Capítulo 24

14 2 0
                                        

Hindi naman ako nagtagal sa pananatili sa Ospital dahil ayos nanaman ang pakiramdam ko. 

Agad akong dinalohan ni Darmex pagkatapos akong matagkalan ng swero. 

"You need to rest lang and eat a lot of healthy foods. Also, don't force yourself when recovering your memories, okay?" sambit ng doctor na umasikaso sa'kin.

Binigyan ko naman ito ng simpleng ngiti at saka tumango bilang sagot.

"Nize..Let's go home." tawag pansin sa'kin ni Darmex.

Kaming dalawa nalang ni Darmex ang natira ngayong nadischarge ako dahil may kinailangan pang gawin si Mery. Habang si Mr. Navine naman ay hindi ko malaman kung saan nagpunta.

Inalalayan pa ako ni Darmex hanggang sa makarating kame sa kaniyang Mustang. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa building na aming tinutuluyan.

Nang nasa tapat na kami ng aking unit ay nakaalalay pa rin siya sakin at hinayaan ko lang naman siya dahil baka nag-aalala lang siya sa'kin.

Umupo agad ako sa sofa at hinilig ang aking ulo sa sandalan nito. Agad kong ipinikit ang aking mata dahil pakiramdam ko'y sasabog ang aking utak dahil sa aking mga nalaman--Yung mga bumalik na memorya ko. 

"Here, drink this." abot sa'kin ni Darmex ng gamot at isang basong tubig. Ininom ko naman kaagad ito at saka bumalik sa dati kong posisyon.

Narinig kong inilapag niya ang baso ng tubig sa center table at naramdaman ko namang lumubog ang kabilang banda ng sofa, hudyat na umupo at tumabi si Darmex saakin.

"A-About the wedding, Nize.." 

Napamulat naman ako nang maalala ko ang napag-usapan namin doon.

Nilingon ko siya at taimtim na tinignan. "Is it really you, Darm??" 

Tumingin din siya ng diretso sa aking mata at doon ko nakita kung gaano kahalaga sakaniya ang aming pinag-uusapan.

Bahagyang namuo ang mga luha sakaniyang mata na labis ko namang ipinagtaka ngunit nanatiling tikom ang aking bibig pagkatapos kong magtanong. Hindi ko rin tinangkang iiwas ang paningin sakaniya.

"I-It's me, Nize..H-Hindi ka ba naniniwala?" tanong ni Darmex sa'kin habang hindi inaalis ang diretsong pagkakatingin sa'kin. 

Bumalatay sakaniyang mata at mukha ang isang tila nasasaktan na ekspresyon ngunit napako lamang ang aking paningin sakaniyang mukha. 

Nang hindi ako sumagot ay napabuntong-hininga siya at mahigpit na ipinikit ang kaniyang mata. Gusto kong hawakan ang kaniyang mukha upang pakalmahin siya ngunit hindi gumalaw ang aking kamay.

"I know, hindi mo naalala y-yung mga m-memories na'tin pero.." mahinang banggit ni Darmex at naramdaman kong hinawakan niya ang aking pisngi na tila isa akong babasagin na bagay na mabilis na masisira.

"Trust me, Nize." seryosong banggit niya. 

Nagkahalo-halo nanaman ang aking isip at nararamdaman dahil sa ipinapakita at sinasabi niya sa'kin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nahihirapan akong paniwalaan siya, lalong-lalo na ang mga sinasabi niya. 

"I promise, I'll take care of you, love you, understand you, kahit ano., Mapaniwala lang kita na ako yun, Nize.." ani niya habang may desperasyon sakaniyang mata.

Naiiwas ko ang aking paningin dahil hindi ko kaya ang namumuong pagkabahala sa aking nararamdaman. Naramdaman kong dahan-dahang bumaba ang kamay ni Darmex na nakahawak sa aking mga pisngi kanina. Hindi ko siya nilingon at tumitig lang sa kawalan.

"Talk to me, please.." mahinahon na banggit ni Darmex sa'kin. Pero kahit kaunting pakikisama ay tila hindi ko maramdaman sakaniya kahit pa sinabi niyang siya ang lalaki sa aking memorya.

Nahihirapan ako dahil hindi ko alam ang aking mararamdaman sa nangyari sa'kin. Matagal ko nang ibinaon sa limot ang mga memorya kong hindi pa bumabalik sa'kin. Ngayon na matiwasay at masaya na ako sa buhay ko, saka naman bigla-biglang bumalik. Bigla-biglang na trigger nang hindi ko malamang dahilan.

Pakiramdam ko rin ay tinraydor ako ni Darmex at ni Mery ngunit tila may mas malalim na dahilan ang pagkabahala ko kay Darmex. Sa nararamdaman ko ay parang may tinatago si Darmex sa'kin. 

HIndi naman na nagsalitang muli si Darmex. 

Ilang minuto ang lumipas bago ako nagsalita. "I'll think about it, Darm... For now, let me be alone...And also, please don't tell Mama and Dad about this. Thank you." tanging sinambit ko sakaniya.

Rinig kong napabuntong-hininga siya at saka sumagot sa aking sinabi. "Please, let me in to your heart.. again. I also promise na hindi ito malalaman nila tita. Take care, Nize. Call me. I'm one call away.." 

Nginitian ko naman siya at mabuti na lamang ay ngumiti rin siya pabalik sa'kin. Tumayo rin naman siya at saka tinungo ang pinto ng aking unit upang lumabas.

Nang maisara ni Darmex ang aking pinto ay agad akong tumayo upang ligpitin ang baso na pinag-inuman ko kanina. Nilagay ko iyon sa aking lababo at napabaling ang tingin ko sa aking ref. 

Doon ay naka-magnet ang address na ibinigay sa'kin ni Mr. Navine noong nakitulog ako sakaniyang unit. 

Sa totoo lang ay labis-labis ang aking kuryosidad sa lugar na nakalagay sa card kaya naman napagdesisyonan kong pumunta roon. 

Hindi pa naman sobrang gabi dahil 6:30 PM palang. Paniguradong bukas pa 'yon. Mabilis akong nag-ayos at naglinis ng katawan. At nang matapos ako ay dali-dali kong kinuha ang susi ng aking kotse.

Maayos na rin naman ang aking pakiramdam at ayaw ko rin na manatili ng sobrang tagal sa aking unit.

Nang makarating ako sa basement ay mabilis kong pinatunog ang aking kotse at agaran ko rin binuksan ang makina no'n. 

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pinatakbo ko na rin ang aking sasakyan patungo sa address na binigay ni Mr. Navine sa'kin. 

To be honest ay wala akong kaide-ideya kung saan ba ako pupunta, tanging google maps lang ang pinagbasehan ko at mabuti na lamang ay hindi rin ako naligaw.

Mabilis ko namang ipinarada ang aking kotse sa may gilid at masasabi kong hindi ito basta-basta building lang.

'Huxley Enterprise'

Basa ko sa pangalan ng nasabing building. Hindi naman na ako nagdalawang isip at dire-diretso akong pumasok doon. Ni hindi manlang ako hinarang ng guard ngunit dahil wala akong ideya kung anong floor si Mr. Navine ay naisipan kong magtanong sa front desk.

Masasabi kong napakagarbo ng lugar kahit dito palang sa lobby ng building.  Mahahalata mong mayaman talaga ang nagmamay-ari dito.

"Good Evening," tawag pansin ko sa babaeng nasa front desk. 

Tumaas naman ang kilay nito, halatang iritado sa aking pag-agaw pansin ko sakaniya.

Umirap muna ito bago ako sagutin ng pabalang. "Yes?! Close na ang company. You can go back tomorrow morning. Thank you!" dire-diretsong ani ng babae at napangiwi naman ako dahil sa angking katarayan nito.

"I'm looking for Mr. Navine." sambit ko at saka ipinakita sa babae ang card na binigay ng lalaki sa'kin. 

Nanlaki bigla ang mata nito at akmang kukunin ang card na nasa kamay ko nang bigla ko itong iiwas ng mabilis.

"Just tell me. Andito ba si Mr. Navine? I have an appointment with him." seryosong banggit ko. 

Sa hindi malaman na dahilan ay hindi magkandaugaga bigla ang babae at dali-dali itong nagd-dial sa telepono na nasakaniyang desk.

Pinagmasdan ko naman ang kaniyang ginagawa at pasulyap-sulyap din ito sa'kin.

"S-Sir! May n-naghahanap po sa f-front desk kay Mr. N-Navine.." utal-utal na salita niya habang kausap ang nasa telepono.

"C-Copy, Sir." binaba naman kaagad ng babae ang telepono at saka siya humarap sa'kin. Ngunit sa pagkakataong ito, nawala na ang pagkasungit sa mukha nito.

"M-Ma'am, just ride the elevator on the l-left side... Diretso na p-po ang elevator na 'yon sa office ni S-Sir Lav--Navine.." iminuwestra sa'kin ng babae ang daan kaya naman tinunghan ko lamang ito bago tunguin ang elevator.

Nang makasakay ako ay hindi ko maiwasang kabahan at mabahala dahil baka maraming ginagawa si Mr. Navine at bigla nalamang akong pumunta dito. 

Ngunit mayroong bumabagabag sa'kin na pumunta dito matapos ko siyang makita noong na admit ako sa ospital. 

Ilang minuto lang din ang lumipas at bumukas na ang pinto ng elevator. BVumungad sa'kin ang isang frosted glass door, paniguradong ito ang entrance ng room ni Mr. Navine.

Ngunit ng akmang bubuksan ko na ang pinto ay napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Darmex.

Sa hindi malaman na dahilan ay hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at hinayaan ang aking sarili na hintayin at pakinggan ang sasabihin ni Darmex.

"What?! Paanong bawal? Una palang naman sa'kin na si Nize! How come na ngayon na binabawi ko na ang loob niya, biglang bawal?!" dinig kong sabi ni Darmex. 

Napakunot naman ang aking noo nang dahil doon ngunit nanatili ako para makinig.

Bigla namang nagsalita ang boses ng isang lalaki mula doon. Kausap ni Darmex.

"She's not yours, Darmex. Isaksak mo 'yan sa kukote mo. Why don't you just meddle with your so-called peaceful life?"

'Mr. Navine??'

"She's mine! Ano pa ba ang kailangan niyo ha? Masaya na siya sa buhay niya! Ngayon na tahimik na ang buhay niya, bigla bigla kang susulpot sa exhibit! What the fuck is that?!" rinig kong nanggigil na usal ni Darmex. 

Nanatili pa rin akong nakikinig sakanila at mayroong parte sa akin na hayaan na lamang ang aking sarili na makinig.

Narinig kong bahagyang tumawa si Mr. Navine bago sumagot. "Don't fuck with me, Quiller. Don't fuck with us. And don't fuck with him." rinig kong ani nito.

Nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa sobrang seryoso nang boses ni Mr. Navine.

"We all know na plano mo 'to, Darmex. Ang kaso lang, palpak ka kaya hanggang ngayon hindi mo pa rin siya matali sa'yo. You think na kausapin lang yung nanay niya, o-oo na kaagad siya? Dream on." 

Namutawi ang katahimikan sa loob ng kwarto ngunit hindi pa rin ako makapagdesisyon kung papasok pa rin ba ako.

"She'll end up with me. Just watch." dinig kong sagot ni Darmex.

"She'll end up with you or he'll end you up. Huwag ka nang maging tanga, Darmex. Ikaw ang unang nanakit kay Tharnalie, don't fool her around."

Napahawak naman ako sa aking ulo dahil sa sagutan ni Darmex at Mr. Navine. Pero pinilit ko pa rin na makinig kahit paunti-unti nang sumasakit ang aking ulo.

"Huwag mong hayaan na sa iba niya pa malaman because I'm telling you, baka mas lalong hindi mo na siya malapitan." dugtong ni Mr. Navine.

Napaangat ang balikat ko dahil sa gulat nang narinig kong may malakas na kalabog na nanggaling sa loob ng kwarto.

Ngunit tila tumigil ang pagpintig ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Darmex, lalong lalo na ang kaniyang sinabi.

"Oh! Fuck you, Lavine! Fuck you and your twin!" 

-------------------------------------------------------------------------- 

Dont worry guys tatapusin ko to before ako magpasukan HIHIHHIIHHIHI!!!!!!!!!!!

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon