdam sa 'kin nito."

"Ano?" tanong ko.

"Libog."

Hinampas ko naman s'ya ng mahina kaya natawa s'ya. Lumapis naman ang ilan minuto bumalik ulit ang katahimikan sa 'min.

May kung ano kumirot sa 'kin. Unting-unti namuo ang luha sa mga mata ko. Nahirapan kaagad akong huminga ngunit nagawa 'kong itago 'yon mula sa kaniya.

"Hindi rin kita makakalimutan, Lui."

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now