Capítulo 25

12 2 0
                                    


'Twin?'

napakunot ang aking noo dahil sa narinig kong sinabi ni Darmex kay Mr. Navine. Pero nagulo lang rin ang utak ko dahil hindi Navine ang binanggit na pangalan ni Darmex, kundi Lavine.

"I'm not warning you, Quiller. I'm just giving you an advice." preskong sagot ng tinawag ni Darmex na Lavine.

"I'll make sure na hinding hindi malalaman ni Nize ang lahat nang nangyari." desididong sagot ni Darmex.

"We'll see about that. May gusto kapa bang sabihin?" 

Hindi naman umimik si Darmex.

"Kasi kung wala na, how about you Ms. Torcer? Do you want to say anything?" kumabog nang malakas ang puso ko nang tawagin ni Mr. Lavine ang pangalan ko. 

Nanginginig ang aking kamay ng buksan ko ang pinto na kinalalagyan nilang dalawa ni Darmex. 

Sumalubong sa'kin ang kulay puting kwarto. Simple ngunit masasabi mong sumisigaw ito ng karangyaan. 

Nang tuluyan na akong makapasok ay saka ko lang sila napagmasdan. Dumako kaagad ang paningin ko kay Darmex na ngayon ay gulat na gulat at mukhang tinakasan ng kulay ang mukha. Si Mr. Lavine naman ay prenteng nakaupo lang sakaniyang office chair. 

Nanatiling nakatayo si Darmex sa harap niya habang nakatingin sa'kin nang may halo-halong emosyon sakaniyang mga mata.

"N-Nize. W-What are you doing here? Kakalabas mo palang n-ng o-ospital." utal-utal na banggit ni Darmex ngunit hindi ko sinagot ang kaniyang tanong.

"Ano yung narinig kong twin??" diretsong tanong ko sa lalaking nakaupo na tinawag ni Darmex na Lavine. 

Ngumisi naman ito sa'kin. "I'm Lavine. And about my twin, it's for you to find out." 

Pinagmasdan ko ang mukha at itsura ni Lavine. Pareho-pareho lang sila ni Mr. Navine pero nasisigurado kong itong kaharap ko ngayon, ang kaharap ko noong nag exhibit ako dahil nakasalamin ito.

Kung itsura ang pag-uusapan ay papasa talaga silang tila iisang tao lang dahil pareho-pareho ang kanilang itsura, pero masasabi kong iba ang kanilang aura at tindig. Mas sumisigaw ng kalokohan ang aura ni Lavine, habang ang aura naman ni Navine ay sumisigaw ng awtoridad.

"Ano-ano ang narinig mo, Nize?" kabadong tanong ni Darmex nang tignan ko siya.

Ngumiti lang ako ng tipid at labis ko ring ipinasasamalat na hindi sumasakit ng sobra sobra ang ulo ko. 

"Ano ba ang gusto mong isagot ko sa'yo?" tanong ko pabalik sakaniya.

Nakita kong mas namutla at sumeryoso ang kaniyang mukha. 

"Don't you trust me, Nize?"

"I do trust you. You are my friend."

Bumalatay sa mukha ni Darmex ang hindi maipinta na emosyon. "Y-You trust me a-as a f-friend?"

"What do you want?" diretsahang tanong ko sakaniya.

Mabilis siyang lumapit sa'kin upang hawakan ang mga kamay ko. Hindi ko naman iyon iniiwas sakaniya at hinayaan lang siya sa gusto niyang gawin.

"I'll explain things to you, Nize. Huwag lang ngayon.." nagsusumaong ani niya.

Naiwas ko naman ang aking paningin dahil tila may dumadamba sa aking dibdib tuwing nakikita ko ang namumuong luha sakaniyang mata.

"So, what's your relationship with them?" turo ko kay Lavine habang diretsong nakatingin kay Darmex.

"Nize.."

Hindi makasagot si Darmex ngunit humigpit ang hawak niya sa aking kamay. 

"What are you hiding? Don't fool around, Darmex." 

"Please, Nize.."

"About the plan he's talking about," nilingon ko ang pwesto ni Lavine bago ibalik ang aking paningin kay Darmex. 

"Anong plano mo? What's your plan, Darm?"

Nanatiling mahigpit ang pagkakahawak ni Darmex sa aking kamay, habang titig na titig sa'kin ang luhaan niyang mata.

"Please, Nize.. Stay with me. I'll explain it to you. Please..." basag basag ang boses ni Darmex nang magsalita siya.

Ngunit tila namanhid at nabingi ako dahil hindi niya masagot ang kahit isang tanong ko sakaniya.

Dahan-dahan kong tinagkal ang pagkakahawak ni Darmex sa'kin habang hindi tinatagkal ang pagtitinginan naming dalawa. Kaya naman kitang kita ko ang takot na pumaskil sakaniyang mga mata.

"No..no, Nize.. I'll explain." 

Hindi ako nakinig sakaniya at hindi ko siya hinayaan na hawakang muli ang aking kamay.

"If hindi mo ko kayang sagutin, then don't come near me, Darmex." seryosong saad ko sakaniya.

Sa hindi malamang dahilan ay pabigat ng pabigat ang aking pakiramdam. Onti-onti na ring rumerehistro sa aking utak ang mga narinig ko kanina. Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang paglilihim ni Darmex sa'kin. Tinanggap at pinagkatiwalaan ko siya ng buo pero pakiramdam ko ay para lamang lahat 'yon sakaniyang binabalak sa'kin na hindi ko rin alam kung ano.

"Please.. N-Nize..Baby. Give me t-time.." halos lumuhod na si Darmex at sunod-sunod ang agos ng luha sakaniya mata. 

Iniwas ko ang aking paningin sakaniya at tinignan si Lavine na ngayon ay nagsisindi ng kaniyang sigarilyo. Malayong-malayo ang katangian nito sa pagiging nerd noong una ko siyang nakita sa exhibit. 

Tinignan ko lamang siya at saka walang sabi-sabing tinungo ang pinto upang umalis. 

Naramdaman kong sinundan pa ako ni Darmex at hindi pa rin ito tumitigil sa pagpapatigil sa'kin,

"P-Please, Tharnalie.. H-Hear me out!" desperadong sunod ni Darmex sa'kin. Sinubukan pa niyang hawakan ang braso ko upang mapigilan ako ngunit natigil siya ng biglang humarang si Lavine sakaniyang dadaanan.

"Kapag ayaw ng babae, ayaw niya. Don't force someone para lang mapagaan mo yung loob mo, Quiller." seryosong saad nito. 

Hindi ko na sila pinansin at mabilis na rin akong sumakay ng elevator. Nang sumara ito ay napasandal nalang ako sa isang sulok at onti-onti kong naramdaman ang panlulumo.

Hindi ako makapaniwalang maglilihim sa'kin si Darmex. Wala rin akong naitindihan sakanilang usapan dahil mukhang wala sa plano ni Darmex na ipaalam sa'kin ang mga plano niya. 

Lutang akong umalis sa elevator at walang sabi sabing tinungo ang aking kotse.

Mabilis ko itong pinaandar sa walang kongkretong direksyon. Ang tanging gusto ko lang ay mawala lahat ng iniisip ko.

Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na akong nagd-drive. Nang lingunin ko ang orasan ay quarter to 9 PM na. Kung hindi nga lang tumunog ang warning sa gas kong paubos ay pakiramdam ko'y wala pa rin ako sa sarili at hindi ko mapapansin na nag d drive ako ng sobrang tagal.

Mabilis ko itong ipinarada sa isang tabi at lumabas ako ng aking kotse. 

Napadpad ako sa isang tahimik na parke ngunit tanaw ang mga nagliliwanag na building ng buong syudad. Nang ilibot ko ang aking paningin ay may kaunting building naman ngunit tahimik lang ang paligid. Maliwanag rin kaya hindi nakakatakot. 

Naisipan kong umupo sa isang bench na naandon. Sakto naman na nakaharap ito sa tanawin. Napayakap ako sa aking sarili ng maramdaman ko kung gaano kalamig ang simoy ng hangin na humampas sa aking katawan. 

Tanging black sleeveless top at black na baggy jeans ang aking suot. Nakalagay naman ang car keys ko sa aking pantalon habang hawak ko lang ang aking cellphone. Hindi ko malaman kung ilang oras na akong nakatulala at nag-iisip ng taimtim habang nakatitingin sa tanawin.

Nang maramdaman kong tumahimik na ang aking utak at kumalma na ang aking nararamdaman ay napagdesisyonan kong tunguin na ulit ang aking kotse. 

Ngunit sa hindi inaasahan ay may narinig akong medyo may kalakasan na tunog. Hindi ko 'to napansin kanina dahil sobrang occupied ng utak ko.

Dahil sa aking kuryosidad ay hinanap ko ang tunog at nagulat nalamang ako ng nanggagaling ito sa kaharap kong building. 

'A library?'

Nang puntahan ko ang harap ng library ay mas lumakas ang tunog. 

"How come na may malakas na tunog sa loob ng isang library?" tanong ko sa sarili ko.

Nang makapasok ako ay wala halos tao sa loob nito kaya naman napagdesisyonan kong sundan nalang ang tunog. 

Napatigil lang ako ng na dead-end ako sa isang bookshelf na naglalaman ng maraming iba't ibang libro. 

Nang makalapit ako roon ay nasisigurado kong doon nanggagaling ang tunog.

"Paano naman nangyari 'yon?" bulong ko sa aking sarili.

Akmang tatalikod na ako at ipasasawalang bahala ng bigla itong bumukas at may iniluwa na dalawang lalaki.

'A hidden door! What the fuck?!'


"Damn! Akala mo naman maganda! She looks like a shokoy naman!" bungad ng lalaki habang sinasara muli ang bookshelf.

Napahakbang naman ako pagilid upang bigyan sila ng daan. Mukhang hindi naman nila ako napansin at patuloy lang sila pag-uusap.

"Shokoy? Isn't that a beautiful sea creature?" tanong ng isang lalaking kulay blonde ang buhok.

Napakamot naman sa ulo ang lalaking kausap niya. Kulay blue naman ang buhok nito.

"I think you're pertaining about mermaids, Prix." sagot naman ng lalaking blue ang buhok.

Kumunot naman ang noo ng blonde. "Yeah! Whatever."

Hindi ko na narinig pang muli ang kanilang pag-uusap dahil napagdesisyonan kong pasukin ang kaninang nilabasan nilang bookshelf na isa palang hidden door.

Pagkabukas ko ng pinto ay biglang sumabog ang malakas na tunog na nasa loob ng silid. Nang ilibot ko ang aking paningin ay natitiyak kong isa nga itong hidden bar dahil sa iba't ibang malilikot na kulay ng ilaw, iba't ibang alak na natanaw ko, at napakaraming tao.

Mabilis kong isinilid ang aking cellphone sa aking bulsa at nagsimula na akong maglakad para libutin ng kaunti ang hidden bar.

Sa totoo lang ay namangha ako dahil sino ba naman ang makakaisip na mayroon palang bar sa loob ng isang library? 

Ilang segundo palang akong naglilibot ng mapansin ko kaagad na mayayaman ang taong naririto. Hindi lang dahil sa paraan ng kanilang pakikipag-usap sa isa't isa, pati na rin sakanilang suot at iniinom na alak na hindi biro ang halaga.

Nang mapagod ako ay mabilis akong umupo sa aisle ng bartender at saka umorder.

"One Baccardi, please." order ko at mabilis naman naman niya itong sinunod.

Napakunot ang noo ko ng bigyan niya ako ng isang shot glass. Tumalima naman kaagad ito ng sensyasan ko siya.

"One whole bottle of Baccardi." seryosong usal ko. Nanlaki pa ng bahagya ang mata nito ngunit mabilis din itong sumunod.

Nang maibigay nito sa'kin ang bote ng alak ay nagpa-assist na rin ako dito para sa isang VIP room.

Mabilis naman ako nitong sinamahan at inassist. Nang makapasok ako doon ay masasabi kong mayayaman lang talaga ang makaka-afford sa bar na ito.

Tiyak na mahal ang magiging bill ko ngunit sa sitwasyong ito, parang wala na muna akong pake dahil gusto ko lang magsaya at isipin ang sarili ko.

Maganda at malinis ang kanilang VIP room. May sariling chandelier at kulay itim ang pader ng kwarto. Kulay puti ang mga couch. May sariling ref at TV. May libreng yelo at iba't ibang klase ng sodas na pwedeng ipanghalo sa alak. 

At isa pa, sumisigaw ito ng karangyaan, unang tingin palang.

"Give me at least 5 of your most expensive hard drinks. It doesn't matter kung magkano o ano. Just deliver it to me." sambit ko sa waiter. Mabuti na lamang at hindi pa ito umaalis.

Mabilis kong binuksan ang inorder kong Bacardi at walang sabi-sabing ininom ito diretso sa bote. Mabilis na lumatay ang mainit na likido sa aking lalamunan. Medyo napapaubo pa ako sa lasa ngunit sa kabilang banda ay tila napapakalma nito ang aking sistema. 

Fuck life. Fuck amnesia. And fuck the plans of Darmex.

_-------------------------------------------------------------------

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon