Oh, eto na @Oui832. Magsaya ka sana sa chapter na 'to. *Evil Laugh*
***********************
'I guess a glass of Dom Pérignon wouldn't hurt'
Sumimsim ako ng kaunting champagne na hawak ko habang pinagmamasdan ang tanawin namin ni Darmex.
"Hindi ka nainom?" tanong ko sakaniya dahil hindi naman siya umorder ng kahit anong drink, bukod sa warm water.
"Mag d-drive pa'ko. Ayokong maaksidente tayo." sagot niya habang may kaunting ngiti na nakapaskil sakaniyang mga labi.
Tumango lang ako at saka dinamdam ang simoy ng hangin, kasabay ng pag-inom ko ng champagne. Kahit nagtagal kami sa loob ng restaurant ay tila nag-iba ang ihip ng hangin sa parte ni Darmex dahil sa unang pagkakataon, tahimik lang ito habang paminsan-minsan ay napapabuntong-hininga.
Hindi naman ako nagbalak na magtanong kung ano ang dahilan kung bakit siya tahimik at kalaunan ay nag-aya na rin siyang umuwi.
Nang dumating ang bill namin ay inilabas ko ang aking card. Akmang ibibigay ko na 'yon sa waitress ng maunahan ako ni Darmex.
"Ako na. Ako ang nag-aya, ako ang magbabayad." seryosong banggit niya kaya naman napairap nalang ako dahil hindi niya nanaman ako pinagbayad katulad noong nasa Dakasi kami.
"To tell you honestly, I can provide for myself." banggit ko sakaniya matapos kunin ng waitress ang kaniyang card.
"I know you can, pero mas kaya ko."
Natigilan naman ako sa pagsasalita dahil tila naramdaman ko ang pinalidad sa boses ni Darmex kaya naman hindi nalang ako nakipagtalo sakaniya.Nang maibalik na kay Darmex ang kaniyang card ay inaya niya na akong lumabas. Inabot niya naman sa'kin ang helmet at sinuot ko naman din agad ito.
"Sakay na." banggit ni Darmex kaya naman tahimik lang akong umangkas.
Nnag masigurado niyang ayos na ang aking posisyon, saka naman siya sumakay sa harapan ng aking kinauupuan sakaniyang motor.
Sa buong byahe ay tahimik lang si Darmex at wala naman din traffic dahil pasado alas-doce na rin ng gabi. Matagal tagal rin ang naging pagtambay namin ni Darmex kahit pa hindi kami gaano nagkausap dahil sobrang tahimik niya.
Siguro gusto niya lang mag-isip isip.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa basement ng aming building. Agad naman niyang pinatay ang makina ng kaniyang motor at saka naman ako bumaba ng nakababa na siya.
Iniabot ko pabalik ang helmet na kaniyang pinahiram at saka nagpasalamat.
"Salamat sa dinner." nakangiting ani ko sakaniya.
Mukhang bumalik na si Darmex sakaniyang sarili dahil nagsimula na agad siyang asarin ako.
"May bayad yun." sagot niya habang nakangiting-aso. Agad namang kumunot ang noo ko dahil sakaniyang sinabi.
"Hanep ka rin noh???" singhal ko. "Eh ako na nga dapat ang magbabayad kanina tas ngayon sisingilin mo ko?? Bayagan kaya kita?"
Agad naman tumawa ng malakas si Darmex sanhi ng pagkainis ko. Agad ko siyang iniwan sakaniyang pwesto at lakad-takbong pumunta sa elevator. Narinig ko namang mabilis siyang humabol sa'kin.
"Huy, Nize! Wait up. Joke lang!!!" sigaw niya habang naririnig ko ang mga yabag niya.
Mabuti na lamang at bumukas na kaagad ang evelator at mabilis naman akong pumasok doon. Ngunit kamalas-malasan, nakahabol pa ang demonyong Darmex.
Padabog kong pinindot ang 21st Floor at siya naman ay pinindot ang 7th Floor. Hindi ko siya inimikan ngunit kulit pa rin siya ng kulit sa tabi ko.
"Eto naman.. 'Di ma joke time.. Sorry na, Nizeeeee." sabi niya habang niyuyugyog ang kaliwa kong braso. Hinayaan ko lang siya hanggang sa mabadtrip ako sa sunod niyang sinabi.
"Anong suyo ba gusto mo? Gusto mo kiss nalang kita?"
Agad akong napaharap saknaiya dahil sa sobrang inis. Naabutan ko naman siyang may pilyong ngiti habang tumataas taas ang kaniyang dalawang kilay.
"You're unbelievable." singhal ko. "Sorry na kasiiiiiii!!"
"Oo na. Just shut up. Next time ako ang magbabayad." sabi ko sa may pinalidad na boses.
"So, may next time pa?"
"Malamang. Nararamdaman ko ang kakulitan mo from 7th Floor to 21st Floor. Sa ugali mong 'yan, imposibleng hindi mo 'ko kulitin." pairap na sabi ko.
Sakto naman na nasa 7th floor na kami at hindi rin namin 'yon namalayan.
"Oh paano ba 'yan? Dito na ako ha? 'Wag mo 'ko masyado ma-miss."
Hindi ko naman siya sinagot at saka ko lang ito tinanguhan. Ngumiti lang siya pabalik at saka kumaway hanggang sa sumarado ang pinto ng elevator.
Makalipas ang ilang sandali ay natagpuan ko nalang rin ang aking sarili na nasa harap ng aking unit. Ininput ko naman ang code ng aking pinto at saka ito sinarado.
Mabilis naman akong kumilos upang maglinis at mag-ayos ng sarili. Nang makatapos akong maligo ay agad akong nagbihis ng kumportable at pang tulog na damit. Humiga nalang ako sa aking kama at saka napagdesisyonan na bukas nalang tignan ang site na aking pinagdidiskitahan para sa mga paintings.
Agad akong nilamon ng antok dahil na rin siguro sa dami kong ginawa para sa araw na 'to.
Nagising ako dahil sa medyo malakas na kalabog ng kung ano. Agad kong minulat ang aking mga mata at saka mabilis na napaupo sa aking kama. Inabot ko ang aking cellphone at saka tinignan ang oras.
1:11 am.
Akala ko'y guni-guni ko lang ang aking narinig kaya naman napagdesisyonan ko nalang na huwag pansinin ang tunog na narinig ko kanina, ngunit ng akmang hihiga na ako, may kumalabog ulit at sa pagkakataong ito, alam ko na galing 'yon sa aking sala.
Mabilis akong tumayo at dahan-dahang naglakad palabas ng pinto ng aking kwarto. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil kung magnanakaw man 'yon, mabilis akong makakatakbo o makakatago dahil alam ko naman kung anong itsura ng aking unit.
Hindi ko na isinara muli ang aking kwarto at walang ingay na naglakad papunta sa sala.
"Uhmhhgh.." rinig kong ungol ng isang lalaki. Kaya naman medyo mas bumilis ang paglalakad ko ng tahimik papunta sa direksyon kung saan narinig ko ang ingay.
Nang mapakiramdaman ko ang aking sala, parang wala namang magnanakaw dahil kung mayroon, paniguradong naka flash-light ang mga 'yon upang magnakaw. Ngunit mukhang mas nakakagulat pa sa magnanakaw ang aking naabutan sa aking sala.
Mayroon akong nakikitang bulto ng isang lalaki na halos sumuray-suray sa paglalakad. Tahimik akong pumunta sa parteng kusina ng aking unit habang ang lalaki naman ay tila wala sa sariling nabangga-bangga sa aking sofa at center table doon.
Nang hindi na yata niya nakayanan, halos mapasubsob siya sa pagkakaupo sa sofa habang ako naman ay pinapakiramdaman muna kung ano ang gagawin ng estrangherong lalaki.
Ang mas pinagtataka ko ay kung paano siya nakapasok sa aking unit. Nilingon ko ang pinto at kitang kita ko na medyo may awang iyon kaya naman may liwanag na medyo tumatagos doon.
Nanatili akong nakamasid sa lalaki na ngayon ay nakasubsob sa aking sofa. Hindi ko pa rin naiisip na lumapit dahil baka nagpapanggap lamang itong lasing at baka kung ano ang mangyari.
Kung sakali mang may masamang mangyari ay alam ko sa sarili kong matatalo ako dahil base sa aking napagmasdan, kahit madilim ay kitang kita ko kung gaano kalaki ang katawan ng lalaki. Matangkad din ito kaya naman magmumukha lamang akong langgam.
Agad na naging alerto ang aking katawan ng umungot ang lalaki at dahan-dahang inangat ang kaniyang sarili sa sofa.
"Ughmm. F-Fuck.." dinig kong banggit niya sa halos pabulong na boses. Mas pinili ko lamang na manahimik sa isang tabi kung saan hindi niya ako nakikita.
Gusto ko na itong paalisin sa loob ng aking unit ngunit may pumipigil sa aking sarili na hayaan nalamang ang lalaki na ma-realize niyang wala siya sakaniyang bahay.
Mula sa aking posisyon ay naamoy ko kung gaano katapang ang amoy ng alak na nagmumula sa lalaki.
Pagewang-gewang na naglakad ang lalaki papalapit sa aking posisyon kaya naman nag-ala parkour akong umakyat sa aking counter upang tahimik na maiwasan ang lalaki. Dahil siguro sa sobrang kalasingan ay hindi niya napapansin ang aking presensya.
Nang makatawid ako sa kabilang parte ng aking counter area ay sakto namang napagawi siya sa aking ref habang sapo-sapo ang kaniyang ulo.
Natitiyak ko na nararamdaman nito ang pagkahilo dahil sa labis na pagkalasing. Akmang bubuksan niya naman ang ref ng magbago ang isip nito at tumalikod nalang at bumalik sa parte ng aking sala habang pagewang-gewang pa rin ito.
Nagtago naman ang sa kurtina ng aking balkonahe at sa pagkakataong ito, naaaninag ko siya ng kaunti dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa aking terrace.
Natigilan naman ang lalaki sa paglalakad at saka ito humarap sa aking pader na puro paintings. Lalong-lalo na sa pinagitnang painting sa aking pader.
Nakatayo lamang ang lalaki sa harap ng painting na 'yon na tila na aaninag niya 'yon kahit walang ilaw. Masasabi ko na kita naman 'yon dahil sa sinag ng buwan ngunit lasing na tao ang pinag-uusapan na 'tin dito. Tiyak na doble ang paningin nito at tiyak rin na hindi niya naiintindihan ang itsura ng painting.
Ngunit mali ang aking akala.
Agad na nanlaki ang aking mata dahil sa binanggit ng estrangherong lalaki.
"Damn this painting..Ha.." ani ng lalaki ngunit tumigil ito saglit at sinapo ang kaniyang ulo.
Nakita kong hinaplos niya ang painting at saka nagsalita.
"This shit is making me horny." banggit muli ng lalaki sakaniyang sarili sa pabulong na paraan.
Gustong gusto ko ng itakwil ang lalaki palabas ng aking unit ngunit mas iniisip ko ang aking kapakanan dahil mahirap ng maki-pagtalo sa lasing lalong lalo na't hindi ko kakayanin ang lalaki kapag nagkataon.
Kaya naman tahimik ko nalang binabantayan ang galaw ng lalaki ngunit napugto ang aking pasensyang iniingatan dahil sa biglang ginawa ng lalaki.
"Uhmm.. fuck" dinig kong sambit ng lalaki habang dahan-dahan nitong binabaklas ang belt ng kaniyang pantalon.
Agad na nanlaki ang mata ko sa ginawa ng lalaki kaya naman hindi na ako nag nagdalawang isip na sugurin ito.
"You motherfucker!! This is not your housee!!" Pasigaw na sabi ko habang papalapit sa lalaki ngunit bago ko ito mahawakan ay nawalan na ito ng malay dahil sa labis na kalasingan.
Okay. Just great. A stranger with an open pants inside my unit.
----------------------------------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...