Capítulo 20

11 3 0
                                    

HAPPY 300 reads! <3 (June 28, 2024)

I dedicate this chapter to @Oui832, @girly_360, @__jkurv, and Lyresh na hindi ko ma-tag! Thank you for supporting me simula prologue palang. 


----------------------------------------------------------


"Tharnalie!! Open this door!!" Dinig kong sigaw ng aking Mama na nagmumula sa main door ng aking condo.

"Sabi ko naman na ako na ang pupunta," napabuntong-hininga ako. "Hindi talaga siya mapakali!"

Sa sobrang inis ko ay pinagsasabog ko ang unan at cover ng aking kama.

"SWEETYY!!!Open this door!" Pangungulit niya.

"Fuck.." daing ko at saka padabog na pumunta sa main door ng aking condo para pagbuksan siya.

"Diba sabi ko ako ang pupunta, Ma?" Nanggigigil na saad ko sakaniya ngunit mukhang balewala lang anh akong reaksyon dahil bigla niya akong sinunggaban ng yakap.

"My baby!! I missed you so much!!" ani niya habang mahigpit na mahigpit akong niyayakap.

"Come on, Ma! Bakit di mo nalang ako hinintay sa bahay?"

"Ano kaba? Aalis rin ako. Gusto lang kitang makita and of course, your paintings!!!! Let me see it!" Halos magningning ang kaniyang mga mata ng dire-diretso siyang pumunta sa aking painting area.

Wala naman akong nagawa kundi ang sundan lamang siya. Halos magkausap lang kami kaninang umaga pero eto siya ngayon, halos yakapin ang mga paintings ko.

"OMYGOSH! THARNALIE! THIS IS SO BEAUTIFUL!!!" OA na ani niya habang pini-picture-an ang bawaty side ng unfinished painting ko.

"Ma, It's not yet done. Isa pa, don't say na bibilhin mo 'yan sa'kin because may iba akong plano diyan." sabi ko habang lumalapit sakaniya na wala paring tigil sa pag usisa sa painting.

"I'm just admiring it, baby!!"

Hindi naman ako sumagot at napalingon kami pareho ni mama nang may biglang kumatok sa pinto ng aking condo.

"Kasama mo ba si Dad?" takang tanong ko kay Mama dahil hindi namin siya pinapasok.

Umiling naman siya sa'kin. 

Lumapit naman ako sa pinto upang buksan 'yon at laking gulat ko na si Darmex ang bumungad doon.

"Hi, my baby Nize. Did you miss your Darm?" bungad ni Darmex sa'kin at agad naman na nanlaki ang aking mata dahil sobrang tagal niyang hindi nagpakita sa'kin.

Agad kong binura sa aking mukha ang aking ekspresyon at saka siya sinuntok sa mukha.

"Gago! Lakas mo rin magpakita eh noh?!" nanggigigil na ani ko sakaniya ngunit halata naman na hindi naapektuhan si Darmex sa aking suntok.

"Omygohd, Tharnalie! Why did you punch your future husband???!!!" ani ng aking ina na nasa likod ko na pala.

Tila nabingi at natuod ako sa aking posisyon ng marinig ko ang sinabi ni Mama. 

"W-What?" nakakunot-noong harap ko kay Mama.

Agad naman siyang tumayo ng tuwid at nag-peace sign sa'kin.

"What are you saying Ma???"

"He's your future Husband!hihihiih" ani niya na tila kinikilig pa. 

Nanatili akong nagugulat na nakatingin sakaniya. parang hindi kayang i-register ng aking utak ang aking narinig.

"My future what?!"

"Ano kaba Tharnalie baby??" sagot ni mama na tila nawawalan na ng pasensiya dahil paulit-ulit akong nagtatanong. "Future Husband! Future H-U-S-B-A-N-D! HUSBAND! ASAWA!"

"What the actual fuck?" mahinang mura ko. 

Lumipat naman ang tingin ko kay Darmex na ngayon ay ngingiti-ngiti sa aking tabi. Nanatiling nakaawang ang aking labi dahil sa labis na gulat.

"Hi po, Tita pretty! I didn't know po na andito kayo, balak ko lang po sana bisitahin si Nize." mabait na ani ni Darmex sa aking ina at binati pa ito ng yakap.

Bumeso naman si Mama sakaniya at saka sumagot. "Ano kaba! You can visit her anytime! You have my blessing, hihihhii" 

"Get out." sambit ko ng mahina ngunit natitiyak ko na narinig nila itong dalawa.

"What? Kakarating ko lang Nize baby!" pagmamaktol ni Darmex. 

Umismid naman si Mama at saka ipinagtanggol si Darmex. "Oo nga! Dito muna siya at iiwan ko na kayo, okay??"

"Thank you po, Tita pretty! I'll take care of her."

"I'll take care of myself." malamig na sambit ko dahilan na mapatigil silang dalawa.

Humarap sa'kin si Mama at hinawakan ako sa magkabila kong balikat. 

"Don't be like this Tharnalie, Okay? This is your second time to be engag--"

Kumunot ang aking noo sakaniyang sinabi. "What do you mean second time, Ma?"

Hindi naman nakasagot sa'kin si Mama at nag-iwas lamang siya ng tingin.

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon