33

870 8 0
                                    

[Guess who kung sinong lumipat sa building natin, Elly.] wika ni Badje at mayamaya ay sumilip sa screen Aziel. [Panay nakikikain dito.]

[Hoy, ang kapal ng mukha mo. Ako nga ang may dala ng mga kinakain mo.] Hindi nagpatalo si Azi. [Bumili pa nga ako ng sasakyan para maisabay kita papasok dahil ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin marunong magdrive!]

"Pinapalitan mo na yata ang role ko, Azi." I joked. Sa aming magkakaibigan kasi, kaming dalawa ni Badje ang madalas na magkasama dahil iisang building lang kami. Kapag hindi akma ang scheduls namin ni Lei, sabay kaming umuuwi ni Badje.

[Inaagaw niya ako sa 'yo, Elly.]

[Ayaw ninyo no'n? May pogi kayong kasama lagi.] Ang lakas ng hangin, putek. [Pagkatapos mo akong gamit-gamitin kahapon panselos do'n sa ex mo, ngayon gaganiyan ka.]

"You met your ex, Badj? How are you?"

[Ah, oo, kahapon—] Azi cutted her.

[Nakita namin sa grocery 'yung ex niya. Gamit na gamit ako nitong babae na 'to. Sinama niya ako maggrocery para daw makatipid siya sa pamasahe at may taga buhat siya. Hindi ko naman alam na pati ang magpanggap na shota niya ay gagawin ko.]

At iyon, nagbangayan na naman sila. Pito talaga kaming magkakaibigan pero sa dalawang ito ako mas napalapit. Pare-parehas kasi kaming maingay. Madalas magbangayan si Azi at Badj, ako naman ang nagsisilbing referee nilang dalawa. Mukhang mas mapapalapit kaming tatlo nito dahil sa iisang building lang kami nakatira.

"Ayan na ang mga plastic," rinig kong usal ni Kiara.

"Baba ko muna 'tong video call ha? Nandito na 'yung family nina Lei."

[Sige lang, mhima ko! Bye.] Azi acted like a gay friend.

[Ingat, babe.] ani naman ni Badje at saka ako pinatayan.

Gabi na nakarating sa resort ang mga Yu. Dalawang van ang sinakyan nila dahil hindi sila kasya sa isa lang. Side nina Tito ang narito at ramdam kong hindi gano'n kasaya hindi katulad sa side nina Tita. Kaixa looks like she's not comfortable ng makababa mula sa sinasakyan.

Dumiretso ang lahat sa loob ng bahay at natira ang matatanda sa event place ng resort. Naroon naman ang pagkain na hinanda namin nina Lei kaya pwedeng magsikain na sila.

"Tara at magpanggap." aya ni Kiara.

Kinuha namin ang maleta ng matatanda para ipasok sa loob ng bahay. We have five big rooms here kaya kasya naman ang lahat. Tito has three siblings. Bawat family ay sa iisang room mags-stay. Ang sa babang kwarto ay ang Lolo at Lola nina Lei. Ang ibang kwarto ay uukopahin ng magkakapatid na Yu. Inilagay nina Kaixa, Kira at Katchy ang mga luggage nila sa kwarto nina Tita at Tito habang ang ibang kapatid ni Leivi ay inilagay ang maleta nila sa kwarto namin ng Kuya nila. Lei's siblings are planning to sleep in the huge living room.

"Sana makayanan ko 'tong summer na ito." Chia's talking to herself in the vanity.

"Let's just go somewhere kapag nainis na tayo." Zio suggest.

"Malamang ay gano'n ang mangyayari." Lei said.

"We know naman ang tinginan na gusto na natin umalis, right? Tingin lang kayo sa mata ko at ako na ang bahala na magpaalam." ani naman ni Kiara.

Mukhang buong side ni Tito ay hindi sila gano'n ka-okay. Hindi sila basta nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa Lolo at Lola nila kapag may pinsan sila sa paligid nila. Silang magkakapatid lang ang magkakasundo. Tingin ko ay puppet na ng grandparents nila ang iba nilang pinsan kaya hindi nila gano'n kasundo ang mga ito hindi katulad sa side ni Tita.

Bumaba din kami kaagad para ayain ang lahat na kumain na sa event place ng resort. Doon kami naghain dahil mas presko roon. Kaming tatlo nina Leivi at Kiara ang nagluto. Nagulat ako ng malamang marunong pala magluto si Kiara. Natuto daw siya no'ng college.

Wild Series #1: 69Where stories live. Discover now