Nang masigurado ko ng naka-lock ang pintuan ng aking apartment ay agad akong dumiretso sa elevator na nasa dulo ng hallway. Pagkapasok ko ay pinindot ko agad ang Basement button upang magawi ang elevator kung saan naka park ang kotse ko.
Habang naghihintay ako sa pagbaba ng elevator ay pinaglalaruan ko sa aking mga daliri ang susi ng aking kotse. Sa hindi inaasahan ay biglang tumunog at bumukas ang elevator sa Floor 7. Agad naman akong umusod sa pinaka side ng elevator para bigyan ng space ang pumasok doon.
Bumalik lang ako sa paglalaro ng susi ng aking kotse at hindi pinansin ang pumasok sa elevator. Napabaling ako sa mga buttons ng elevator at napansin kong hindi pumindot ang lalaki doon.
'Baka sa basement din ang punta niya'
Tumunog ng malakas ang ringtone ng aking cellphone hudyat na mayroong tumatawag sa'kin kaya naman agad kong kinalkal ito sa sling bag ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
Mama Mery is calling..
("Hello! My very very bestfriend!!") pasigaw na bati sa'kin ni Mery pagkasagot ko ng kaniyang tawag. "Bestfriend mo mukha mo!"singhal ko pabalik sakanya.
("Why-O-Why, My BFF?! Anong ginawa ko??")
Agad na napairap ang aking mata dahil sa ka-artehan ng boses ni Mery. "You give me a wrong site, Mery Greeze" sagot ko pabalik sakaniya nang may kaseryosohan sa boses.
Agad na natahimik ang kabilang linya kaya naman medyo inilayo ko ang aking cellphone sa aking taenga at agad na binaling ang tingin doon. Akala ko ay binaba na niya ang tawag dahil matagal siya bago nagsalita ulit.
("Omy....goshh..Anong nasabi ko, Tannie?") mahina at pabulong na sambit ni Mery sa'kin.
Napabuntong hininga muna ako bago sumagot sa tanong niya. "You said the site was OmeTv, Mery. Let's not talk here on the phone. I'm on the way to your house so just wait me there" sagot ko sakaniya at agad na binaba ang call ng hindi manlang siya binigyan ng tyansa na makapagsalita.
Hindi ko na binalik ang cellphone ko sa loob ng aking bag at sinuluksok ko nalang ito sa likod na bulsa ng aking pants.
Hindi rin nagtagal ay tumunog na ang elevator, hudyat na narating na nito ang Basement floor. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay naglakad agad ako palabas para pumunta sa pinagparking-an ng aking Mustang na pula.
Hindi gaano malaki ang basement ng building ng aking apartment pero masasabi ko na maayos ang pamamalakad dito dahil maliwanag at madaming ilaw ang nakakabit dito, hindi katulad ng mga basement na sobrang dilim. Masasabi ko na may mga kaya sa buhay ang ibang nakatira dito dahil hindi rin biro ang presyo na binabayaran para makapark sa basement na'to.
Maswerte nga lang ako dahil si daddy ang nag-insist na magbayad ng parking space ko dito.
Nang matanaw ko ang aking red Mustang ay agad ko 'tong nilapitan. Pinindot ko ang button sa aking car keys para buksan ang aking kotse. Bago ako pumihit sa driver side ay nabaling ang atensyon ko sa bulto na nasa tabi lang rin ng kotse ko, nakatayo.
"Hey, what are you doing beside my car?" sagot ko sa lalaking nakatayo sa tabi ng kotse ko.
Taimtim niya naman akong tinignan ngunit nabasa ko rin ang pagtataka sakaniyang mata. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at yumuko siya malapit sa gulong ng aking kotse at sinisipat-sipat niya ito, habang ako naman ay nagsimula ng magtaka at uminit ang ulo.
"I said, what are you doing with my car?" Tanong ko ulit sakaniya habang nagsisimula ng mainis ang tono ng boses ko.
Binalingan agad ako ng tingin ng lalaki ngunit sa pagkakataong ito ay halos padabog itong tumayo at pinantayan ang tingin ko.

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...