OMETV? what a weird site name..
Pagkapindot ko sa site na OMETV ay nagulat ako sa tumambad sa aking monitor screen. Imbis na sign-up or log-in screen, isang pag s set-up ng camera/webcam ang hinihingi sa'kin. Mabilis kong inayos ang pagkakasaksak ng aking logitech webcam at hindi inalintala kung pasok ba ang mukha ko don, basta ko nalang sinalampak ang usb cable sa pwede pagsaksakan sa aking computer.
Walang reaksyon kong kinalikot ang computer ko ngunit ramdam kong may namumuong pagkabahala at pangangamba sa aking dibdib ng nakita ko kung anong itsura ng site na tinukoy ni Mery sa'kin.
Sa kabila ng pagkabahala ko, mas pinili kong patatagin ang aking loob dahil sa hindi malamang dahilan.
Nangunot ang noo ko ng makita kong hiningan ako ng access ng site sa aking webcam.
"Akala ko ba anonymous site 'toh? Baket may webcam pang nalalaman?" sambit ko sa sarili ko.
Pero dahil kailangan ko talaga tong site na 'to, inalis ko sa aking utak ang pagdududa.
Bukod sa panghihingi ng access sa webcam ko ay nakita ko rin na mayroong options para sa gender at country kung nasaan ka. Agad ko naman sinet-up na nandito ako sa Pilipinas at nilagay ang gender ko.
Bumuntong hininga muna ako bago ko pindutin ang start button na nasa tabi ng isa pang button kung saan may nakalagay na stop. Agad na namuo ang pangangamba sa puso ko dahil pakiramdam ko ay maling site ang napuntahan ko at mali ang binanggit sa'kin ni Mery.
Habang naghihintay ako kung anong mangyayari sa aking ginawang pagpindot sa start button ay biglang lumiwanag ang cellphone ko na nasa kabilang dulo ng mesa. Medyo malayo ang cellphone ko sa aking pwesto pero agad ko naman inabot yun ngunit sa hindi inaasahan ay imbis na makuha ko 'to ay mas natabig ko 'to palayo sa'kin lalo.
Pinipilit kong inaabot ang cellphone ko ng nakaramdam ako ng inis dahil hindi ko nga ito makuha.
Dahil nga nakataas ang isa kong paa, agad kong itinaas ang aking isa pang paa para lumuhod sa mismong office chair na kinauupuan ko para lang makuha ang cellphone ko na lumiwanag.
Humawak ang kanan kong kamay sa mesa at sa ang kaliwa ko namang kamay ay humawak sa sandalan mismo ng aking kinauupuan para sa suporta at balance. Patuwad at dumukwang ako para lang makuha ang cellphone ko, hindi alintala ang headphone na nakapasak sa ulo at tenga ko dahil mahaba naman ito at tiyak na aabot pa din kung i- stretch ko ang aking katawan para makuha ang cellphone ko.
Dahil busy ako sa pag-abot ng cellphone ko, hindi ko napansin na nag loading na ang site na aking kinaroroonan at may nangyari na pala sa site matapos kong pindutin ang start button.
"Ms.." ani ng isang lalaki
Bumalot ang malalim at malagom na boses nito sa aking tainga kaya matitiyak ko na hindi 'to galing sa spotify na pinapakinggan ko.
In-denial nga talaga siguro ako dahil hindi ko pinansin ang boses na aking narinig. Sa maikling segundo ay mas pinili kong paniwalain ang sarili ko na walang tumawag o nagsalita ng Ms dahil alam kong anonymous site ang aking pinasukan.
Guni-guni ko lang siguro.
Nagpatuloy ako sa pagtuwad at pagpilit na kuhain ang cellphone ko. Agad din naman akong nagtagumpay dahil nakuha ko agad ito, wala pang sampung segundo
Ngunit agad akong natulos sa aking posisyon dahil sa pamilyar na boses na aking narinig at sa pagkakataong ito, hindi na 'yon gawa-gawa ng kathang isip ko. At ang mas nagpatulos pa sa'kin ay ang mga katagang binanggit nya.
"Ms.. I can see your panties.." ani ng isang baritonong boses ng lalaki.
Agad na nanlaki ang aking mata hindi lang dahil sa binanggit ng isang malalim na boses, kundi na rin sa init na lumukob sa 'king katawan dahil lang sa boses na 'yon.

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...