Sumakay naman kami sa elevator na sinakyan ko kanina. Sa pagkakataong ito, katabi ko na si Mr. Navine na topless pa rin.Nakita kong pinindot niya ang pinakadulong button ng elevator. Sa tingin ko 'yon ang pinaka highest floor ng building na kinalalagyan namin.
Panigurado na medyo matatagalan ang byahe namin paakyat dahil 26 ang palapag nito mula sa lobby, bukod pa ang basement na lima kanina.
Hindi na ako nakahintay, kahit na hindi ako madaldal ay hindi ko napigilang hindi magsalita.
"Mr. Navine.." tawag ko sakaniya at lumingon naman siya sakin ngunit hindi niya ako sinagot.
Pinagpatuloy ko ang akong sasabihin. "Gusto ko lang mga thank you dahil kinuha niyo yung painting ko."
Binigyan niya naman ako ng mapanuring tingin dahilan kung bakit napaiwas ako ng tingin.
Nanatiling naka-iwas ako sakaniya nang sumagot siya sa'kin.
"Don't thank me, yet." Seryosong banggit niya sa'kin.
Hindi ko rin malaman kung anong nangyayari sa'kin dahil lang sa sinabi ni Mr. Navine, napahawak ako ng pasimple sa puso kong parang nagigipit.
Pagkatapos ng interaksyon namin na 'yon, hinintay nalang namin ng tahimik ang pagdating namin sa 26th Floor kung nasaan ang posible niyang tinutuluyan.
Ilang saglit lang ay narinig namin na tumunog na ang elevator, hudyat na narating nanamin ang floor ng kaniyang suite.
Sinundan ko naman siya habang nanatiling nakahawak sa painting at certificate na binili niya sa'kin. Nang maalala ko ang aking cellphone ay kinapa ko ito sa aking bulsa pero mukhang naiwan ko 'yon sa aking cellphone sa aking kotse.
Hindi naman na inisip pa 'yon dahil ang mas nakakapagpakaba sa'kin ngayon ay si Mr. Navine. Baka kasi bawiin niya yung 10 million.
Sa sobrang spaced out ko ay hindi ko na napansin na tumigil pala si Mr. Navine kaya naman nabunggo ako sa likod niya. Halos mapangudngod ako sa hubad niyang katawan kaya naman naamoy ko ang natural niyang amoy.
Wala sa oras na natulak ko ng medyo malakas si Mr. Navine dahil lumakas nanaman ang pintig ng puso ko.
"Putangina." Sambit ko sa mahinang boses. Napalingon naman si Mr. Navine sa'kin.
"What's wrong, Ms. Torcer? Nervous?" tanong niya na medyo natatawa. Pero tunog sarkastiko rin ang kaniyang boses kaya naman hindi nalang ako sumagot. Hindi rin ako nag-sorry.
Binuksan niya ang kaniyang kwarto gamit ang isang passcode. Nang bumukas 'yon ay agad siyang pumasok habang ako naman ay nanatiling nasa labas pa ng kaniyang kwarto kaya naman agad siyang lumingon pabalik sa'kin ng maramdaman niyang hindi ako nasunod.
Tumaas naman ang kaniyang kilay na tila nagtatanong kung bakit hindi ako sumunod sakaniya.
"Ayos lang ako dito, Mr. Navine. Privacy niyo po 'yan." sambit ko.
Nakita ko namang kumunot ang kaniyang noo sa aking sinabi.
Napaiwas ako ng tingin at saka napaisip saglit.
Ibang-iba talaga siya sa Mr. Navine na nakausap ko..What if..May split personality siya????
Agad akong napapikit ng mariin para mawala sa isip ko ang posibilidad na 'yon.Nang imulat ko ang aking mata ay napasinghap ako dahil sobrang lapit na ni Mr. Navine sa akin. Napaatras naman ako dahil sa gulat at kitang-kita ko sakaniyang reaksyon na hindi niya nagustuhan ang aking ginawa.
"You hate me that much?" ani niya na ikinataka ko.
"Mr. Navine, anong hate? Nagpapasalamat nga po ako ng lubos dahil binili niyo ang aking painting. Akala ko talaga ay walang bibili." mahinang turan ko.
"Just get inside, Ms. Torcer. Para mapag-usapan na natin yung transaction about.." tinuro niya ang aking painting at saka nagsalita ulit. "..that thing."
BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...