"Mery.."
Agad na nanlaki ang mata niya ng marealize niyang ako ang nasa harapan niya.
Hindi ko alam kung papasok ba ako sa elevator at tatanungin ko nalang si Mery sa susunod na araw o kaya naman tatanungin ko kung bakit nasa VIP elevator si Mery.
Imposible rin naman na may suite siya dito dahil sa pagkakatanda ko, ang buong floor na ito ay sumasakop sa buong suite ni Mr. Navine. Kaya naman nasisigurado ko na si Mr. Navine ang pakay niya.
"A-Anong ginagawa mo dito??" sabi niya ng makalabas siya ng elevator at hinarap ako.
"Hinatid ko sa buyer yung painting ko. Remember yung exhibit? May bumili kaagad nung painting ko and yun, dito siya nakatira. Ako nagdeliver."
Binigyan niya naman ako ng mapanuring tingin at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Eh, bakit naka pajama ka?!" OA naman na tanong niya at hinawakan pa ang manggas ng terno na pajama na suot ko.
"Mabait kasi masyado si Mr. Navine, yung bumili sa'kin. Diyan niya ako pinatulog. Pumayag ako kasi late na rin kagabi at ni-lock ko naman yung guest room na tinuluyan ko." sambit ko pero mukhang isa lang ang nakapukaw sa atensyon ni Mery.
"M-Mr. N-Navine? K-Kilala mo s-siya?" utal utal na tanong ni Mery na mas lalong nakapga-pakunot ng noo ko.
"Siya nga yung bumili diba??" sarkastikong banggit ko sakaniya.
Napakunot ang noo ko ng mapansin kong tila tinakasan ng dugo ang mukha ni Mery dahil sakaniyang nalaman.
"P-Paanong.." hindi na tinuloy ni Mery ang kaniyang sasabihin at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
Natulos naman ako sa aking kinatatayuan dahil sakaniyang ginawa.
"I'm sorry, tanniebabes.." sambit niya na mas lalong nakapagpalito sa'kin.
"Ano ba 'yon, Mery? Ang weird ng ina-act mo." sagot ko sakaniya pero hindi naman siya sumagot.
Kumalas lang siya sa kaniyang pagkakayap ng may marinig kaming nagbukas ng pinto. Napalingon kami pareho ng biglang ilabas non si Mr. Navine na ganon pa'rin ang suot pero agad na dumako ang kaniyang paningin sa'min ni Mery.
"G-Greeze..W-What the hell are you doing here??" utal rin na sambit ni Mr. Navine. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa'min dalawa ni Mery na tila nagtataka sa aming posisyon.Agad akong napaiwas ng tingin ng lumapit si Mery sakaniya at saka sumenyas kay Mr. Navine na ani mo'y pabulong. Ibinaba naman ng kaunti ni Mr. Navine ang kaniyang ulo patungo sa direksyon ng bibig ni Mery. May ibinulong naman si Mery at napaiwas naman ako ng tingin.
Naiinis ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng weirdong emosyon sa aking dibdib. Hindi na rin ako nagtagal at sumakay na ako ng elevator. Mabuti na lamang at mukhang wala namang ibang nagnanais na sumakay sa ibang floor kaya naman bumukas kaagad 'yon.
Hindi ko na nilingon si Mery at Mr. Navine at tuloy tuloy lang akong sumakay ng hindi sila tinapunan ng tignan muli.
Tila nawala ako ng ilang minuto sa aking sarili dahil na-realize ko nalang na nasa loob na ako ng aking kotse. Napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong kumirot. Paniguradong dahil sa biglaang pag-iisip ng madami. Napadako naman ang paningin ko sa aking cellphone na nasa passenger seat.
Nalobat 'yon kaya naman sinaksak ko 'yon sa charging port sa aking kotse. At habang nag c charge yon ay naisipan ko ng magdrive pauwi sa aking condo.
Nasa kalagitnaan ako ng pagd drive ng biglang bumukas ang aking cellphone at bumuhos ang tunog ng notification n'yon.
"What the fuck??" ani ko dahil sobrang dami non.
Napagdesisyonan kong iliko ang aking sasakyan sa isang starbucks drive-thru na nakita ko.
Walang pila kaya naman naibigay ko kaagad ang aking order.
"One white hot chocolate, Venti, but make it on-iced." order ko at mabilis naman akong pinaderetso sa susunod na window.
Mabilis akong nagbayad gamit cash dahil may natira pa naman sa wallet ko at nang makuha ko na ang aking order ay naghanap ako ng parking para tignan ang mga notification sa aking cellphone.
Nagulat ako ng puro galing sa number ni Darmex ang 79 missed calls at 122 text messages.
"anong trip nito??" ungot ko sa aking sarili.
Hindi ko na sinagot o tinignan ang mga messages niya. Diniretso dial ko nalang ang kaniyang number at wala pang sampung segundo, sumagot na agad ang linya.("Nize! Okay kalang ba? Nasan ka ngayon? Anong nangyari? ayos kalang? bakit hi--") sunod sunod na tanong ni Darmex kaya naman medyo inilayo ko ang aking cellphone sa aking tenga.
"Darm, I'm fine. Pauwi na ako. May gusto kabang kainin?" tanong ko sakaniya.
Paniguradong hindi pa siya kumakain, base sa mga missed calls at text na ginawa niya sa'kin.
"Just go home safely, Nize." sagot niya.
Pinatay ko naman kaagad ang call at nagma-neobra ng manibela para pumila ulit sa drive thru ng starbucks.
Inorder-an ko si Darmex ng isang isang pesto at tinapay na available, pati na rin venti na caramel macchiato.
Nang makuha ko 'yon ay nagsimula na akong tahakin ang daan pauwi.
BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...