Nagsimula naman kaming kumain ni Darmex at masasabi ko na okay naman yung luto niya, mukhang pinaghandaan niya talaga.
"Anong oras kapa andito?" tanong ko habang kumakain.
"Mga 6:30am, tapos dinala ko nalang dito yung mga available stocks ko ng pagkain sa bahay."
Tumango-tango naman ako. "You don't have to do it though"
"I want to do it." pinal na ani niya at tumahimik nalang ako.
Nakita ko naman na binalingan niya ng tingin ang aking plato. "Oh, kumain kapa ha??" sabi niya habang nilalagyan pa ako ng iba't ibang niluto niya.
Pinagpatuloy ko lang naman ang aking pagkain habang siya ay tila sayang saya sakaniyang ginagawang paghahain sa'kin.
Nang matapos kami ay tinulungan ko magligpit si Darmex ng mga gamit sa kusina at pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ako ng pinggan ay hindi ko napigilan na tanungin si Darmex.
"Pumayag ka talaga?"
Nagtatakang lumingon naman siya sa'kin at napatigil sa pagsasalansan ng mga nahugasan ko na. "Huh? Saan?"
"Sa arrange marriage na sinasabi ni Mama." ani ko habang patuloy sa aking ginagawa.
"Ayos lang sa'kin.""Sa'kin, hindi." sabi ko at saka humarap sakaniya dahil tapos na ako sa aking ginagawa.
Napabuntong-hininga siya at pinunasan ang kaniyang kamay sa isang kitchen towel.
"Ayaw mo talaga magpakasal sa isang gwapong katulad ko?" tanong niya ng pabiro pero nararamdaman kong tinatago lang ni Darmex ang kaniyang kaseryosohan.
"Hindi sa ayaw ko.. It feels like may mga bagay pa ako na hindi alam, you know?"
Napa-iwas naman ng tingin si Darmex at hindi nakasagot sa'kin.
Pinagpatuloy ko ang aking sasabihin. "It feels like may tinatago kayo sa'kin, at kung mayro'n man, I know wala kayong balak sabihin sa'kin 'yon." sabi ko na medyo may lungkot ang tono ng boses.
"Nize.." pabulong niyang banggit sa pangalan ko.
Wala naman na akong ibang pwedeng gawin kung hindi harapin ang mga susunod na araw. Hindi naman sa ayaw kong magpakasal kay Darmex pero nararamdaman ko sa sarili ko na tila may mali talaga sa mga nangyayari.
Bigla nalang silang nawala ng halos dalawang buwan, tapos ngayon bigla akong ki-nontact ni mama, biglang sumulpot si Darmex ng biglaan at sinabing magpapakasal kami.
"If gusto mong magpakasal sa'kin talaga, then don't keep secrets from me." seryosong banggit ko sakaniya at saka siya tinitigan.
Hindi makatingin sa'kin si Darmex kaya naman nasisigurado ko na mayroon talaga akong bagay na hindi alam, at mayroon silang tinatago sa'kin.
"You are not yet ready to know about it, Nize. Saka na kapag kasal na siguro tayo." sambit niya.
Napabuga ako ng hangin dahil sakaniyang sinabi. "Why? Bakit hindi ko pwedeng malaman ngayon mismo?"
"It will trigger something in you, Nize."
"Trigger me? So, hindi ako mat-trigger kapag kasal na tayo? Ganoon ba?" Hindi ko napigilan na medyo magtaas ng boses at habang tumatagal, pababa ng pababa ang tingin ni Darmex na tila hindi kayang sagutin ang mga tanong ko sakaniya.
"It will do us no good, please." pagsusumao niya.
"Fine." ani ko at saka desididong umalis sa aking kusina.
Ngunit napatigil ang aking paa ng mapadako ang aking paningin sa pinaka-gitna kong painting na nakabit sa pader.
Napahawak ako sa aking ulo ng bigla nalang itong sumakit ng sobra-sobra na tila hinahati ito sa dalawa. Hindi ako sumigaw o nagtangkang gumalaw sa aking pwesto.
"Nize, I'm sorry. I'll tell you kapag alam kong ready ka nang mala--" dinig kong sambit ni Darmex na sumunod pala sa'kin. Lumingon naman ako sakaniya.
Naabutan kong hindi maipinta ang mukha ni Darmex ng makita niya ako ngunit agad din 'yon napaltan ng pag-alala na ipinagtaka ko.
"N-Nize, Your nose.."
Napahawak naman ako sa aking ilong at nagulat na may nakapa akong basa.
"It's b-bleeding.." sambit niya habang nag-aalala.
"I'm f-fine, Onting noseble--" hindi ko na natuloy ang pagsasalita because the next thing I knew, nandilim bigla ang aking paningin na tila kinuha ako bigla ng dilim.
--
Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang aking sarili sa isang hindi pamilyar na lugar. Nadatnan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang kulay gray na L shaped sofa.
Tumayo naman kaagad ako at pumunta sa parang kusina na parte ng bahay na'yon. Napahawak ako sa aking ulo dahil nag-aalala ako na baka sumakit ulit 'yon. Mabuti na lamang at hindi.
Kumuha ako ng baso at saka binuksan ang ref na andoon para kumuha ng tubig ngunit nabitin sa ere ang aking kamay ng may biglang yumakap sa'kin mula sa aking likod.
"What do you want to eat today, Nize?" tanong niya.
Napaiwas naman ako ng kaunti dahil nakikiliti ang aking taenga sakaniyang ginawang pagsasalita malapit doon.
"Anything." simpleng sagot ko.
"Do you want foods or me?" nag-uudyok na tanong nito ngunit nanatili pa rin itong mahigpit na nakayakap sa aking likod.
Kumunot naman ang aking noo. "Of course, Food! Gusto mong banggain kita ng Ducati ko???" nanggigigil na saad ko sakaniya.
Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa'kin at nang akmang haharap nako sakaniya ay biglang nagbago ang aking paligid.
Ngayon ay nakaupo na ako sa harap ng aking painting area ngunit nasisigurado ko na mayroong tao na nakatayo malapit sa aking likod.
"Why don't you paint me, my Nize??" ani niya.
Napa-irap naman ako sa hangin at hindi sumagot.
"Am I not handsome enough, Nize baby??"
"I'll paint you kapag asawa na kita!" sabi ko at saka pinagpatuloy ang pagp-paint.
Humawak naman siya sa aking balikat at pinipilit aking iharap sakaniya.
Nilingon ko naman siya ngunit sa hindi inaasahan, tila nagising nanaman ako sa isang hindi pamilyar na lugar.
"Nize!"
Bumalot sa aking paningin ang puting kisame at malamig na hangin.
"Nize! Damn! You're awake!"Nilingon ko naman kung sino ang nagsalita.
"D-Darmex.."
Nag-aalalang tumayo naman si Darmex mula sa pagkakaupo niya sa tabi ng aking kama.
"'Wag kang tatayo okay?? Tatawagin ko lang yung nurse." sambit niya. Hindi ko naman siya napigilan sa pag-alis at ilang minuto lang ang lumipas, chine-check na ako ng isang nurse.
"Bakit ako nasa hospital?" tanong ko kay Darmex ng macheck ako ng nurse.
Lumapit naman siya sa'kin at saka hinagod nang marahan ang aking buhok."Hinimatay ka kanina kaya sinugod agad kita dito. Buti nalang at alam ko kung nasan ang susi ng Mustang mo, I'm really glad na ayos kalang at stable ang vitals mo."
"Hindi naman ako nagtagal dito right?"
Umiling naman siya. "You're unconscious for only a day, Nize."
Nanlaki agad ang aking mata. "A day?! Dahil lang dumugo ilong ko?"
"It's fine now. Ang importante nagising ka at ayos ka."
Bumuntong-hininga naman ako at saka umayos sa pagkakahiga.
Biglang sinariwa ng aking utak ang mga pangyayari na dumaloy sa aking isip ng mga panahon na unconscious pala ako. Akala ko nga ay totoong nangyari ang mga 'yon. Panaginip lang pala. Pero may kung ano sa aking loob na tila naghahasik ng sagot sa mga katanungan na bumubuo sa aking utak.
