Capítulo 11

18 3 0
                                        

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT @Oui832 & @girly_360!!Hingin ko pa yung sa iba


*******************


Nang makarating kami sa basement ay agad namang sumunod sa'kin si Darmex papunta sa aking sasakyan. 

Hindi ko na siya kinulit tungkol doon sa nangyari sa loob ng elevator dahil baka hindi siya kumportable na magsabi o sabihin sa'kin.

Hindi rin nagtagal ay sumakay na ako sa loob ng aking kotse habang nasa passenger seat naman si Darmex. Sa pagkakataong ito, ako na mismo ang namili kung saan kami kakain para mag-dinner. 

Dahil nga rush hour, na-traffic kami ng halos isang oras, kaya naman hindi nanaman napakali ang bibig at pangungulit ni Darmex.

"Excited kana bukas?" tanong niya sa'kin habang hinihintay namin na umusod ang traffic.

"Sakto lang. First time kong sumali sa ganon kahit matagal na akong nag p-paint." sagot ko habang nakatuon ang aking paningin sa mga sasakyan sa unahan.

"Kaya mo 'yun, noh! 'saka, kasama mo 'ko. I'm a lucky charm." 

Kahit hindi ako lumingon ay natitiyak ko na nakangisi si Darmex kaya naman hindi nalang ako sumagot sa kaniyang kahanginang taglay.

"Alam mo minsan, ang tahimik mo." pagbubukas niya sa usapan.

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaking 'to. Hindi talaga natigil ang kadaldalan niya kahit anong gawin ko.

Bumuntong hininga ako bago sumagot sakaniya. " tahimik talaga ako lalo na kapag mag-isa ako."

"Yeah, pansin ko nga pero minsan naman magdaldal ka naman parang tuloy ako lang interesado kapag magkausap tayo, lalo na sa loob ng condo mo!" pasinghal niyang sabi habang may tinig na pagtatampo.

Napailing na lang ako dahil mukhang may amats nanaman si Darmex. Paniguradong dahil gutom na ito. Hindi ko naman siya pinatulan na dahil mawawala rin naman ang kaniyang pagrereklamo mamaya. 

Mabuti na lamang ay umusad na ang mga sasakyan at nakarating na rin kami kaagad sa restaurant na napili kong kakainan namin.


McDo.


Pagkapark ko ng sasakyan ay nilingon ko sa passenger seat si Darmex at kitang kita ko sa mga mata nito ang pagkadisguto ng marealize niyang dito kami kakain.

"Sure kaba, Nize?" paninigurado ni Darmex habang nakatingin sa'kin.

"Sobrang yaman mo, alam kong hindi kapa nakakakain diyan." pangising sagot ko at saka lumabas ng driver seat.

Lumabas naman si Darmex sa aking kotse at saka nakabusangot na humarap sa'kin. "Sa iba nalangggggg. I'll pay!!" pagmamaktol niya sa'kin.

"Naknang..'Wag ka mag-eskandalo, hoy! 'Saka hinaan mo naman yang tantrums mo!" mahinang sigaw ko sakaniya at medyo nilapitan siya.

Inirapan niya lang ako at walang nagawang sumunod sa'kin papasok sa loob ng McDo.

"Humanap ka ng mauupuan. Ako na ang o-order dahil sigurado naman ako na hindi ka marunong." banggit ko kay Darmex. Wala naman siyang choice kaya humanap nalang siya ng mauupuan namin. Mamaya ko nalang siya hahanapin.

Dahil matakaw si Darmex ay marami akong inorder.

"1 BFF Fries, 2 coke floats, 2 Crispy Chicken Sandwich, 1 apple pie, and one order of 2pcs chicken with rice, please." banggit ko sa cashier.

Nang mainput na ng babae ang aking mga order, agad ko namang ini-abot ang aking card upang bayaran ang total. Binigyan naman kaagad ako ng babae ng resibo at table number para sa aking mga inorder.

Nang matapos ako ay agad kong hinanap si Darmex. Nakita ko itong nakaupo sa pang dalawahang table malapit sa bintana.

"Tikman mo lang. Baka nga sa susunod, ikaw pa ang mag-aya." banggit ko sakaniya ng makaupo ako.

"Oo na. Do I have a choice ba? Wala naman diba? 'Saka gutom na ako." sagot niya habang masamang nakatingin sa'kin.

"Wala kang choice kaya ubusin mo lahat ng binili ko para sa'yo. Wala ka dapat ititira dahil mahal lahat yun." pabirong sabi ko sakaniya at ang sagot niya lang sa'kin ay ang pag busangot ng kaniyang mga mukha.

Maya-maya lang ay dumating na ang aming order at nagpasalamat kaagad ako sa babae.

Agad ko namang inilagay sa harapan niya ang mga binili kong pagkain para sakaniya. Habang ako, kinuha ko lang ang isang crispy chicken sandwich at isang coke float. The rest ay kaniya na dahil may dragon ang tyan ni Darmex.

"Why is it so many?? Pa'no kung hindi ko magustuhan??" nagtatakang tanong niya.

"Tikman mo muna, saka ka magreklamo." pairap na banggit ko at saka kumagat sa aking burger.

Tinignan ko naman si Darmex kung pa'no niya kunin ang chicken with rice. Nagdadalawang isip pa si Darmex ngunit kalaunan ay isinubo niya rin 'yon.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Kung nagusutuhan niya ba, ngunit hindi na siya sumagot sa'kin dahil sunod sunod na ang naging pagsubo niya.

"H-Hoy gago ka. Magdahan-dahan ka. Pag ikaw nabilaukan, hahayaan nalang kitang humandusay d'yan." nagugulat na sabi ko sakaniya.

"Eh, Awng sharaap eh!" sagot niya pabalik habang punong-puno ng kanin ang bibig niya.

Hindi ko nanaman siya pinakealamanan sakaniyang pagkain at tinuloy ko nalang ang pag-ubos sa aking burger. 



Nakasandal at nakahawak si Darmex sakaniyang tyan ng matapos siyang kumain. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkatuwa. Ako naman ay humihigop lang ng coke float habang nakatingin sa labas dahil biglang lumakas ang ulan. 

Nang matapos kami kumain ay agad na nag-aya si Darmex na umuwi para raw makapagpahinga ako bukas. Ni-required kasi na dapat 6 am palang ay nasa mall na ang mga kasali sa exhibit para maayos ang entry namin na painting.

Hindi naman na ako nakipagtalo ng akuin ni Darmex ang pagd-drive dahil kailangan ko rin ipahinga ang aking mga mata. Nasobrahan yata ako sa pagpa-paint kaya naman kumikirot ng kaunti ang aking ulo at ramdam ko ang pagod sa aking katawan.

Hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako sa buong byahe at nagising lang ako ng naramdaman kong may humahawak sa aking pisngi.

Nang magmulat ako ng mga mata ay agad akong lumingon kay Darmex na halos dalawang pulgada lang ang layo ng aming mga mukha. Hindi naman ako nakalayo kaagad kaya naman parang natulos si Darmex sa pwesto naming dalawa.

"Are you planning to kiss me?" mahinang bulong ko habang gano'n pa rin ang aming pwesto.

"No and Yes, Nize. No, because I can't. Yes, If I only can." banggit niya habang punong puno ng emosyon ang kaniyang mga mata.

Hindi ko kinwestiyon ang nararamdaman ni Darmex para sa pagkakataon na'yon. Siya na mismo ang lumayo at kumalas sa pagtitinginan naming dalawa. 

Naghahalo-halo ang emosyon sa aking dibdib dahil sa ginawang hakbang ni Darmex. Kahit kailan ay hindi ko naisip na balak o gusto akong halikan ni Darmex dahil matalik na kaibigan ang turing ko sakaniya ngunit wala rin akong karapatan na pangunahan ang hinaharap kaya naman hindi nalang ako nag-react.

Baka dahil sobrang tuwa niya lang na nilibre ko siya.

Pangpapalubag loob ko sa aking sarili.

Nawala ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng ayain ako ni Darmex na umakyat na. Tango lang ako aking naging sagot. Nag-insist din si Darmex na ihatid ako sa tapat ng aking unit kaya naman sumang-ayon nalang ako.

"See you tomorrow, Nize. I can still come with you tomorrow, right?" tanong ni Darmex ng may pag-aalala sa mga mata kaya naman tinapunan ko siya ng masiglang ngiti.

"Duh! Oo naman. 5:30 am ah?" sagot ko.

Ngumiti lang si Darmex at tumango. "Goodnight! Thank you and Sorry about earlier. I didn't mean to do that." 

"It's fine, Darm." ngiti ko rin pabalik. "Let's just forget about it, okay?" 

Natigilan si Darmex sa aking sinabi ngunit ngumiti nalang ito ng tipid at saka nagpaalam na bababa na siya sakaniyang unit. 

Nang magsara na ang sinasakyan na elevator ni Darmex ay saka ko lang naisipan na buksan ang aking pinto. Akmang i-input ko na ang passcode nito ng may narinig akong boses ng isang babae sa may bandang dulo ng hallway.

"Omygohd? Is that Darmex? Why didn't you call him, babe?" dinig kong banggit ng babae sakaniyang kasama.

Agad na sumagot ang lalaki at akmang papasok na ako sa aking pinto ng marinig ko ang pamilyar na boses nito.

"It's none of your business. Let's just fuck shall we?" 

Parang may kaboses siya.

Pinilit kong alalahanin kung saan ko narinig ang boses ng lalaki. Kahit na medyo malayo ako sa kanilang dalawa ay hindi ko mapigilan na isiping pamilyar ang boses nito.

Ngunit nawala din ako sa aking pagiisip ng marinig ko ang mga impit na ungol ng babae.

"Really?? The fuck..Hallway sex??" mahinang bulong ko sa aking sarili at saka pinilit na pumasok nalang sa aking unit.

Nang makapasok ako ay nilapitan ko ang aking painting na dadalhin para bukas. Mabuti na lamang at tuyo na ito kaya naman inisprayan ko na ito ng coating para magtagal ang  pagkakapit ng mga pintura sa canvas.

Nang matapos ako ay hinayaan ko nalang itong matuyo ulit at saka nag-ayos na upang matulog at ipahinga ang aking katawan.

Mabilis lang akong kumilos at nang makahiga ako sa aking kama, agad kong nag-set ng alarm para bukas. Kalaunan ay nakatulog na din ako dahil sa labis na kapaguran nitong mga nakaraang araw.



Nagising ako kaagad ng marinig ko ang alarm na nagmumula sa aking cellphone. Agad akong nag stretching at nagsimula ng mag-ayos. 

Nang matapos ako ay nagbihis lang ako ng black na maong short at black t shirt. Ang suot ko naman sa aking mga paa ay puting sandals dahil magpapalit ako ng dress mamaya kapag malapit na mag open ang exhibit.

Inilagay ko ang dress na aking ipangpapalit mamaya sa isang paperbag kasama na rin doon ang ibang makeup na ipang-aayos ko sa sa aking sarili mamaya.

5:10 am na ng mapagdesisyonan kong bumaba at kitain si Darmex sakaniyang unit. Bitbit ko na rin ang aking painting na hindi ko na binalot. Ayos lang naman 'yon. Ako naman ang nagpaint non kaya ako ang masusunod.

Nang katukin ko si Darmex sakaniyang unit ay bihis na ito at tinulungan ako na dalhin ang painting na para sa exhibit.

"I'll drive, Nize. You should rest muna. You'll be tired later." 

Hindi naman ako nakipagtalo at nang makarating na kami sa aking sasakyan, agad din akong nilamon ng antok at hinayaan si Darmex na magdrive.


"Sleeptight, Nize." dinig kong banggit ni Darmex bago ako kainin ng antok.

--------------------------------------

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon