Pagkapasok ko sa unit ko ay dire-diretso ko ng ini-lock ang aking pinto.
Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa pagkainis sa lalaki kanina. Agad akong umupo sa'king sofa para mag pahinga saglit at makalipas lang ang ilang minuto ay napagdesisyonan ko naman nang ayusin ang mga pinamili ko.
Binuksan ko ang medyo malaking lamp malapit sa canvas na aking ginagawa at saka isa isang binuhat papunta sa area na 'yon ang aking mga pinamili sa National. Isinandal ko sa likod ng painting easel ang canvas na pinamili ko pati na rin yung naapakan kanina ng babae sa labas.
Ang mga paintbrush naman ay nilagay ko sa isang jar kung saan magkakasama ang mga bago kong brush habang ang mga bagong paints ko naman ay nilagay ko sa isang container para mabilis ko tong makuha. Hinayaan ko lang silang maghalo-halo pero ibinukod ko pa rin yung mga gamit nang paints.
Medyo nagtagal ako sa pag-aayos dahil medyo marami 'yon kaysa sa ine-expect ko. Dinamay ko na rin ang pag-aayos ng painting area ko para naman medyo maganda 'yon tignan at nakaka-relax kapag mag p-paint ako ulit.
Nang matapos ako ay agad naman na akong dumiretso sa aking banyo para maligo. Agad ko namang hinubad ang aking mga suot at tinagkal ang pagkaka-pony tail ng aking buhok. Sumuong naman kaagad ako sa shower kahit malamig ang tubig nito. Sanay nanaman ako sa malamig na tubig kaya hindi na ako nag bother na buksan ang heater ng aking shower.
Pagkatapos ko maligo ay agad kong kinuha ang aking tuwalya at ipinalibot iyon sa aking katawan. Dumiretso naman kaagad ako sa aking walk-in closet na naka-konekta lang sa aking banyo. Agad ko namang inilagay ang aking skin care bago ako nagbihis ng kumportableng damit.
Isinuot ko ang aking brown sweatpants at isang maluwag na itim na t-shirt. Kinuha ko naman ang aking suklay at naglakad palabas ng aking walk-in closet na nasa loob ng aking bedroom.
Agad naman akong dumiretso sa kabilang kwarto kung saan naka destino ang aking PC. Nang makapasok ako ay agad ko namang binuhay ang dim light ng aking kwarto at saka binuksan ang PC para i-search na ang site na sinabi ni Mery.
Isinuot ko ang aking headphone at saka tinype ang site na sinabi ni Mery sa search bar.
Lumabas naman agad ang site na sinabi ni Mery kaya hindi rin akong nahirapan na hanapin ito. Hindi na ako nagdalawang isip at pinindot ko na site.
Ang unang bumungad sa'kin ay ang pag-re rehistro ko sa aking account. Binigyan rin ako ng instruction na kinakailangan na valid ang aking mga ilalagay roon. Hindi naman ako nag atubiling mag sinungaling dahil paniguradong maraming hidden agenda ang site na 'to at tiyak na malalaman nila kung valid ba ang account mo o hindi dahil nga mga bigatin na mga tao ang nag a-acces rito.
Nang mailagay ko na ang lahat ng kinailangan kong punan na impormasyon ay pinindot ko na ang enter key sa lower right corner ng aking screen. Ilang segundo lang itong nagloading ng may lumabas sa aking screen na 499/500 slot.
Naalala ko naman na naka by slot nga pala ang pagpasok rito mabuti na nga lang at naswertehan ko pang makapasok dahil tiyak na madaming mayayamang tao ang nabisita sa site na 'to ngunit hindi pa rin ako pwedeng makapante dahil hindi dahil nakapasok ako rito, may pera na agad akong makukuha.
Napagdecide-an ko munang pag-aralan ang site. Pagkatapos kong mag-log-in ay bumungad sa'kin ang isang newsfeed kung saan madami-dami na rin ang nakapag post. Para lang itong facebook ngunit ang pagkakaiba lang ay hindi mo malalaman kung sino ang nagpost niyon. Ang tanging nakalagay lang para ma distinguish ang pagkakaiba ay imbis na pangalan mo ang nakalagay, slot number mo ang makikita ng iba.
Tulad nga ng sabi ni Mery ay para ito sa mga paintings kaya naman marami-rami akong nakita na nag-aalok ng kanilang paintings. Ngunit ang ipinagtataka ko ay sabi ni Mery, hindi raw madaling makapasok rito ngunit ang tanging hiningi lang naman sa'kin bago ako makapag-log-in ay ang aking pangalan pati na rin isang picture ng aking valid-id.
Baka dahil nilagay ko na seller, imbis na buyer doon sa isang button kanina.Napabuga nalang ako ng hangin ng maboring ako sa aking ginawang pag-s scroll. Para ma-upload mo ang iyong ibebenta na paintings ay may nakalagay sa upper right ng iyong screen na 'Upload' button. Dahil nga wala pa naman akong balak mag-upload, pinatay ko nalang muli ang aking PC dahil hindi pa naman ako tapos sa aking painting na balak kong ibenta at ialok sa site na 'yon.

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...