Kaya naman naisipan ko na tanungin si Darmex.
"Darm." tawag pansin ko sakaniya. Lumingon naman kaagad siya.
"Yes? May kailangan ka ba? May gusto ka bang kainin?" sunod-sunod na tanong niya.
"Kilala na ba kita? Like, dati pa?" walang paligoy-ligoy na tanong ko sakaniya.Tila natigilan si Darmex sa aking tanong dahil hindi kaagad siya nakasagot.
"Why?" bawi niyang tanong.
"Nanaginip kasi ako. Someone is calling me Nize and we are quite intimate with each other you know?" mahinang paliwanag ko.
Napaiwas naman siya ng tingin.
"Hindi naman lingid sa alam ko na may amnesia ako. Alam mo naman yun diba? Sinabi ko na sayo."
"Yeah." maikling tugon niya.Nababahala ako sa paraan ng pagsagot ni Darmex ngunit nagpatuloy lang ako sa pagk kwento at pagtatanong sakaniya.
"kaya I'm asking kung kilala naba kita? Dati pa? Baka sakaling may alam ka kung sino 'yon. I think.."
Napatingin naman sa'kin si Darmex."I think, it's a fragment of my past memories.." tuloy ko at napaawang naman ng bibig si Darmex dahil siguro sa gulat.
"W-What?" utal na tanong niya.
Napatungo ako at saka kinutkot ang aking daliri. "Sa tingin ko, parte talaga siya ng nawawala kong memorya dahil sa amnesia. It felt so true, you know? Akala ko nga ay panaginip pero I don't know too." pagpapaliwanag ko.
Akmang magsasalita ulit ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto na kinalalagyan.
"Tanniebabes!! Gising kana!!" salubong ng bagong dating na Mery sa'kin.
Mabilis naman siyang naglakad papunta sa'kin habang may bitbit na madaming prutas na nasa isang basket.
"I'm glad you're fine now! Grabe alalang-alala kami sayo!" sambit niya at niyakap ako ng magaan. Sapat lang para maramdaman kong niyakap niya ako.
Matagal ko ring hindi nakita si Mery kaya naman umismid lang ako sakaniya at hindi ko napigilan na kwestiyonin siya.
"So kung hindi pako mao-ospital hindi ka magpapakita sa'kn?" hindi ko napigilan ang tampo na boses na lumukob sa aking pagsasalita.
Mahina namang humagikgik si Mery habang umupo rin sa aking kama. "Eh kasi naman tannie babes! Andami kong nakitang pogi! And also, nakafling! I'm sorry na huhuhu!" pagpapaliwanag niya.Napairap nalang ako sa hangin ngunit may parte parin sakin na lumuwag ang pakiramdam dahil akala ko'y iniiwasan niya ako dahil sa nadatnan niya kami ni Mr. Navine na sa tingin ko ay favorite niyang ka-fling noong mga panahon na'yon.
"OKay fine! Lilibre moko ng lahat ng gusto ko para patawarin kita." pang-aasar ko sakaniya. Bigla namang nagliwanag ang kaniyang mata sa aking sinabi.
"OMG! Y to the E to the S to the highest level!!!" excited na sigaw niya na nakapagpatawa sa'kin.
Napatigil kami sa pag-uusap ng biglang may pumasok sa aking pinto at napanganga nalang ako kung sino 'yon.
"Mr. Navine??" takang tanong ko.
"Hoy! Diba sabi ko sa labas kalang??" ani ni Mery na bigla nalang tumayo at nilapitan ang lalaki.
Sinuntok ito ni Mery sa dibdib at napaiwas naman ako ng tingin.
Saktong pag-iwas ko ng tingin ay napatingin ako kay Darmex na nakatingin na rin sa'kin.
"It's boring outside." dinig kong sabi ni Mr. Navine kay Mery ngunit nawala din kaagad ang atensyon ko doon ng biglang magsalita si Darmex.
"It's me, Nize." bitin ni Darmex.
Kumunot naman ang aking noo at biglang tumahimik din si Mr. Navine at Mery.
"What?"
"It's me who you're intimate with in your memories." ani ni Darmex na tila nakapagpabingi sa'kin.

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...