Pagkapaandar ko ng kotse papalayo sa bahay ni Mery ay agad ko namang ini-connect ang aking cellphone sa bluetooth stereo ng akong kotse. Bago ako makalabas sa subdivision kung saan nakatayo ang bahay ni Mery ay pinara ako ng guard sa guard house.
Bumagal ang takbo ng aking sasakyan hanggang sa huminto ito sa tapat ng guard house.
Ibinaba ko naman ang bintana ko upang makuha ang aking I.D na iniwan ko kanina bago ako makapasok. Ini-scan din nila ang barcode sa isang card na binigay ni Mery sa'kin. Ito ang nagsisilbing entrance at exit ticket para sa subdivision na'to.
Sumaludo sa'kin ang guard at dahan dahan ko ng pinaandar ang aking kotse ng bumukas ang gate ng subdivision. Napailing nalang ako dahil hindi pa rin ako sanay na malaking gate talaga ang entrance at exit sa subdivision na to.
Nang makalabas ako sa highway ay agad kong inapakan ang gas pedal at saktong sakto naman na maluwag ang daan sa mga oras na 'to. Mabilis lang din akong nakarating sa SM at saka naghanap ng libreng parking.
Pagka-park ko ay agad na rin akong bumaba para pumunta sa National Bookstore. Sakto naman na nasa bukana lang ito ng entrance ng mall. Nang pumasok ako ay agad akong nginitian ng staff na nandoon.
Kilala na kasi ako doon dahil simula elementary ako ay tambayan ko na ang National Bookstore. Agad akong pumunta sa paint section para tumingin ng mga kulang ko na mga materials. Isa isa kong kinuha ang mga acrylic paint na iba't iba ang kulay, pati na rin iba pang paint brush na palagi kong kinakailangan.
Dumaan rin ako sa section ng mga canvas at bumili ng kulay itim para sa ibang gagawin kong projects at paintings. Pumili na rin ako ng iba't ibang size ng canvas at medyo dinamihan ang malalaking size nito. Nang matapos ako ay halos hindi na ako makalakad ng maayos sa dami ng bitbit ko kaya naman hindi ko napansin na may nabangga na pala ako dahil sa laki ng canvas na hawak ko.
Naglaglagan lahat ng hawak kong acrylic paints at paint brush dahil sa pagkabangga ko.
"Shit. Sorry" sabi ko sa taong nabangga ko habang pinupulot lahat ng gamit na nalaglag ko. Alam kong nakaagaw kami ng atensyon dahil madami talaga akong bitbit at gumawa 'yon ng medyo malakas na ingay.
"It's okay." Rinig kong banggit ng lalaking nabangga ko.
Napansin kong nakikipulot rin siya sa mga nalaglag pang iba kaya naman ng matapos siyang magpulot ay dali-dali akong tumayo upang pa-salamatan at mag-sorry sa nabangga ko.
Bumuka ang aking labi ngunit walang lumabas na tinig doon dahil sa labis na pagkagulat ko.
Bakas rin sa kaniyang mukha ang pagkagulat at nabitin ang pag-aabot niya sa'kin ng mga napulot niyang gamit ko.
"H-Hindi ba ikaw yung babae sa parking lot kanina??" agad aniyang nabawi ang kaniyang gulat na ekspresyon at nagtanong sa'kin.
Tumango lang ako bilang sagot at inabot mula sakaniyang mga kamay ang mga painting materials ko.
"Salamat" huling banggit ko bago ko siya talikuran. "Thank you lang? May bayad yun" pahabol niyang sagot sa'kin.
Napalingon ako dahil sa sinabi niya. Tumaaas ang kilay ko ng bumalatay sa mukha niya ang isang mapaglarong ngiti.
"Magkano ba?"
"Hindi magkano..." bitin niyang sagot sa'kin ngunit nanatili lang akong nakatingin sakaniya.
"Then what?" sagot ko pabalik sakaniya.
"I need some kisses, Ms." ani niya na hindi nawawala ang mapaglarong ekspresyon.
Agad na nangunot ang noo ko dahil sa inis. Hindi lang sa ekspresyon niya at sinabi niya, dahil ang yabang niya para sa'kin.
"So, ano?! Tigang ka ba?!" singhal ko sakaniya. Napalingon ang ibang tao na nasa loob ng National dahil medyo napalakas ang boses ko.
"Damn..What are you thinking ba? I said kisses, the chocolate Kisses." halos mamatay na siya sa pagpipigil ng tawa habang sumasagot sa'kin.
Hindi ko na siya sinagot at agad na umalis nalang sa harapan niya. Agad akong dumiretso sa counter at nagbayad. Pinahiram ako ng staff ng push cart para mabitbit ko ng maayos lahat ng aking pinamili.
Mabuti na lang at malapit lang ako pinagparking-an ko kaya naman mabilis akong nakapunta sa kotse ko. Agad ko naman pinasok ang mga pinamili ko sa compartment ng aking kotse at agad na ni-lock ulit yun dahil ibabalik ko pa ang push cart na ipinahiram sa'kin.
"Thank you po." pagpapasalamat ko sa staff na nasa national ng maibalik ko ang push cart sa dati nitong kinalalagyan.
Bago ako bumalik sa aking kotse ay naisipan ko na dumaan muna sa Dakasi na katabi lang ng National Book store para bumili ng maiinom.
"One Okinawa milktea with pearl, please" banggit ko sa order ko ng makarating ako doon.
"That will be , one hundr---" hindi natapos ng cashier ang sasabihin niya ng may sumabat sa likod ko.
"Please add one bubble milktea" sabi ng isang boses. Isang boses na kinaiinisan ko para sa araw na 'to.
Nilingon ko kaagad ang lalaking nanghingi ng kisses sa'kin at ngingiti ngiti naman siyang tumingin sa'kin. Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti at agad na humarap sa cashier.
"How much, kuya?" tanong ko sa cashier habang humuhugot ng card sa loob ng aking bag. "I'll pay" sabat naman nitong lalaking epal habang binibigay ang kaniyang card sa cashier.
"Three hundred pesos po" sagot ng cashier
Nang matapos sa pag process ng payment ay agad niyang kinuha ang kaniyang card at palakad-takbong humabol sa'kin.
Agad akong umupo sa malapit sa pintuan habang inaantay ang order ko. Agad naman din siyang umupo sa kaharap na upuan ng upuan ko.
"I'm Darmex" pagpapakilala niya habang ini-extend ang kaniyang kamay sa harapan ko.
"I don't care. Babayaran ko yung kisses mo at yung milktea ko" pabalang na sagot ko sakaniya at pinapakitang hindi ako interesado.
"I care because I need my kisses now, Nize" sabi niya habang diretsong nakatingin sa mata ko.
"Pwede bang bukas na? Ang layo-layo ng supermarket dito oh? Pa'no ko bibilhin yun? May gagawin pa'ko." inis na banggit ko sakaniya.
Ngumisi lang siya at saka sumagot.
"Hindi kaba nagulat dahil alam ko yung name mo?"
"Why would I? It's in my plate number" sagot ko pabalik.
Hindi na siya sumagot ulit at mabuti nalang ay tinawag na ang aming order. Agad niya naman itong kinuha at binigay ang aking order. Tumayo na agad ako naglakad papalayo sa Dakasi.
Agad din akong tumigil dahil napansin kong sumusunod siya sa'kin kaya naman hinarap ko siya.
"Bakit mo ba ako sinusundan?" inis na tanong ko sakaniya.
"Sasabay ako sa'yo." ngingiti-ngiting sagot niya sa'kin.
"Ayoko. Sino kaba ha?" singhal ko pabalik sakaniya dahil naiinis na ako sa pagiging FC niya! "Darmex, remember? Ano ba 'yan? Ang pogi na nga ng pangalan ko nalilimutan mo pa!"
"Can you just shut up? Kung yung kisses at bayad pinoproblema mo, bukas ko ibibigay dahil wala akong cash dito." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad para makapunta sa parking lot.
"Bili na, Nize..Nag jeep lang ako papunta dito eh." mabilis na harang niya sa nilalakaran ko kaya naman napatigil ulit ako sa paglalakad.
"It's not my problem. Kala ko ba may pulang mustang ka rin?" pairap na sagot ko sakaniya at saka siya tinabig upang malakad ako.
Sa pagkakataong ito ay mas binilisan ko ang paglalakad ko ngunit mukhang kahit pababain ko ang araw sa lupa ay talagang matigas ang ulo nitong lalaking Darmex ang pangalan.
Hanggang sa nakarating ako sa harap ng kotse ko ay nakasunod pa rin siya. Agad akong napabuntong hininga dahil halatang hindi magpapatinag ang isang 'to sakaniyang gustong pagsabay sa'kin.Tumayo naman siya sa dapat ng passenger seat at nagpapaawang tumingin sa'kin.
"Just get in." napipilitan na banggit ko sakaniya at agad na rin akong pumasok sa loob ng aking kotse.
Hindi naman ako nag-aalala kung may gawin siya sa'kin dahil alam ko naman kung pa'no p-protektahan ang aking sarili at kung may gusto man siyang gawin sa'kin, edi sana kanina niya pa ginawa sa parking lot noong kaming dalawa lang ang nandoon.
Agad kong ini-start ang aking kotse at pumasok na rin naman siya sa passenger seat. Nang lingonin ko siya ay bumalatay nanaman sakaniyang mukha ang ngingisi-ngising ekspresyon na nakapagpainis sa'kin.
Gumalaw ang kaniyan kamay papunta sa stereo ng aking kotse at hinayaan ko naman siya sa gusto niyang gawin.
Hindi rin naman nagtagal ay pinaandar ko na ang aking kotse para makaalis na rin dito sa SM dahil lumalalim na ang gabi. Nang makarating kami sa highway ay kakaunti at halos wala na rin sasakyan kaya naman inapakan ko ang gas para mas mapabilis ang aking pagmamaneho.
"Hindi kaba talaga nag s-seatbelt?" pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa sa loob ng kotse. Hindi ko naman siya nilingon dahil nakafocus ako sa pagmamaneho at medyo mabilis na rin ang aking pagpapatakbo.
"I don't do seatbelts." sagot ko pabalik sakaniya habang nasa daan pa rin ang aking tingin. "Then you don't safely drive" aniya.
Hindi ko naman siya sinagot at mas inapakan ang selinyador ng aking Mustang. Agad naman na nag 100km/h ang takbo namin dahil sa ginawa ko. Napansin kong napahawak siya sa seatbelt na ikinabit niya sakaniyang sarili kanina. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil tila kinabahan siya sa aking ginagawang pagmamaneho.
"Hey! Are you going kill us?!" pasigaw na ani niya sa'kin.
"Shut up. Nakikisabay kalang." sagot ko pabalik.
Hindi naman na siya sumagot at napansin ko sa aking periphal vision na ipinikit niya ang kaniyang mata dahil sa mabilis na takbo namin.
Wala naman na halos sasakyan kaya naman tiwala ako sa sarili ko na hindi kami mababangga at isa pa, malakas ang preno ng Mustang. Nang mapansin kong malapit na kami sa building namin ay saka ko lang binagalan ang pagpapatakbo at ng tumigil kami sa stop light ay nilingon ko siya.
Agad akong napangisi ng mapansin nakapikit pa rin siya ng mariin kaya naman ini-rev ko ang aking sasakyan para patunugin ito ng malakas. Biglaan niyang naimulat ang kaniyang mata at napatingin sa'kin.
"What a pussy. Akala ko ba may Mustang ka?" tanong ko sakaniya habang may nakakalokong ngiti sa aking labi.
-------------------------------
Sorry for the grammatical errors. Cute ko talaga

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...