This is for you my @Oui832. Study well, my attorney!
-----------------------
Hindi ko alam kung saan ako kumukuha nang lakas ng loob para makatayo ng tuwid pagkatapos kong sabihin ang naalala kong memorya sa ginawa ni Darmex sa'kin no'n.Parang nanuot 'yon sa aking pakiramdam pero tinatagan ko ang aking loob.
"I-I'm sorry, Nize..Please, f-forgive m-me.." malakas ang pag-iyak ni Darmex habang nagsasalita siya.
Ngumiti nalamang ako nang maramdaman ko ang sakit noon. Na para bang kanina ko lang nakita 'yon.
Gusto kong maawa kay Darmex, lalong-lalo na sa sitwasyon niya dati. Ngunit hindi ko siya magawang lapitan dahil sa tingin ko'y mas dapat ko muna siyang hayaang mag-isa.
'Ginawa 'yon para sa nanay niya, Tharnalie.'
"I know, hindi ko na mababalik ang dati kaya naman noong nalaman kong gum-raduate kana, I grab the opportunity to see you. A-Akala ko m-maaalala mo kaagad ako. A-Akala ko mapapatawad m-mo agad ako." nanginginig ang labing usal niya.
"Until, i-inabangan k-kita s-sa parking s-space mo. Sa baba ng condo mo.."
Muling nanumbalik sa utak ko ang unang pagkakita ko kay Darmex. Nakaabang siya sa tapat ng aking pulang Mustang.
'So, he was about to ask for my forgiveness that time..'
"K-Kunwari p-pa akong nakipagtalo sa'yo no'n. Naisip ko na b-baka nagulat k-kalang dahil n-nakita mo a-ako doon. A-Akala ko nagbibiro kalang noong sinabi m-mong a-anong ginagawa k-ko sa tapat nang k-kotse mo. Kaya nag-joke rin ako.."
"Pero n-noong nagtuloy-tuloy ang pag-uusap n-natin no'n, n-napansin k-ko sa mata m-mo na s-seryoso k-ka t-talaga. K-Kahit n-noong p-pinaandar mo n-na ang kotse m-mo, p-parang na-estatwa a-ako na h-hindi mo n-na talaga a-ako n-nakikilala.."
Napayuko namnan ako at na stuck ang mata ko sa sahig na tinatapakan ko. Masakit para sa'kin na hindi ko maalala ang lahat. Pero sa tingin ko'y mas masakit kapag naalala ko na ang lahat.
"A-Akala ko g-galit na galit k-ka sa'kin k-kaya n-naisipan mong a-alisin ang existence k-ko sa u-utak mo. N-Noong u-umalis ka s-sinundan kita.. Noong n-napansin kong p-papunta k-ka kay Mery, l-lumihis m-muna ako ng daan. N-Nagpark a-ako sa m-medyo malayo--Sa hindi mo m-matatanaw. Noong nakaalis kana ay hindi ko n-napigilan t-tanungin si Mery k-kung anong nangyari sa'yo."
Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "B-Binulyawan n-niya pa nga ako d-dahil sa g-ginawa ko s-sa'yo pero sa h-huli, u-umamin d-din siyang n-naaksidente ka. Na nagkaroon k-ka ng s-selective a-amnesia. M-Mabilis l-lang ang naging pag-uusap namin dahil naabutan pa rin k-kita sa daanan. S-Sinundan k-kita hanggang sa National..N-Nagkunwari a-akong h-hindi p-pa tayo magkakilala."
"Alam kong mali at napaka-selfish ko p-pero pakiramdam ko no'n ay p-parang hinulugan a-ako ng langit ng i-isa pang p-pagkakataon p-para b-baguhin y-yung mga nagawa ko sa'yo.."
Hindi ko na napigilan sumabat dahil sobrang bigat na ng nararamdaman ko. "Kaya nagpanggap ka? Gano'n ba? K-Kaya pinagmukha mo akong tanga?" nangingilid ang luhang usal ko sakaniya.
Nakita ko namang bumalatay ang takot at lungkot sakaniyang mata. Bahagya naman siyang napangiti ng mahinhin.
"Maybe ganoon na a-ako ka d-desperado s-sa p-pagmamahal mo, N-Nize. K-Kahit sarili ko, l-lolokohin ko p-para lang makuha at m-mapasa'kin ka ulit..Lahat nang p-pinakita ko, y-yung pagsama ko sa'yo, p-pagpunta k-ko sa condo mo, totoo lahat 'yon, Nize."
"G-Ginawa k-ko n-naman l-lahat. Binuhos ko y-yung p-pagmamahal ko s-sa'yo pero k-kahit ako yung nasa t-tabi mo, h-hindi na ako yung t-tinitibok ng puso mo..I'm y-years late, Nize..Ito na s-siguro a-ang karma ko.. A-Akala ko d-dahil m-may a-amnesia k-ka, m-may c-chance n-na ulit a-ako..Pero, lugi na t-talaga eh..K-Kahit ako yung nasa harap mo, ramdam na r-ramdam kong w-wala na talaga..H-Hindi na a-ako..M-Matagal ng h-hindi ako.."
Napasinghap siya sa hangin bago diretsong tumingin sa'kin ang luhaan niyang mga mata. "I'm s-sorry for c-cheating on you, Nize..Pero, I'm not sorry for pursuing you a-again..I k-know I t-took advantage o-of your a-amnesia pero w-wala na eh, talong-talo, luging-lugi na ako, Nize. M-Mahal na m-mahal kita. I-I p-planned e-everything p-pero I still failed to make y-you fall in l-love w-with me, a-again."
" A-Akala k-ko nga malilimutan mo na 'yang si Navine eh." natatawa-tawa pa siya habang nakatingin kay Navine na humakbang ng mabilis papalapit sakaniya.
Taka naman akong napatingin sakaniya. "What do you mean?" tanong ko ngunit walang sumagot sa'kin.
Naramdaman kong lumapit sa'kin si Lavine kaya naman natuon ko ang nagtataka kong tingin sakaniya ngunit iniiwas niya lang ang mata niya sa'kin.
"Let's go." seryosong banggit ni Lavine habang inaalalayan ang aking likod. Ginagawi papalabas ng pinto ngunit nagmatigas ako.
"No. Sabihin niyo sa'kin lahat." ani ko. Rinig kong napabuntong hininga si Lavine kaya naman binitawan niya ako. Nanatili lamang siyang nakatayo sa may likod ko.
Narinig kong nagsilapitan ang dalawang lalaki at naramdaman kong lumapit sila sa gawi namin ni Lavine.
"We just don't want you to force yourself." dinig kong usal ni Lavine pero hindi ko na ito pinansin. Natuon lamang ang aking paningin kay Navine at Darmex na ngayon ay magkaharap.
"Tanginang 'yan! Kahit may amnesia na si Nize, ikaw pa rin?!" gigil na sigaw ni Darmex sa mukha ni Navine.
Kumunot naman ang aking noo dahil mukhang may malalim talaga na rason kung bakit ang init palagi ng mata nilang dalawa sa isa't isa.
Nagulat ako ng biglang dakmain ni Navine ang kwelyo ni Darmex at saka nagsalita. "Don't say anything. Quiller. I'm warning you." seryoso at ma-awtoridad ang boses ni Navine. Mapagbanta.
Ngunit mas kinabahan ako ng ngumisi lamang si Darmex. Hindi takot sa ginawa ni Navine. "Bakit? Anong kinakatakot mo? Eh, ikaw nga ang gusto diba?! Ano bang pinuputok ng buchi mo?!"
"Darmex. Stop it." Dinig kong usal nung Bronzie mula sa aking likod.
"Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ko pero walang pumansin sa'kin.
Akmang lalapitan nung lalaking maputi ang pwesto nila Navine ngunit napigilan kaagad ito ng kamay ni Lavine. Bahagya pang umiling si Lavine, hudyat na hayaan lamang ang dalawa.
Wala namang nagawa ang lalaki at taimtim na naghintay nalang sa mga susunod na mangyayari.
"Ah! Bakit? Naniwala ka sa sinabi ko sa'yo??" ngingisi-ngising tanong ni Darmex. Halatang mas naasar si Navine na labis nagpangamba sa aking nararamdaman.
Kinakabahan ako dahil sa bulto pa lamang ng katawan ni Navine ay kayang kaya niyang pabagsakin si Darmex gamit ang isang suntok lang.
'You fucking tricked me! You tricked us, Darmex! Tanginang utak 'yan!"
Nagulat ang lahat nang sigawan ni Navine si Darmex habang nakahawak pa rin siya sa kwelyo nito. Parang binomba ang aking puso dahil sa aking mga naririnig. Lalong lalo na sa nakikita kong galit at poot sa mga mata ni Navine.
"Fuck.Fuck.Fuck." dinig ko nanamang usal ni Bronzie sa aking likuran. Halata sakaniyang boses ang pagkakaba kaya naman mas lalo akong nagtaka.
"Ano ba talagang meron?" pagsasalita ko pero tinignan lang ako ni Lavine saglit, saka siya nagsalita.
"You'll eventually know the truth, Tharnalie. Let them. Pakinggan mo sila. Pagkatapos niyan ay ikaw na ang bahalang manimbang ng mga narinig mo." mahinang usal niya na mas lalong nakapagpalito sa'kin.
Seryoso na ang mata ni Darmex nang malingonan ko sila. "It's not my problem na uto-uto ka, Navine. Ang dami mong pera pero hindi mo manlang nagawang mag-imbestiga?"
"I did you fucking asshole!" ani ni Navine.
"Oh? Anong nangyari? Palpak?!" nang-iinis na sagot ni Darmex. Gusto ko na silang pigilan ngunit wala akong lakas para gawin 'yon. Gusto ko rin marinig ang mga dapat ko pang malaman.
"I never pursued to know the investigation!"
"That's not my problem!" sigaw rin ni Darmex.
"oh fuck you!"
Biglang sinapak ni Navine si Darmex ng sobrang lakas. Naphiga sa sahig si Darmex at putok kaagad ang labi nito dahil sa lakas ng impact ng sapak ni Navine.
"Stop!" sigaw ko pero parang hindi nila ako narinig.
"What the hell are they doing? Gusto ko lang naman malaman lahat!" usal ko kay Lavine pero hindi niya ako sinagot. Napapatingin naman ako sa dalawang lalaki pero nanatili lang silang kalmado na nakatayo.
"You fucking tricked me, Darmex!" ani ni Navine at mabilis ang paghinga nito hudyat na sobra sobra ang galit nito sa kausap niya.
'Gusto ko lang naman malaman ang lahat..Why is this happening?'"Anong gusto mo? Ibigay ko siya sa'yo dahil alam kong wala akong pag-asa?! Fuck you! Hindi ako martir katulad mo!" sambit ni Darmex.
'Are they talking about me?'"You're so twisted, Darmex! Your mind and your values are so fucked up! Putangina! Pa'no ba kita naging kaibigan?!" gigil na usal ni Navine habang nakakuyom ang kamao nito. Kitang-kita mo ang galit sakaniyang mga mata pati na rin sakaniyang boses.
"Ex-friend! Don't act like napaka-tino mo! You're making out with different woman, Navine! Tangina! Ang malala, nakipagmake-out ka pa nga sa elevator!!"
"Sa sobrang kakamake-out mo, hindi mo kami napansin ni Nize sa loob ng elevator!
Biglang bumalik sa utak ko ang scenario kung saan tinulungan ako ni Darmex magbitbit nang pinamili ko. Habang nasa elevator kami ay may pumasok na dalawang naghahalikan na tila walang bukas. 'Yon din ang araw na nagpanggap si Darmex na nabangga niya ako sa National.
"It's you?" tanong ko kay Navine. Napalingon naman siya sa'kin nang may nangungusap na mata. Tila ba sobrang litong-lito na siya. Hindi siya sumagot at tumingin lang ulit kay Darmex.
"I can't believe it! Ha!" ani ni Navine habang napapasabunot pa ito sakaniyang buhok.
Halatang galit na galit siya kay Darmex pero hindi niya na ito magawang lapitan. Tumayo na rin si Darmex mula sa pagkakasalampak niya sa sahig at saka nagsalita.
"Don't play clean, Navine.." sambit nito.
"You don't have the rights to tell me that," ngumisi si Navine kahit na napipikon ang mukha nito.
"You fucking tricked me.." ani ni Navine. Akala ko ay wala na siyang sasabihin kaya naman magsasalita na sana ako nang dugtungan niya ang kaniyang sinabi.
At tila bumagsak ang buong pagkatao ko noong narinig ko ang kaniyang sinabi.
"Tricked me into thinking na buntis si Tharnalie.."
'Tell me this is just a nightmare..'
Napatingin ako kay Darmex na ngayon ay nakababa na ang tingin. Hidni ako makapaniwalang nagawa niya lahat nang 'yon.
"Sinabi mo sa'kin na buntis si Tharnalie at ikaw ang ama! Tell me? How can I fucking cope up with that?!" pasigaw na sagot ni Navine.
And the next thing I knew, nangitim na ang paligid ko.--------------------------------------
Master manipulator ang galawan

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...