Mahilo-hilo pa ako nang makapasok akong muli sa hidden bar sa loob ng isang library na pinanggalingan ko kanina. Kahit pagewang-gewang ay pinilit kong hanapin ang VIP room na kinaroroonan ko kanina.
Kahit na hirap, nahanap ko rin kaagad ito dahil sa pagkakatanda ko, nasa pinakadulo ito naka destino.
Madilim ngunit pinilit kong matiwasay na mapuntahan ang pintuan. Nagtagumpay naman ako. At nang makapasok ako ay lupaypay akong napaupo sa sofa na kinalalagyan ko kanina. Mabuti na lamang at hindi pa ito nalilinis ng mga waiter.
Kahit naka-todo ang aircon ay hindi manlang ako nakaramdam ng lamig dahil na rin siguro sa init na dala ng aking katawan dulot ng alak. Nang mapadako ang paningin ko sa table ay kumuha kaagad ako ng bote ng alak na hindi ko na mabasa ang pangalan.
Nang mahawakan ko ito ay diretso ko itong ininuman mula sa bote. Napapikit ako sa mapait na lasa pero pinilit ko pa rin uminom dahil tila namumuo at nagbabadya nanaman ang bigat ng aking pakiramdam.
Tatawa-tawa kong binaba ang bote ng alak sa tabi ko. Para na akong baliw pero mas nangingibabaw pa rin sa'kin ang mga narinig ko kay Darmex at Mr. Lavine kanina. Nakakainis dahil kanina, hindi ko nanaman ito naiisip noong nagsasayaw ako, pero noong naki-epal nanaman si Mr. Navine ay tila nabuhay nanaman ang sama ng aking loob.
Habang nakapikit ako ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang ginawa ni Mr. Navine, pati na rin ang pagtakbo ko sakaniya ngayon ngayon lang.
Nasisigurado ko naman na hindi niya na ako susundan kasi diba, sino ba naman ako?
Muli akong kumuha ng ibang bote ng alak at walang patumpik-tumpik na nilagok ito.
Ni hindi manlang ako tumigil ng marinig kong bumukas ang pinto ng kinaroroonan kong VIP room. Patuloy lang ako sa paglunok at paglagok ng alak na hawak ko.
Natigil lang ito ng biglang may umagaw nito sa'kin kaya naman mabilis akong napamulat ng mata para sigawan ang umagaw ng alak sa'kin.
"What the hell are you doing?!" galit na usal ni Mr. Navine pagkatapos niyang maagaw sa'kin ang alak na kanina lang ay iniinom ko.
Kumunot ang noo ko dahil sa labis na pagtataka.
'Bakit 'to nandito?'
"W-What the fuckkkkk are you d-dowing h-heeereee???!" lasing na tanong ko sakaniya. Nakita ko naman na umigting nanaman ang kaniyang panga.
Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan habang ako naman ay nakaupo sa sofa. Kaya naman nakatingala ako sakaniya.
"Stop it, Tharnalie. We are going home." seryosong usal ni Mr. Navine habang tinatabi ang mga alak na inorder ko.
Hindi ko naman siya sinagot at nakangusong napasandal nalang ako sa sofa na kinauupuan ko.
"Youuu aree so KJ!!!" maktol ko sakaniya at bahagya pa siyang tinatadyak-tadyakan pero mahina lang naman.
Hindi niya naman ako nilingon kaya naman mas bumusangot ang aking mukha.
Dahil na rin siguro sa kalasingan ay nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan, kaya naman hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Putangina mo, Darmex!!" sigaw ko habang iyak ng iyak.
Sa sobrang sama ng loob ko ay nahikbi na ako ng sobrang lakas. Hindi ko napansin na tinabihan na pala ako ni Mr. Navine dahil sa labis kong pag-atungal.
"Fuck you! Ginawa mong story book buhay ko! HUHUHUHUHU!!!"
Patuloy lang ako sa pagsigaw at pagrereklamo nang kung ano ano patungkol sa narinig ko kanina at sa hindi inaasahan ay ginawi ako ni Mr. Navine sakaniyang malapad na dibdib.
Nagpaubaya naman ako sa hindi malamang dahilan. Dahil na rin siguro na naramdaman kong medyo gumaan ang aking pakiramdam. Doon, sakaniyang dibdib, ay umiyak lang ako ng umiyak habang hinahaplos niya ng marahan ang aking buhok.
Kahit na hindi ako nakaharap sakaniya ay bahagya niyang pinupunasan ng tissue ang aking mukha.
Sa tagal kong umiyak at nagpaubaya sa mga bisig ni Mr. Navine, hindi manlang siya nagsalita.
Sobrang sama ng loob at sobrang bigat ng pakiramdam ko habang paulit-ulit lang nag re-replay sa utak ko ang usapan ni Mr. Lavine at Darmex kanina.
Dahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa mga bisig ni Mr. Navine. Ngunit bago ako mawalan ng malay ay narinig kong nagsalita pa siya pero hindi ko na iyon masyado inalintala.
"Don't cry, baby...I'm always here for you...Even if you can't remember me.."
Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kamang kinalalagyan ko, ngunit sa hindi inaasahan, napahiga lnag ulit ako dahil sa hilo na aking naramdaman.
"Shit." mahinang usal ko sa aking sarili dahil tila binibiyak ang ulo sa sobrang sakit nito.
"Here, drink this."
Napamulat agad ako ng mata at napaupo sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang hindi kilalang boses ng lalaki.
Bumungad sa'kin si Mr. Navine na may hawak na isang baso ng tubig at isang piraso ng gamot na nakalahad mula sakaniyang kaliwang palad.
Kumunot ang aking noo dahil hindi ko matandaan kung bakit ako nandito ngayon. Lalong-lalo na kung bakit nasa harapan ko ngayon si Mr. Navine.
Ngumisi naman siya sa'kin ng mapansin niyang hindi ko tinatanggap ang hawak niya.
"You don't remember anything, don't you?" ani niya.
Umiling lang ako bilang sagot sakaniya.
"Just take this para gumaan ang pakiramdam mo. I know your head is aching like hell right now." sabi niya sabay abot sa'kin ng baso ng tubig at advil.
Nagdalawang isip pa ako na tanggapin 'yon pero sa huli, inabot ko rin iyon at mabilis na ininom.
"T-Thanks." nauusal na sambit ko at ngumiti lang siya.
Na-realize ko na andito nanaman ako sa guest room ni Mr. Navine dahil ito ang tinulugan ko noong dineliver ko ang painting sakaniya.
Bahagya naman akong napaatras ng umupo siya sa may bandang paanan ng kama. Kitang-kita ko kung paano ngumisi ang kaniyang mapupulang labi at kung paano kuminang ang kaniyang mga mata habang nakatingin ng diretso sa'kin.
Bahagya pa akong tumikhim bago siya tanungin. "M-May n-nangyari b-ba?"
Kumunot naman ang kaniyang noo pero nanatili pa rin siyang namamanghang nakangisi sa'kin.
Hindi siya sumagot kaya naman inulit ko ang aking tanong. "M-May n-nangyari b-ba kako s-sa'tin??"
Kumabog ng malakas ang aking dibdib ng mabilis na gumalaw si Mr. Navine para lumapit sa'kin. Kaya naman dahil sa sobrang lapit ng distansya naming dalawa, napahawak akong bigla sakaniyang matitipunong dibdib para pigilan ang mabilis niyang paglapit.
Agad ko rin iyon tinanggal ng maramdaman ko kung gaano katigas at kainit ang kaniyang katawan. Tila napaso ang aking kamay nang dahil doon.
"It's for you to find out, Tharnalie." seryosong usal niya habang sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Tila nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa boses niyang pabulong.
Tila na-corner niya ako dahil ang tag-isa niyang braso ay nasa magkabilang gilid ko. Pinipilit kong tumingin sa ibang gawi upang hindi ko makita kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Pakiramdam ko'y kapag humarap ako ng diretso ay magdidikit kaagad ang aming mga labi.
"H-How d-did you k-know my f-first name?" utal-utal kong tanong sakaniya, habang nakatagilid pa rin ang aking mukha.
"It's my secret."
Bigla naman akong napaharap sakaniya dahil sakaniyang sinabi. Ngunit agad akong nagsisi nang makita ko kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Parang nahigit ang aking paghinga ng tumawa si Mr. Navine ng bahagya. Naamoy ko ang mabango niyang hininga na nakapagpakabog lalo ng puso ko.
'Fuck this..Jusko po.'
Hindi ko alam bakit napakalakas ng tibok ng puso ko na tila gusto na nitong kumawala mula sa ribcage ko.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng lumayo na siya sa'kin at dire-diretsong tumayo sa gilid ng kama.
"Dress up. We'll go out." 'yon lamang ang kaniyang sinabi at saka mabilis na umalis sa kwartong kinalalagyan ko.
Ngunit dahil na rin siguro sa mga katanungan sa isip ko, mabilis ko lang rin siyang sinundan palabas ng pinto. Kaya naman agad siyang napalingon sa'kin.
"What are you doing? Take a bath and dress yourself up, Tharnalie." sambit niya habang nakatingin sa'kin pero hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi.
"Why am I here? Anong nangyari?" diretsong tanong ko sakaniya.
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot sa'kin. "I'll tell you later."
"I want it now." pinal na sabi ko pero mukhang wala siyang balak na sabihin agad sa'kin ang mga nangyari.
Tinalikuran niya ako pero dire-diretso lang ako sa pagtatanong.
"Bakit ako nandito? Where's Darmex? I know na hinahanap niya ako." sambit ko habang sinunsundan siyang maglakad papasok sa isang kwarto.
"Don't ask me about that boy." sambit niya gamit ang seryosong boses habang tuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad.
"Why? Dahil ba kaaway mo siya? You know, kahit si Darmex hindi masabi sa'kin yung nangyari noong nagdeliver ako ng painting sa'yo. I don't know what's the beef between you guys." sagot ko ng medyo may kalakasan ang boses. Hindi ko rin alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para makipagsagutan at mangulit kay Mr. Navine.
Bahagya pa akong nauntog sakaniyang likod ng biglaan siyang tumigil. Napaatras lang ako ng humarap siya sa'kin.
"You were so drunk last night. Hindi mo ba maalala? You cried while cussing Darmex's name. Now, you're asking me about him?" inis na banggit niya sa'kin.
Agad akong napanganga at napahawak sa aking ulo dahil unti-unting bumabalik ang ala-ala ko kagabi.
Ang pagpunta ko address na binigay ni Mr. Navine. Ang pag-uusap ni Mr. Lavine at Darmex. Ang mga plano niya sa'kin. Ang paglilihim niya. Ang pagpunta ko sa isang hidden bar. Ang paglalasing ko.
Pati na rin ang ginawa kong pag-iyak sa mga bisig ni Mr. Navine.
"Do you remember it now?"
Napatulala lang ako sakaniya.
Tumango-tango pa siya bago nagsalita ulit. "I guess so."
Tila nahigit nanaman ang aking hininga dahil sa hindi inaasahan, bigla akong hinawakan ni Mr. Navine sa aking bewang upang mapalapit ako sakaniya. Automatic nanamang napadikit ang aking mga palad sakaniyang dibdib.
"Now that you remember anything last night.." ani niya sa mababa at nakakapanindig-balahibong boses na para bang bulong nalang ito. Pero tiniyak niyang maririnig ko ito.
Maingay pa akong napalunok ng maramdaman ko ang init ng kaniyang hininga at mas lalo pa akong kinabahan na baka marinig niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.
Ngunit may mas ilalakas pa pala ang tibok no'n ng marinig ko ang kadugtong niyang sinabi.
"Why don't you get dressed and be a good girl?"
--------------------------------------------

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
RomansaAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...