Nanatili akong tahimik sa tabi ng kambal.
"What is she doing here, Navine?" seryosong banggit ng lalaking moreno. Bahagyang nakakunot ang noo nito.
Napatungo naman ako dahil sa bahagyang pagkahiya ngunit nawala lang din 'yon nang magsalita si Lavine.
"Why? Feel threatened?" ani ni Lavine at nang lingunin ko ito, bahagya itong nakangisi.
Tumingin naman ito sa'kin sabay gulo ng aking buhok.
"Threatened? Tsh. I'm not comfortable that she's here." sagot muli ng lalaki.
Mariin kong pinagdikit ang aking mga palad dahil pakiramdam ko ay hindi dapat ako nandito sa lugar na ito. Ngunit may parte pa rin sa'kin na hayaan nalamang na manatili ako dito.
"Stop it, Bronzie." mahinahon na saway nang maputing lalaki.
Hindi nanaman sumagot pang muli yung nagngangalang Bronzie.
"Let's start about the main business. We have errands to do." pagsisimula ni Navine. Nanatili akong nakatingin ng diretso sa glass table na nasa unahan ko.
Rinig kong bahagyang napabuntong-hininga si Lavine na nasa aking kaliwang banda. Naramdaman ko naman na medyo sumeryoso ang hangin at aura nila kaya naman napagdesisyonan kong manahimik nalng at makinig.
"The last 2 months were good. Madaming pumusta at madami ding pumupunta. But there's a negative side to all the good things." ani ni Navine.
"We might attract some high ranking officers. High ranking officials. Even though natatabunan ng hotel name ang underground area natin, high risk pa rin dahil nadami na rin ang bigla-biglang napunta dito."
Bigla namang nagsalita yung Bronzie. "Then we should build some membership thing para sure na mapagkakatiwalaan lang yung mga papasok." suggest niya.
Tumango-tango naman ang mga lalaki.
"We can do that but for sure, maaaring bumaba ang pumunta dito." sambit ni Darmex.
Bahagyang tumawa si Bronzie. "You can't say na bababa ang number of people na dadayo dito dahil lang may membership na. You know, rich people likes exclusive stuffs. So, we can expect na mas dadami ang magpapamembership dahil they will feel like our underground is just for VIP's."
Bahagya pa itong sumandal sakaniyang kinauupuan bago ipagpatuloy ang pagsasalita. " In short, kahit gawin pa nating 5 million ang membership fee, madami pa rin pupunta. They will be curious on what kind of entertainment we can provide."
Tumango-tango naman si Lavine at Navine. Sabay na sabay.
'Kambal talaga.'
"Then, kailan na'tin i-implement?" tanong ni Darmex.
"Sa lalong madaling panahon." ani ni Navine sa seryosong boses.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Navine at magsalita. "We'll meet again tomorrow. I'll just text the details."
Tumayo na rin naman ang apat na lalaki. Habang si Navine ay nakatingin na sa'kin.
"Let's go, Tharnalie." pag-aaya niya.
Narinig kong bahagyang napasipol si Lavine kaya naman tinignan ko siya.
"This shit is getting interesting." mahinang bulong nito pero narinig ko dahil katabi ko lang siya.
Naglahad ng kamay si Navine sa aking harapan. Akmang kukunin ko 'yon ng biglang may humigit ng swivel chair na kinauupuan ko.
Agad naman akong napahawak sa hawakan ng upuan upang hindi ako matumba. Akmang sisigaw na ako ng malingonan kong si Darmex ang gumawa no'n.
"Damn, Quiller boy! You have guts!" dinig kong ani ni Bronzie. Halatang nang-aasar.
Itinigil ni Darmex ang paghila sa aking kinauupuan at hinarap ako sakaniya. Kinorner niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilig ng sandalan nitong swivel chair na kinauupuan ko.
Wala na akong oras para lingonin ang apat dahil biglang nagsalita si Darmex.
"Let's talk, Nize." seryosong seryoso ang boses ni Darmex. Hindi ako sanay pero hinayaan ko na lamang iyon.
Bahagya pa akong napangisi dahil sakaniyang sinabi. "What for?"
"Us. Let's talk about us." ani nito. Diretso ko namang tinignan ang kaniyang mata at nakita ko roon na pinipilit niya lang tatagan ang kaniyang loob dahil halos panlulumo lang ang nakikita ko sakaniyang nangungusap na mga mata.
"Give her back, Darmex." dinig kong ang ma-awtoridad na boses ni Navine.
"No." diretsong sagot ni Darmex habang sa'kn pa rin nakatingin.
"Tell it to me right now." sambit ko. Bahagya pang natigilan si Darmex sa aking sinabi pero hindi nagbago ang ekspresyon ng aking mukha.
Nanatili lamang akong seryoso upang pagtakpan ang bigat ng aking pakiramdam.
"Can I tell it to you somewhere?" sagot ni Darmex ngunit umiling lang ako bilang sagot.
Tila nahihirapan si Darmex sa aking hiniling sakaniya.
"Quiller. Give her back." ani ng isang boses na kalmado. Paniguradong yung maputi ang nagsalita.
"Let him." dinig kong boses ni Lavine.
Kahit sa sitwasyon ko ngayon ay onti- unti ko ng nalalaman ang kaibahan ni Lavine at Navine. Pagdating sa boses ay mas seryoso at mas mababa ang boses ni Navine, habang si Lavine naman ay may pagkaloko ang tono ng boses.
"Nize.. Ayokong pag-usapan dito." pakiki-usap ni Darmex sa'kin.
Napansin kong medyo maitim ang ilalim nang mata nito. Paniguradong kulang ito sa tulog. Hindi ako sanay na hindi nakakaloko ang mukha niya dahil palagi lamang siyang nakangiti o di kaya ay nakangisi simula noong nakita ko siya. Except nalamang noong na-ospital ako noong isang araw.
Bumuntong-hininga muna ako. "Then don't talk to me."
Mariin namang napapikit si Darmex bago tumayo ng tuwid kaya naman nagkaroon ako ng tyansa na makatayo mula sa aking pagkakaupo.
Nang lingonin ko ang apat na lalaki ay seryoso lamang sila nakamasid sa'min ni Darmex. Napadako ang paningin ko kay Navine na ngayon ay nakatingin sa'kin habang umiiigting ang panga.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang galit ang ekspresyon nito. Lalong lalo na kapag andito si Darmex.
'Gano'n nalang ba talaga ang galit nito kay Darmex?'
"Can you promise me something, Nize?" pagsasalita ni Darmex kaya naman napalingon akong muli sakaniya.
"Promise you what?" sagot ko.
"Don't hate me, please." malungkot na sagot nito.
"Just tell me everything. Saka ako magd-decide."
Wala naman na itong nagawa at napabuntong-hininga muna bago magsimulang magsalita.
"Kilala na kita, Nize."
Tumaas naman ang kilay ko sakaniyang sinabi. Nakita kong sinulyapan niya si Navine pero nanatili lamang akong diretsong nakatingin kay Darmex.
"I knew you before the accident. Before your accident."
Hindi ko maipaliwanag ang pamamanhid nang kamay ko. Naikuyom ko ito dahil ine-expect ko na rin 'yon. Dahil nga ang sabi niya noong nasa ospital ako, siya ang dapat kong pakasalan noon. Siya 'yong lalaki na nasa fragment ng memorya ko bago ako maaksidente.
"Tell me everything." ani ko nang makita kong medyo nag-aalangan pa si Darmex na magsalita ulit.Huminga pa ito ng malalim na tila kumukuha ng lakas ng loob para magsalita.
"I all started when I saw you walking with Mery. Unang tingin ko palang sa'yo. Pakiramdam ko, sobra-sobra mong napagaan yung nararamdaman ko. I already liked you. 'yon ata yung sinasabi nilang love at first sight." bahagyan pa siyang napatawa ng matamlay bago nagpatuloy.
"I wanted to pursue you. Agad-agad. Ganoon kabilis pero after that day na nakita kong nagtatawanan kayo ni Mery, hindi na kita nakita ulit. Sabagay, nakita lang naman kita no'n dahil kasama ko si Navine. Navine and I were bestfriends. Until recently, mukhang hindi na."
"Gusto kitang hanapin but mayroong napigil sa'kin na hanapin ka. Instinct kung baga but everything changed when I saw you here."
Kumunot ang aking noo dahil sakaniyang sinabi. "What do you mean?"
Hindi sinagot ni Darmex ang aking tanong dahil nagpatuloy lamang siya sakaniyang pagsasalita.
"I thought, namamalikmata lang ako dahil ano namang gagawin mo sa lugar na ganito?" mahina pa siyang napatawa pero malungkot pa rin ang mga mata.
Nanatili lang nakakunot ang aking noo. Hindi ko mapakiramdaman ang sarili ko kung handa na ba talaga akong malaman yung mga memoryang nawala sa'kin pagkatapos noong naaksidente ako.
"Noong nakita kita, nilapitan agad kita. I think you're just 18 years old that time. While I'm 19. To be honest, simula noon ay madalas na tayong nagkakausap kapag napunta ka dito. Pero hindi ako gaanong nag-expect dahil sino ba naman ako sa'yo? I don't think na deserve kita. You're so beautiful and kind, while eto lang ako."
"But everything changed noong umamin ka sa'kin. Pakiramdam ako, ako na ang pinaka-maswerteng lalaki sa balat ng lupa." ani niya at unti-unti namang namuo ang luha sa aking mata. May mga nagf-flash na memorya sa aking utak habang nakikinig ako kay Darmex.
Bahagya pa siyang napahawak sakaniyang batok habang nakatingin sa'kin. "I-I can say na, we were so inlove with each other. I always cook for you. We painted together. We laughed together. Cried together. But I did something para mawala lahat nang iyon na parang bula lang."
Tuloy-tuloy lang ang agos ng aking luha at kasabay lang rin noon ang pag-iyak ng mahina ni Darmex na tila hindi niya kinakaya ang kaniyang pagk-kwento. Pero, wala akong lakas ng loob para lapitan siya.
Napalingon ako kay Navine nang bigla siyang magsalita at halos matumba ako dahil sa panlulumo nang marinig ko ang kaniyang sinabi.
"He did cheat on you." seryosong ani nito habang diretsong nakatingin sa'kin.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko upang makapagsalita. "H-How? W-Why?" utal-utal kong tanong sa pagitan ng aking paghikbi.
"I didn't mean to cheat on you, Nize.." ani ni Darmex habang nakatungo. Umiiyak pa rin.
Tila naramdaman ko ulit ang sakit na naramdaman ko noong maalala ko ang ginawa ni Darmex sa'kin.
"H-How come na hindi mo s-sinasadya?" tanong ko.
"Inutusan a-ako n-ni D-Dad, Nize. I-If h-hindi ko gagawin, h-he will kill my m-mother.." banggit ni Darmex. Tila nanlulumo naman itong napaupo sa sahig na parang bata. Nanatili lamang akong nakatingin sakaniya.
Nilapitan siya ni Lavine upang alalayan pero tinaboy niya lang ang kamay nito. Wala namang nagawa si Lavine at bumalik nalang sakaniyang pwesto.
"B-By that time, wala pa akong k-kahit na a-ano. I'm still b-building my n-name here, sa u-underground a-area. I w-was weak para m-makuha si mommy mula sa kamay niya. I d-don't have any c-choice, Nize."
"T-Tell me everything, Darmex. How d-did you c-cheat o-on me?" nanginginig ang aking kamay habang nagsasalita.
Umangat naman ang tingin ni Darmex sa'kin at matapang ko 'yon sinalubong.
"P-Please, not t-that." luhaang usal niya pero nagmatigas ako.
"Tell her or I'll tell her." dinig kong usal ni Navine.
Ngunit bago pa makasagot si Darmex ay tila delubyong may nag-flash na memorya sa'kin. Memorya kung gaano kasakit ang aking nakita. Memorya kung anong klaseng pangloloko ang ginawa sa'kin ni Darmex.
Mabilis na nag-unahan ang aking mga luha at ako na mismo ang sumagot sa sarili kong tanong.
"I r-remember i-it a-already." sambit ko at napangiti na lamang dahil sa sakit na aking naramdaman. Tila hindi kayang tanggapin ng aking sistema na nagagawa ko pa rin siyang kausapin ngayon. Ngayon na naalala ko na kung gaano kasakit at gaano katindi ang ginawa niya sa'kin.
"Y-You f-fucked someone i-inside my condo, r-right?" pagpapatuloy ko sa aking sinabi.--------------
HUWHAUWUAHWUHAHUUHHUHUUHHUUHHUHU

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomanceAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...