sorry na kagad. napahaba ang new husband and wife moment nina lei and elly
________Nang magweekend, alas-dies na kaming nagising ni Lei. Kaagad din naman kaming kumilos dahil maghahanap pa kami ng condo na lilipatan around u-belt.
"Not yet done?" tanong ni Leivi ng pumasok sa loob ng kwarto.
Walang pakielam itong nagbihis sa likuran ko habang nag-aayos ako sa vanity. Ang tatantado, kitang-kita ko sa salamin.
"Hey... Doon ka sa gilid. Nakikita kita dito sa salamin oh." Itinuro ko pa ang salamin.
Umiral siya. "As if you haven't seen my manhood." Natawa nalang ako roon.
Nang matapos na't lahat si Lei sa pag-aayos at hindi pa ako tapos mag-ayos ng mukha, lumapit na sa akin si Lei. Kinuha niya ang blower at tinulungan na ako.
"Inip ka na?"
Umiling siya. "Take your time, baby. I just wanna help you kaya ko iblo-blow dry ang hair mo."
"Thanks..."
At dahil tinulungan na ako ni Lei, mas napabilis ako kaysa sa nakasanayan tuwing aalis.
Nagsuot ako ng hindi gano'n kasikip na top sa akin at pants naman sa pabg-ibaba. Isinuot ko lang rin ang pang-alis kong tsinalas. Inilagay ko naman ang wallet at cellphone ko sa hand bag ko.
"Can you put these inside your bag?" Iniaabot niya sa akin ang mamahalin niyang cellphone at wallet. Tumango lang ako at tinanggap iyon.
Nagbyahe na kami patungo sa España. Tingin ko ay balak na talagang mamili ni Lei ng condo para makalipat na kaagad. Magulat ako, bukas na kami maghahakot ng mga gamit e. Base sa pagkakakilala ko kay Lei, walang imposible sa kaniya.
May lists sa phone niya at sa phone ko na condo na sinagest ni ng kaibigan namin. 'Yung mga nasa list ko ay pinili pa niya kung ayos ba. He do not like condo na kailangan ko pang sumakay ng tricycle. Literal na gusto niya, ilang minutong lakad lang papunta sa university na pinapasukan ko. Okay nga lang daw kahit mahal basta malapit talaga.
Iilan lang ang pinuntahan namin. Dalawa nalang mula sa maraming nskalista kanina sa phone ko ang pinuntahan namin. Mas finocus-an namin ang mga nirecommend ng mga kaibigsn niya na hindi yata alam ang salitang tipid. Ang mamahal ng condo na nasa list niya.
"Ang ganda dito..." sabi ko.
Maluwag ang loob ng unit at affordable pa ang monthly. Hindi gaanong mamumulubi si Leivi dito.
"Stop thinking about the monthly payment." biglang sabi nito sa akin. "Ngayon ka lang nagsabi na ang ganda ng place. Nakailang condo na tayo na maganda rin naman pero you didn't react or say something. Now that you know na hindi gano'n kamahal ang monthly payment dito, sinasabi mo ng maganda."
"Ayaw ko lang sa mamahaling condo pa tayo. Gano'n din naman..."
"Let's decide mamaya pagnapuntahan na natin 'yung dalawa pa sa list ko."
Nagtungo kami sa isa sa nasa list niya. Maganda ang condo na ito. Ang pinasukan pa naming unit ay ang ganda ng view. Literal na nasa tapat kami ng university ngayon. Maganda naman 'yung place at tamang-tama sa amin ni Lei. Dalawang bedroom ang mayroon at maluwag naman. No'ng sinabi na ang monthly payment, ekis. Para kaming maghuhulog ng van sa laki ng monthly payment, though maganda rin namang investment ito.
"You like here?" he asked kaya kaagad akong umiling.
Bumuntong hininga siya. "You don't like here because lf the monthly payment."
"Lei... I told you, we don't need ng mamahaling condo. Kahit na saan dito sa u-belt, pwede na, basta hindi gano'n kamahal. Lalakad at lalakad naman ako kaya okay lang kahit saan dito..."
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
RomanceAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...