Capítulo 8

18 3 1
                                        


Kindly vote and comment, guys!! XD Thank you for your support!!

**************************************


"Hi. Did you miss me, My Nize?" sambit ni Darmex ng buksan ko aking pinto.

"No. Kapal mo talaga!" singhal ko sakaniya at saka tumalikod sa aking bukas na pinto.

Hinayaan kong bukas ang aking pinto dahil alam kong susunod si Darmex at tulad nga ng nasa isip ko, siya na mismo ang nagsara ng pinto at saka dire-diretsong umupo sa'king sofa.

"Oh! You're painting right now??" tanong niya habang sinusundan ako ng tingin papuntang kusina.

"Yes." Sagot ko pabalik habang kinukuha sa aking ref ang chocolate kisses na utang ko kay Darmex.

Nang makuha ko ito ay pabatong binigay ko ito kay Darmex ng makarating ako sa sala ng aking unit.

"what the fuck??" nagugulat na sambit niya dahil sa dami ng chocolate kisses na binato ko sakaniya. "Bakit ang dami??"

"Para hindi ka magreklamo. Nakakahiya naman kasi sa'yo." pataray na banggit ko saka dumiretso sa aking painting area.

Kinuha ko ang painting pallete saka umupo muli sa harap ng canvas na aking pinipintahan. Hindi naman sumagot si Darmex ngunit kilala ko ang isang 'to, hindi nito kayang manahimik kahit dalawang minuto lang.

"So, para sa'n ang painting na 'yan?" pagsasalita niya. "trip lang." banggit ko pabalik sakaniya.

"Weh? Sa'n mo nakukuha yang idea mo na yan? I mean, para sa painting na 'yan?" pangungulit niya. 

"Sa utak ko lang." maikling sagot ko dahil mas nakatuon ang aking atensyon sa pag p-paint.

"Hmmm. Okay" sagot niya at mabuti na lamang hindi na siya nagsalita ulit. 

Makalipas ang isang oras ay nagstretch ako ng kaunti dahil nangalay ang aking likod dahil sa tuloy tuloy na pagp-paint. Nilingon ko naman si Darmex at nakahiga na siya ngayon sa aking sofa at mukhang nanonood siya sa Youtube habang kumakain ng chocolate.

Nilingon ko naman ang orasan at saka niyaya si Darmex na mag-dinner dahil pasado alas-otso na pala ng gabi, pareho naming hindi namalayan.

"Darm. Anong dinner gusto mo?" tanong ko sakaniya habang nag s stretch ng likod.

Halos matawa ako dahil nabilaukan siya sa chocolate na kaniyang kinain kaya naman dali-dali siyang umupo at nanlalaki ang mata na tumingin sa'kin.

"Woah! Did you just call me, Darm?" tanong niya habang may gulat pa rin na ekspresyon. "Haba kasi ng Darm." 

"It's fine with me though." ngingiti-ngiti niyang sagot pabalik. 

"So, anong dinner nga trip mo??" 

"Labas nalang tayo para hindi kana magluto." sabi ni Darmex na ngayon at nakatayo na habang pinagsasama sama ang mga balat ng chocolate na kinain niya,

Tumango nalang ako bilang sagot at saka dumiretso sa aking kwarto para kumuha at magpalit ng damit. 

Nang matapos ako ay pinony-tail ko lang ang aking buhok at saka niyaya si Darmex na lumabas na. Akmang kukunin ko ang aking car keys ng bigla niyang pigilan ang aking kamay.

"Sa'kin yung gagamitin na'tin. I'll drive." 

Hindi na ako nakipagtalo at sumunod nalang kay Darmex palabas ng aking unit. Agad kaming dumiretso sa elevator papunta sa basement.

Halos panlisikan ko ng mata si Darmex ng makarating kami sa harap ng 'sasakyan' kuno niya.

"Fuck you! Akala ko yung Mustang mo gagamitin na'tin??" naiinis na mura ko kay Darmex dahil hindi Mustang ang gagamitin namin kundi..

"Nize babes, what's wrong with riding a Ducati???" ngingisi-ngising sambit ni Darmex at pinupunas punasan pa ang helmet na kaniyang hawak.

"Don't call me babes, Darmex! Ayokong sumakay diyan sa motor mo." May pinalidad na banggit ko sakaniya.

"Why are you so pressed about riding a motorcycle, Nize babes??"

Hindi ako sumagot sakaniya at tinitigan niya naman ako hanggang sa may tila nabuong konklusyon sakaniyang isip.

"Don't tell me..Your ex-boyfrie--" 

"Shut your annoying mouth. Give me the helmet." seryosong banggit ko at nanlaki naman ang mata ni Darmex dahil mukhang na-bingo niya ang pinuputok ng init ng ulo ko.

Hindi naman nagsalita si Darmex at inabot sa'kin ang isang spare helmet.

"Planado mo talaga na pasakayin ako sa Ducati mo noh? May helmet ka na talagang dala. Galing." sarkastiko kong banggit kay Darmex habang sinusuot ang helmet na inabot niya sa'kin.

Nilapitan ko ang kaniyang Ducati upang umangkas sa likod. Inilahad niya naman ang kaniyang kamay ngunit hindi ko 'to tinanggap at binigyan ko lamang siya ng isang matigas na pakyu na gawa ng aking gitnang daliri.

Mabilis akong sumakay sa likod na parte ng kaniyang Ducati at ng makita ko ang mapang-asar na reaksyon ni Darmex, tinapunan ko siya ng seryosong tingin kaya naman napailing nalang siya saka isinuot ang kaniyang helmet.

"Grabe. Ex mo talaga naka-Ducati. Sanay na sanay ka umangkas eh." rinig kong banggit ni Darmex ng makasakay na rin siya.

"Shut your mouth or maglilikot ako rito sa likod." pambabara ko sa pang-aasar niya.

"I'm a great driver, Nize. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka." sambit niya at saka binuhay ang makina ng kaniyang motor.

"Hindi kaba kakapit sa matigas kong abs?" lingon niya sa'kin. 

"May balikat ka naman. Anong gagawin ko sa abs mo?" masungit na banggit ko sakaniya. Halos umikot na ang aking mata dahil sa labis na pag-irap kay Darmex.

"Wala lang.. Mas masarap kasi sa abs nakakapit" dinig kong banggit niya saka siya mahinang tumawa. 

Hindi ko na siya pinansin at saka naman ako humawak sakaniyang balikat bilang suporta.

"Hindi ka talaga yayakap sa'kin?" paniniguraodng tanong niya. "Shut up. Paandarin mo na 'to, bago ko gasgasan tong motor mo"

Mabilis niya namang pinaandar ang kaniyang motor at masasabi ko na magaling talaga magdrive si Darmex. Maingat rin siya ngunit mapapansin na mabilis siyang magpatakbo at tila enjoy na enjoy sa pagd-drive. Mabuti na lamang at kaunti lang ang sasakyan sa dinaanan namin. 

Makalipas ang ilang minuto ay inihinto ni Darmex ang kaniyang motor sa isang mukhang mamahaling restaurant. Nang makababa ako ay saka lang bumaba si Darmex sakaniyang motor.

Tinagkal ko naman ang aking helmet at saka 'yon inabot sakaniya. 

Pagpasok namin ay bumungad sa'min ang isang waitress.

"Table for two, Sir?" tanong ng waitress na mukhang mahihimatay na dahil sa sobrang pula ng mukha habang nakatingin kay Darmex.

Hindi naman nilingon ni Darmex ang waitress kaya naman hindi niya nakita ang ekspresyon nito. Paniguradong gwapong-gwapo ang waitress kay Darmex kaya ganon nalang ang pamumula ng mukha nito.

"Yes. Yung nasa terrace sana." tugon ni Darmex at agad namang tumalima ang waitress sa utos ni Darmex. "This way, Sir."

Nang makarating kami ay pinaghugot ako ni Darmex ng upuan ngunit tinugunan ko lang ito ng aking gitnang daliri. Natatawa namang umupo sa harapan ko si Darmex at saka nilingon ang overlooking site ng city lights mula sa aming pwesto.

Maya-maya lang ay duamting muli ang waitress at binigyan kami ng menu. Hindi ko naman binuklat ang menu at saka nalang umorder.

"I'll get one Bistecca alla fiorentina and a glass of Dom Pérignon." sambit ko sa waitress na agad namang nilista ang aking inorder.

Nag-angat naman ako ng tingin at naabutan ko si Darmex na nakataas ang isang kilay, tila sinusuri ako kung bakit alam ko na ang aking o-orderin kahit kakaupo palang namin.

"How about you, Sir?" tanong ng waitress kay Darmex.

"One Schlutzkrapfen, Bruschetta, and warm water, please." 

Agad naman yumukod pansamantala ang waitress at saka tinangay ang aming mga order papasok ng restaurant.

"Lagi ka rito?" takang tanong ni Darmex. "Dati. Kasama parents ko." 

Tumango-tango naman si Darmex at saka nilingon ang tanawin.

Ipinikit ko ang aking mga mata ng dumaloy ang malamig na simoy ng hangin sa aming pwesto. Malalim akong bumuntong hininga at saka muling ibinukas ang aking mga mata.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Darmex kaya naman napagdesisyonan ko na ikwento ang nangyari sa'kin dati.

"Alam kong hindi mo itatanong kaya ik-kwento ko nalang." mahinang sambit ko kay Darmex na medyo natatawa. Lumingon naman siya sa'kin at bumakas sa kaniyang mga labi ang mapang-asar na ekspresyon.

"Your ex?" ngi-ngising tanong ni Darmex. Tumango naman ako bilang sagot.

"It was actually me. Ako mismo ang nagmo-motor dati, not my ex." banggit ko. Bumadha naman ang gulat sa mukha ni Darmex ngunit hindi naman siya nagsalita, sign na ituloy ko ang aking pagk-kwento.

"Ayoko sa kotse dati and inlove na inlove ako sa pagd-drive ko sa Ducati ko, but you know, shit happens." 

"It's fine kung hindi ka kumportable sabihin, Nize. We just met yesterday, noh!" pigil ni Darmex sa'kin sa pagk-kwento. Sinuklian ko naman siya ng magaan na ngiti. 

"It's fine, I know mapagkakatiwalaan kita and I know mabuti kang kaibigan. Though, kagabi lang tayo nagkakilala." sambit ko at hindi naman sumagot si Darmex kaya pinagpatuloy ko ang aking pagk-kwento.

"Naaksidente ako when I was 19 years old. Pinagbawalan ako ng parents ko na humawak pa ng motor, especially my beloved Ducati. Kapalit non is my red mustang for my transpo. Umuulan kasi that night then yun medyo mabilis pagpapatakbo ko, madulas pala yung kalsada kaya yun." pagk-kwento ko kay Darmex. 

"I was unconscious for about 3 weeks dahil natamaan daw yung part ng ulo ko, mabuti na lang raw ay hindi sobrang lala yung natamo ko nung naaksidente ako. Good thing daw na may tumulong kaagad sa'kin that night at nadala kaagad ako sa ospital, dahil kung hindi raw, wala dapat ako ngayon sa harapan mo." mahabang kwento ko kay Darmex. 

Tumango-tango nalang siya bilang pagtugon sa pagk-kwento ko. Nakakapagtaka na hindi na nagtanong ulit o dumaldal muli si Darmex ngunit hinayaan ko na lamang siya dahil baka na shock siya na parang wattpad ang datingan ng kwento ko dahil lang sa Ducati.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin ang aming pagkain kaya naman nagsimula na rin kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumain ni Darmex at ng matapos na ako ay nilingon ko ang wine na aking inorder at saka ito tinitigan.



'I guess a glass of Dom Pérignon wouldn't hurt'

--------------------------------------------------------------------------------------------



SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon