PROLOGUE

38 3 1
                                    







This story contains mature scenes that aren't suitable for young readers.

Read at your own risk.

-----------------------------------------------------------------------------

"Tannie, bakit ba paikot-ikot ka? Alam mo, kanina pa ho ako hilong hilong hilo sa pinaggagagawa mo!" sigaw saken ng kaibigan kong nakaupo sa sofa ng condo ko.

Hindi ko naman pinansin ang pag s sermon n'ya sa'kin. Tuloy pa din ako sa pag balik-panaog sa harapan nya.

Wala akong panahon makipag bardagulan sakan'ya dahil may iniisip akong mas importante.

'Importante? Bakit importante siya sa'yo, Tannie?'

Agad naman akong napasabunot sa buhok ko dahil sa mismong tumakbo sa isip ko.

Halatang hindi na napigilan ni Mery ang kahiluhan dahil tumayo na siya at pumunta sa kusina. Hindi ko alam kung anong gagawin niya at wala naman akong plano na guluhin at pigilan pa siyang pumunta sa kusina ko.

Dahil sa labis na pag-iisip, lupaypay akong napaupo sa sofa ko kung saan umalis si Mery. Hindi naman napakali ang buong katawan ko dahil sa pagiging abala sa dumadaloy sa utak ko. Narito na nagkukutkot ako ng kuko, tina-tap ko ang paa ko sa sahig, pinapaikot-ikot ko ang buhok kong itim na itim. Pawis na pawis na 'ko sa labis na pag-aalala sa nangyari sa'kin.

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo, Tannie?? Ngayon ka lang nabalisa ng ganiyan ano kaba?? Hindi ko alam kung pa'no kita papakalmahin. Nang kumatok ako sa pintuan mo ay hindi ka sumagot buti nalang at may spare key ako nitong condo unit mo. Naabutan nalang kitang tulala tapos kinausap mo'ko sandali tas nag space-out kana!" sigaw at sermon nanaman sa'kin ni Mery.

Akmang sasagot ako sa sinabi niya upang ipagtanggol at linawin sakaniya lahat ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

Agad na napatingin si Mery sa pintuan habang ako'y natulos sa aking kinauupuan. Tinignan ako ng taimtim ni Mery bago siya lumapit sa pintuan.

Binuksan ni Mery ang pinto at tumambad sa'kin ang isang lalaking ayaw na ayaw kong makita sa mga panahong ito. Agad na naghumitero ang puso ko pero kasabay rin nito ang pag tingin sa'kin ng madilim niyang mga mata na naagad na nakapag pa putla sa buong mukha ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko at tila nawala si Mery sa harapan ng lalaking kumatok sa aking pintuan. Hindi ako nakasagot ng biglaan niyang buksan ang kaniyang mapupulang bibig upang kausapin at tanungin ako.

"Tharnalie, why aren't you answering my calls?" isang malagom, mababa, at buong-buo na boses ang sumalubong sa pandinig ko.



'Pakshet'

---------------------------------------------------------------------------------------------------

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon