Lumipas ang buong magdamag na nagpahinga lang ako at wala pa rin naging paramdam si Darmex. Ang tanging nakapag pagising lang sa aking diwa ay ang pagtext ni Mr. Navine sa'kin kung saan ko dapat ihatid ang painting na kaniyang binili sa'kin kagabi.
Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa oras at address na kaniyang binigay.
Mr. Navine (Painting Buyer):
Here are the details, Ms. Torcer. Take care. 12:05 am at 0219N, Pritze Hills Hall.
If you don't know the address, kindly scan the QR code that I've sent to your email.
Napakunot naman ang aking noo dahil parang narinig o nakita ko na ang lugar na 'yon, hindi ko lang matandaan kung saan. Agad naman akong nagpasalamat kay Mr. Navine at dali-daling pumunta sa aking computer room. Mabilis ko namang binuksan ang aking email doon.
Hindi nako nagtaka kung paano niya nalaman ang aking email dahil marami siyang pera at ang ibig sabihin lang niyon ay madami rin siyang koneksyon.
Itinapat ko ang aking camera ng aking cellphone sa QR code na naka-attach sa email na sinend ni Mr. Navine. Mabilis naman itong nag scan at agad namang bumukas ang isang map sa aking cellphone.
Pinakita niyon sa aking screen ang layo ko sa lugar na kailangan kong ideliver ang painting. Sa madaling salita, mukha 'yong google maps pero mukhang sariling app ito ni Mr. Navine o ng kung sino mang inutusan niya.
Isinara ko lang din ang aking PC dahil 7pm palang naman at mamaya ko pa 'yon dapat dalhin.
Maya-maya lang ay nag-ring ang aking cellphone at bumungad sa'kin ang number ni Mery.
("I'm outside.") yun lamang ang binanggit niya ng sagutin ko ang tawag kaya naman mabilis kong tinungo ang pinto ng aking condo at bumungad naman sa'kin ang nakangiting mukha ni Mery.
"Hi, Tanniebabes!" bati niya sa'kin at saka dire-diretsong pumasok sa loob ng aking condo. "Ang boring kasi kaya biglaan akong dumalaw. Hindi ako sisiputin ng date ko! Hay! Sa ganda kong 'toh?!"
Tuloy-tuloy ang pagrereklamo ni Mery habang ako naman ay naglakad lang papalapit sakaniya at umupo sa tabi niya sa aking sofa.
"Grabe! Akala mo naman pogi, mukha namang tukmol!!! Maka-ghost sa'kin heh!"
Tumango-tango lang ako habang pinapakinggan ang hinaing niya.
Tinignan ko naman siya at talaga namang kunot na kunot ang kaniyang noo sa pagrereklamo."Baka nga ako pa maghatid sakaniya pauwi, alam mo yun, tanniebabes?? Ang kapal ng fes niya!" madamdamin ngunit naiinis na banggit niya sa'kin habang pairap-irap sa hangin.
Ilang minuto rin ang tinagal ng kaniyang pagrereklamo kaya naman ng kumalma siya ay saka ako sumagot.
"Baka nagka emergency lang??" pagkukumbinsi ko sakaniya.
Umiling naman siya at saka sumagot sa'kin. "Hindi. Wala siyang chinat na kahit ano basta nalang ako pinaghintay ng 3 hours sa meet up place namin."
Agad na nanlaki ang mata ko dahil hindi ugali ni Mery na maghintay ng ganon katagal sa mga naging ka-date o ka-fling niya.
"YOU WAITED FOR 3 HOURS???!" nagugulat na harap ko sakaniya. Talaga namang parang sumabog ang ulo ko sa impormasyong binitawan ni Mery sa'kin.
"Huwag ka ngang sumigaw, Tannie! Hindi ako sanay." saway niya sa'kin na hinahampas-hampas pa ako sa braso pero nanatiling gulat ang aking ekspresyon kaya naman bumuntong hininga muna siya bago sumagot sa'kin.
"okay. Ang pogi niya kasi. Tin-ry ko mag wait atleast 1 hour, pero hindi ko namalayan na 3 hours na pala ako nag w-wait." sagot niya at halata naman sa mukha niya ang pagkadismaya sa nangyari.
"Akala ko ba mukhang tukmol?" tanong ko pabalik sakaniya.
"Joke lang yun. Pogi talaga, naiinis lang ako kasi hindi niya ako sinipot."
"Pero I know you since elementary, ikaw yung tipong hindi maghihintay sa lalaki for 3 hours." sagot ko sakaniya at namutawi naman ang katahimikan sa'min dalawa.
Akmang magsasalita si Mery ng biglang tumunog ang kaniya cellphone. Mabilis niya naman sinagot 'yon.
"Yes?" panimulang banggit niya ng sagutin niya ang tumatawag sakaniya.
Nagtatakang napatingin ako sakaniya dahil nanlaki ang kaniyang mata at namula ang buong mukha niya.
Tumingin naman siya sa'kin at binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.
"Sino yan?" pabulong na tanong ko.
Hindi siya sumagot sa'kin at isinenyas lang na huwag akong maingay gamit ang kaniyang kamay.
Nanahimik naman ako habang pinagmamasdan siyang kausapin ang tumawag sakaniya.
"Y-Yes, p-pupunta na a-ako. W-Wait for me!!" nagkakanda utal-utal na banggit ni Mery at mabilis na pinatay ang tawag.
Tumayo siya at saka mabilis na dumiretso sa pinto ng aking condo. Dali-dali ko siya sinundan papunta doon at saka tinanong.
"Hoy, san ka ba pupunta???" habol ko.
"Sa tukmol!! OMYG! See you nalnag ulit, Tanniebabes!!" sagot niya at saka mabilis na naglaho sa paningin ko dahil dire-diretso ang kaniyang pag-alis.
Hindi ko na siya nahabol kaya naman bumalik nalang ako sa pagkakaupo ko sa sofa ng masarado ko ang pinto.
BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...