Prologue

7.1K 34 0
                                    

"Anong ginagawa mo diyan, Ate?" tanong ko sa nakatatandang kapatid ng makita itong nakaupo sa labas ng apartment namin.

Hindi ko alam kung anong trip ni Ate at nagawa pang tumambay sa labas ng bahay namin sa kabila ng alam naman niyang delikado sa lugar namin. Nakatira kasi kami sa magulong barangay dito sa Manila. Mura lang ang renta dito kaya pinatos na namin. Hindi pa naman kami nasasaksak sa tagiliran kaya ayos na rin.

"May kailangan tayong pag-usapan, Elly." seryong ani nito kaya napakunot ang noo ko.

Nagtungo ako sa loob ng apartment, kasunod ni Ate. Dumiretso ito sa kwarto niya kaya sumunod ako roon matapos maibaba ang bag ko sa sofa. Kagagaling ko lang sa trabaho matapos ang klase kaya pagod ako af late ng nakauwi.

"Ano ba 'yung kailangan nating pag-usapan, Ate?"

"Kailangan mo ng bumalik sa Pangasinan."

"H-ha?"

"Hindi nagpadala ng bayad sa akin si Mama kaya kailangan mo ng bunalik—"

"Bayad? Para saan?"

Bumuntong hininga ito. "Hindi ka tanga para hindi mo maintindihan ang narinig mo, Elly."

"Seryoso ka ba, Ate?" tanong ko pa. "B-bakit ka kailangang bayaran ni Mama? Kapatid mo ako... hindi basta kung sino lang na kailangang mong bantayan at alagaan para lang bigyan ng sahod."

"Kapatid kita pero hindi sapat ang gano'n lang. Mapapakain ba tayo ng kapatid na iyan? Hindi, 'di ba?" aniya. "Walang pinadala si Mama ng halos tatlong buwan na. Wala na akong kapera-pera at mas mahihirapan ako kapag nandito ka. Dagdag palamunin ka pa rito—"

"Ate naman... Ikaw nalang ang meron ako ngayon, oh. Pati ba naman ikaw, ginagamit lang ako?"

Galing akong probinsya at pinaluwas lang ako dito ni Mama sa Maynila para mag-aral. In-enroll niya ako sa UST dahil kaya naman ng sahod niya. Mas pinili rin niyang iluwas ako rito dahil napaka gulo sa probinsya at para na rin magkasama kami ng Ate ko.

Sa totoo lang, hindi ko nakalakihan si Ate Ellena. Lumaki siya sa Papa niya at ako naman ay sa Papa ko, habang nasa ibang bansa si Mama para sa amin.

"Ayaw ko na sa Pangasinan, Ate... Alam mo namang puro lang sakit ang binigay ng mga tao sa akin roon, 'di ba? Kaya bakit mo ako ibabalik roon?"

Panay nalang akong ginagamit ng mga tao sa paligid ko dahil alam nilang may makukuha sa akin. Bata pa lang ako, gusto na ako ng mga tao dahil sa mga pinapadala ng Mama mo. Ni hindi nga ako mapagtaasan ng boses ng kinakasama noon ni Papa dahil nakikinabang siya sa padala ng Nanay ko.

Noong nasa Pangasinan ako, iyon ang mga panahon na puro sakit lang ang naging dulot sa akin. Wala akong lalaking pinagkatiwalaan dahil sa mga kalalakihan roon. Ang mga kaibigan ko ay gusto lamang ako kapag may panlibre ako sa kanila pero kapag hindi kaagad nakapag padala si Mama ng pera, hindi na ako gusto ng mga kaibigan ko. Aawayin nila ako at akong si tanga, susuyuin sila at bibigyan ng iba't ibang klase ng pagkain.

"Elly, umuwi ka nalang. Wala akong pera para sa iyo."

"M-may trabaho ako, Ate... Tutulungan naman kita."

"Baka sa tuition mo pa lang, ubos na ang sahod mo."

Noong madaling araw na iyon, walang gana akong lumabas ng kwarto ni Ate. Dali-dali kong tinawagan ang kaibigan ko na kapwa nagtatrabaho rin sa isang club.

[Oh, hello, Elly?]

"Meron ka pa bang alam na trabaho para sa akin?"

[Dancer lang—]

"Wala na bang iba? Kailangan kong sumahod ng thirty thousand a month—"

[Ang laki naman.]

"K-kailangan kong tulungan si Ate... Kailangan ko lang tustusan ang pag-aaral ko."

Wild Series #1: 69Where stories live. Discover now