Happy 28 Months of love, my own leading man, Oui832
----------------------------------------------------------Naiwan akong mag-isa sa tapat ng aking painting ngunit hindi ko dinamdam na iniwan nalang ako basta basta ni Darmex upang mabilis na sundan si Mr. Navine.
Nang makabawi-bawi na ako at maramdaman ko na ang saya na mabebenta ang painting ko, ay tinawag ko ang isa sa mga organizer na nag-iikot ikot.
"Ms, kapag ba nabili na ang painting, i-p-pull out na dito sa exhibit?" tanong ko.
"Tatapusin po muna ang exhibit, Ma'am. One day exhibit lang naman po ito, Ma'am, kaya mamaya po ay ma p process nyo na rin po kung sakaling may bumili na ng painting n'yo." mabait naman ang boses na sagot sa'kin ng organizer.
"Sige, salamat. For the meantime, dito lang muna ang painting ko." turo ko sa aking painting. "Tapos mamaya ko nalang ip-process yung certificate of ownership."
Tumango naman ang staff at nagpaalam na rin na may aasikasuhin pa. "Mamaya nalang po, Ma'am. Sasabihan ko na rin po ang head organizer about sa entry nyo po na painting."
Napangiti nalang ako sa aking sarili dahil sa sobrang saya na aking nadarama. Hindi ko akalain na may nais o magkakagusto na bumili ng painting ko. Totoo naman na kailangan ko ng pera talaga dahil gusto kong ako ang nagtutustos sa aking sarili.
Nang ma-realize ko nang sigurado na talagang mabibili ang painting ko ay kinuha ko muna ang cheke na nakalagay sa likod ng aking painting atsaka nag-ikot ikot lang muna sa loob ng mall.
Nagdaan ang buong araw ng hindi manlang tumawag o nag-text si Darmex sa'kin. In short, hindi siya nakipagkita sa'kin matapos niyang sundan si Mr. Navine kanina.
Gabi na rin at magsasarado na ang mall kaya naman naisipan ko ng bumalik sa area ng exhibit. Nakita ko naman na nag-aayos na ang iba upang umuwi.
Nilapitan ko ang aking painting at maya-maya lang ay lumapit ang isang organizer sa'kin
"Ma'am, we got a call from Mr. Navine. Pinapasabi niya po na pagkauwi niyo raw po ay tawagan niyo ang kaniyang number." Banggit ng organizer at saka inabot sa'kin ang isang calling card na color black.
Tinignan ko naman ito. Kulay silver na naka embossed ang pangalan ni Mr. Navine, na bagay na bagay sa kulay itim na papel, kasama na rin doon ang kaniyang contact number. Ngunit bukod sa kaniyang pangalan at contact number ay wala ng ibang nakalagay doon. Kahit ang kaniyang surname ay hindi rin nakalagay doon.
"Thank you." pagpapasalamat ko sa organizer na nagbigay sa'kin ng calling card.Umalis naman kaagad ito at ako naman ay tinagkal na ang aking painting sa display area nito.
Bitbit ang aking painting ay dumiretso kaagad ako sa aking kotse na naka park.
Pasado alas-dyis na ng tignan ko ang aking relo. Walang sabi sabing binilisan ko ang pagmamaneho sa aking kotse kaya naman mabilis ko rin narating ang building na kina lalagyan ng aking condo.
Nang akmang I p park ko ang aking kotse sa aking parking space ay nagulat ako ng mayroong ibang naka-park don. At ang malala, kulay pula rin itong Mustang. Wala akong choice kaya naghanap nalang ako ng ibang parking space. Ipinagdadasal ko nalang na sana'y hindi dumating ang may-ari ng area na 'yon.
Pagkaparada ko ay binitbit ko ang aking bag pati na rin ang aking painting. Bago ako umakyat ay naisipan ko na lapitan muna ang kotse na naka-parada sa aking parking space. Ang tanging kakaiba lang roon ay ang kaniyang plate number na number 19 lang ang nakalagay.
Sa katunayan ay pwede ko namang i-report sa lobby ang issue na 'to, pero dahil may gagawin pa 'ko, nilagpasan ko nalang iyon at mabilis na sumakay sa evelator.
BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...