This chapter is dedicated to @Oui832.Enjoy :>
********
Nang matapos kami kumain ni Darmex ay agad ko siyang naabutan na napasandal at napahawak sakaniyang tyan dahil sa labis na kabusugan.
"Bakit naman kasi andami mong binili? Balak mo ba akong bitayin after?" pabirong tanong ko sakaniya habang umiinom ng coke.
"I just wanna make sure na hindi ka nagugutom." ungot niya pabalik habang hinihimas ang kaniyang tyan. "I can definitely manage myself."
Tinignan niya naman ako ng may kaunting ngiti sa labi at saka mabilis din na inalis ang kaniyang tingin. Napairap nalang ako ng hindi siya sumagot sa aking sinabi.
Ilang minuto rin kaming nagpahinga at saka ko napagdesisyonan na ayusin ang pinagkainan namin. Hindi naman ako malakas kumain pero naubos namin lahat ng binili niya.Akmang tutulong si Darmex ng magsalita ako para pigilan siya.
"Ako na. Ikaw naman ang bumili, ako naman dapat ang mag-ligpit." sabi ko habang pinipigilan ang kaniyang kamay na abutin ang aming mga pinagkainan.
Agad na binawi ni Darmex ang kamay niyang napadikit sa aking mga palad na tila napapaso kaya naman napatingin ako sakaniya dahil sa sobrang gulat.
"The fuck? Ano ako? may virus? Maka-iwas ka diyan akala mo end of the world?" pasungit na sambit ko habang isa-isa na nililigpit ang aming pinagkainan. Mabuti na lamang at hindi na siya nagpumilit na tumulong dahil baka makotongan ko na siya dahil sa sobrang kulit niya.Mabilis ko namang inayos ang pinagkainan namin habang si Darmex ay tahimik lang na nakaupo. Tinapon ko sa basurahan lahat ng kailangang itapon ng biglang basagin ni Darmex ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Your paintings.." banggit niya.Napatigil naman ako sa pag-aayos at napatingin sakaniya. "Do they have meanings?" dugtong niya sakaniyang sinabi.
Hindi agad ako nakasagot sakaniyang tanong at nag-iwas nalang ako ng tingin. Naabutan ko naman siyang dahan-dahang tumingin sa'kin ng taimtim.
"So, you just paint?" sambit niya at saka siya lumapit sa'kin, habang ako, nanatili pa rin akong natutulos sa aking kinatatayuan.
"Why can't you answer me, Nize?"
"Why are you asking me about my paintings?" halos pabulong na bigkas ko at hindi pa rin umaalis sa aking pagkakatayo.
Agad na dumaloy ang pagkailang sa aking nararamdaman dahil hindi ako sanay na may nagtatanong tungkol sa paintings ko at mas lalong hindi ako sanay na bigla nalang sumeryoso ang boses ni Darmex sa hindi malamang dahilan.
"The middle painting on your wall..." sambit niya sa halos pabulong na boses. Bigla niya namang hinawakan ang aking kaliwang siko kaya naman binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin habang magkasalubong ang aming paningin.
"What about it, Darmex?" tanong ko sa seryoso at pantay na boses habang hindi pa rin inaalis ang paningin sakaniyang mata.
"It's too erotic, Nize.."
Hindi ko siya sinagot dahil naramdaman kong huimigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso matapos niyang magsalita tungkol sa painting ko.
Ilang segundo rin ang tinagal ng aming posisyon ngunit hindi ako gumalaw o nagbalak na magsalita dahil sa pinapakitang emosyon ng mga mata ni Darmex.
Makalipas ang ilang saglit, tila natauhan bigla si Darmex at binitawan ang aking braso. Nanlalaki ang kaniyang mata na humakbang paatras sa'kin, habang ako naman ay kalmado lang na pinagmamasdan ang kaniyang reaksyon.
"F-Fuck. I'm sorry, Nize." yun lamang ang kaniyang sinabi at dali-daling umalis sa harap ko. Sinundan ko naman siya ng tingin ng mabilis niyang tinungo ang pinto ng unit ko at saka umalis ng hindi nagpapaalam.
Agad lang ako napabuntong-hininga dahil sa nangyari. Hindi ko alam bakit gano'n ang inakto ni Darmex ngunit masisiguro ko na babalik din siya mamayang gabi dahil kahit isa't kalahating araw palang kaming magkakilala, alam kong makulit talaga ang ugali niya.
Nang makabawi-bawi ay tinapos ko nalamang ang paglilinis ng kusina at ng pinagkainan namin. Pagkatapos ay hinanda ko na ang aking mga susuotin dahil naisipan ko na umalis muna papuntang SM para bumili ng Canvas na aking kakailanganin sa exhibit.
Nang matapos akong mag-ayos ay agad ko namang kinuha ang susi ng aking kotse saka isinara ang aking unit. Simpleng denim shorts, white shirt, itim na sandals at dog tag na necklace ang napili kong isuot. Nagdala lang rin ako ng sling bag para may lagayan ang aking cellphone at wallet.
Naglakad na ako patungong elevator at saka pinindot ang Basement button kung saan nakapark ang aking kotse. Mabilis lang rin akong nakarating don at saka pumunta sa aking Red Mustang. Nang alam kong mainit na ang makina, agad ko itong pinaandar papuntang SM.
Mag a-alas dos na ng makarating ako dahil may kaunting traffic akong naabutan. Mabilis ko naman itong pinark at saka bumaba ng kotse. Dito ako malapit sa supermarket nag park dahil naalala ko yung chocolate kisses na hinihingi ni Darmex sa'kin kahapon.
Nang makapasok ako sa loob ng supermarket ay kumuha lang ako ng blue basket at trolley dahil kaunti lang naman ang bibilhin ko.
Agad akong dumiretso sa candy section at saka kumuha ng 2 milk chocolate kisses, 2 dark chocolate kisses, at 2 white chocolate kisses. Pumili ako ng iba iba dahil baka mamaya manghingi at mangulit pa ng mangulit si Darmex.
Gumawi rin ako sa ibang parte ng supermarket upang kumuha ng iba pang kailangan ko sa bahay katulad ng shampoo, conditioner, toothpaste, at kung ano ano pang kulang ko sa loob ng unit. Nilagay ko naman lahat ng aking pinamili sa loob ng aking basket.
Pumunta akong muli sa aisle ng mga candy ng may nakaligtaan akong kunin.
Tumigil ako sa iba't ibang variants ng gummy candy at taimtim na pumili. Napatigil nalang ako sa pagpili ng may biglang nagsalita sa aking likod.
"Really? Gummy candies??" ani ng baritonong boses ng lalaki sa aking likuran. Inis kong nilingunan ang lalaki.
"Ako ba ang pinaparinggan mo??" madiin at medyo pasigaw na tanong ko sa lalaki. Mabuti na lamang at nakatalikod ito sa'kin dahil kung hindi, baka masapok ko siya kung makita ko kung gaano nakakaasar ang kaniyang mukha pagnagkataon.Ngunit ganoon nalang ang aking pagkahiya ng makitang may kausap ito sakaniyang cellphone at hindi ako pinansin habang nanatili siyang nakatalikod sa'kin.
"Come on, Linia. Ang laki-laki mo na, why would I buy you some gummy worm type of shit?" rinig kong banggit pa ng lalaki ngunit tumalikod na agad ako at saka pinagpatuloy ang pamimili ng gummy na gusto ko.
Although naiinis ako sa pinagsasabi nung lalaki, it's not my business to meddle with. Kaya mas inintindi ko nalang ang pagpili.
"Yow, Ms." kulbit ng lalaki sa'kin ng mmay medyo masungit na boses kaya naman hindi ko ito nilingon ngunit sumagot pa rin ako.
"Yes??" tanong ko habang kinukuha ang ibang napili kong gummy candy at saka ito isa-isang nilalagay sa aking basket.
"Can you pick something for me? Like, yung pinakamasarap na candy dyan." banggit niya.
Nilingon ko naman siya at sa hindi malamang dahilan ay natigilan siya pagkakita sa'kin. Napaawang ang kaniyang bibig dahil siguro sa gulat kaya naman binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.
"Ano bang candy? Gummy ba??" balik kong tanong sakaniya.
Ngunit kahit sumagot ako ay hindi pa rin siya gumalaw sakaniyang posisyon. Kaya naman i-kinaway ko ang aking kamay sa harap ng kaniyang mukha at mabuti na lamang ay napatigil na siya sa pagnganga at saka kumurap ng ilang beses.
"Hoy. Para kang nakakita ng multo. Anong gum--" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil mabilis siyang tumalikod sa'kin at saka mabilis na lumakad palayo.
Hindi ko naman 'to ininda at tinapos na ang pagkuha ng mga gummy candy na napili ko. Nang matapos ako ay nagbayad na ako kaagad sa cashier at iniwan muna sa baggage counter ang aking mga pinamili dahil medyo marami rin 'yon.
Bago ako pumuntang National para bumili ng canvas ay nagwithdraw muna ako para mabayaran si Darmex sa milktea kagabi. Pagkatapos naman ay dumiretso na kaagad ako sa National.
Pinili ko lang ang 30x30 na canvas na kinakailangan para sa exhibit at binayaran ko naman kaagad ito. Agad rin akong bumalik sa aking kotse at saka napagdesisyonan na umuwi.
Pagkarating ko sa aking unit ay halos mag alas-sais na rin ng gabi dahil marami rami rin akong naging agenda sa SM. Inayos ko muna ang aking mga pinamili saka nagpalit ng kumportableng damit.
Agad ko namang kinuha ang aking cellphone at saka ito kinonnect sa aking bluetooth speaker. Pinindot ko ang spotify sa aking cellphone at nang makapili ako ng gusto kong kanta ay nagsimula na akong kumilos para simulan ang pagp-paint.
Kumuha ako ng dalawang babasaging garapon at nilagyan iyon ng tap water ngunit hindi ko ito pinuno dahil baka masira ang aking paint brush.
Pagkakuha ko ay kinuha ko muna ang bago kong canvas saka ito sinet-up sa aking easel. Nilagyan ko ito ng gesso para kung sakaling maisipan ko na i-paint ang pang exhibit ay nakaready na ito.
Nang mapahiran ko na ito ay nilagay ko muna ito sa isang tabi pansamantala upang matuyo ito. Binalik ko naman sa aking easel ang unang canvas saka nag umpisang mag paint.
Habang nag p paint ako ay hindi ko naiwasan ang paglalayag ng aking isip kasabay ng pagdaloy ng aking kamay na may paint brush sa canvas na aking pinipintahan ng iba't ibang kulay. Hinayaan ko lamang ang aking sarili na padaluyin ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagpipinta.
Tila bumalik ako sa aking diwa ng biglang may kumatok sa aking pinto. Mabilis ko namang ibinaba ang painting palette na hawak ko sa aking kinauupuan kanina at saka lumapit sa pinto upang buksan ito.
Bumungad sa'kin si Darmex dala ang kaniyang mapaglarong ngiti sa kaniyang mukha.
"Hi. Did you miss me?"
------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomansaAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...