Capítulo 1

32 3 0
                                    

*Click*

*Click*

*Click*

"Walasjo! Bakit ba kasi hindi ko mahanap yung site na sinasabi ni Mery?" inis na ungot ko sa sarili ko habang walang tigil naman ang daliri ko sa pagpitik sa mouse ng gaming computer ko.

*Click*

*Click*

Kaunting pitik nalang ay mapuputol na ang pagtitimpi ko sa paghahanap ng site na yun. Pilit kong inaalala sa utak ko yung website na binanggit saken ni Mery kanina noong magkasama kami. Site raw yun na kung saan pwede kang mag post ng mga paintings o drawings mo tapos pwedeng may bumili sayo.

Ang twist lang ay hindi kayo magkakaroon ng interaction. Like face-to-face interaction. Kung titignan ay baka marami talagang scammer sa site na yun pero sabi ni Mery, imposible daw dahil mga mayayaman at may pera lang ang pwedeng maka-access sa site na 'yon. Except nalang kung ikaw yung magbebenta.

Pero siyempre, iisipin mo pa bang mang-iscam ng isang MMMM?
MATANDANG.MAYAMANG.MADALING.MAMATAY

Siyempre, hindi na. Isang pitik lang ng mga yun ay makukuha na agad nila ang address, name, age, birthday, lahat ng impormasyon sa'yo, baka nga pati pangalan ng great-great grandmother mo ay makuha at mahanap dahil sa pera at koneksyon nila.

"Nasan na ba kasi yung site na pwede mag post ng mga paintings??" balik-diwa ko sa paghahanap ng site. Ilang daang site na yata ang nadaanan ko kakahanap dito sa underground site na'to ng mga MMMM.

Hindi ko rin alam kung pa'no nalaman ni Mery yung site na yun, pero hindi na rin ako nagtaka dahil sobrang ma-socialize si Mery at kung saan saan nalang napapadpad na site yun minsan. Nung minsan nga ay nahuli ko siyang nakikipag interact sa isang amerikano sa isang unfamilliar site. Hindi naman ako nag-aalala na baka matunton ang location niya dahil madaming pera si Mery para ipabura ang mga impormasyon na gusto niyang ipabura kung sakaling ma-scam o maloko man siya ng kung sino-sino.

Inis na napahawak ako sa aking tenga dahil hindi ko matunton ang ka-isa isang site na binanggit sa'kin ni Mery.

"Kung kailan napakahalaga nung impormasyon, saka ko pa nalimutan! Jusme naman!"sambit ko habang hindi na maipinta ang init ng aking ulo dahil sa inis.

Padabog kong ibinagsak ang mouse dahil sa labis na iritasyon sa aking paghahanap. Kaunti nalang ay gusto ko ng sapak-sapakin ang monitor na nasa harap ko.

Sumimsim ako ng Okinawa Milktea na binili ko kanina sa Dakasi ng umalis ako galing SM.

HIndi rin nagtagal ay hindi na'ko nakatiis kaya naman tinawagan ko na si Mery para itanong ang site na sinasabi niya.

"Sana pala ay kanina ko pa 'to ginawa" reklamo ko sa sarili ko dahil sa labis na pagkatanga ng aking desisyon.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at lakad-takbong tinungo ang aking living room para kunin ang aking cellphone na iniwan kong nakacharge kanina. Di-nial ko naman kaagad ang number ni Mery na nakasave sa aking cellphone at inaantay ang kaniyang pagsagot.

*Ring*

*Ring*

*Ring*

*Ring*

Nakailang set na ako ng tawag kay Mery bago niya sagutin ang tawag ko kaya naman hindi nakaligtas sa'kin ang pagbungisngis niya na labis na nakapagpadagdag ng iritasyon sa'kin.

"MERRIANE GREZE! NAPAKATAGAL MO SUMAGOT!" ungot ko ng sagutin niya ang pang sampu kong tawag sakaniya.

("Sorry na Tanniebabes, may kesheme keshe ek-")

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon