37

1K 19 4
                                    

Kinabukasan, maaga akong bumangon dahil binilinan ako ni Azi at Badje na maagang magready para hindi kami matraffic. Hindi ko sila maintindihan na kung bakit pa kasi kailangang magsasakyan e alam na nilang traffic tuwing rush hour. Kailangan pa tuloy naming bumangon para hindi matraffic.

Hindi na ako nag-apply kahit ng kaunting make paglabihis ko ng uniform namin. I'm too lazy to do that. Nakakapagod ng mag-aral. Parang gusto ko nalang maging anak ni apo ni Henry Sy.

"Bakit?" tanong ko kay Aziel ng tawagan ako nito.

[Where are you na? Akyatin ka pa ba namin diyan?]

"Don't be so oa, Azi. I haven't tried the kit yet. Hindi rin naman ako madudulas sa kung saan."

[Badje and I are— Hey, Badj! Where are you going?]

[Sunduin ko na si Elly sa taas.] rinig kong tugon ng kaibigan kong babae.

Binaba ko na ang tawag at naglakad na sa hallway. Maingat akong naglakad. Natatakot akong madulas o kung ano mang magiging rason para mawala ang bata sa tiyan ko— Kung mayroon man. I'm not an evil na magpalaglag ng bata. Kahit gaano ko kaayaw magkaanak habang estudyante pa lang, kasalanan ko pa rin naman dahil masyado akong nagpadala sa init ng katawan. At saka kahit na anong mangyari, anak ko pa rin ito, mahal ko pa rin. Gawa nga namin ni Leivi ito. At least I can give Lei's dream ealier than what we had planned.

"Ako ng magbuhat niyan." aagawin sana niya bag ko ng ilayo ko sa kaniya iyon. "Dali na, Elly. Ang kulit."

"Ayos lang..." sabi ko. "At saka hindi pa naman sigurado na buntis ako. Masyado kayong oa ni Azi—"

"Masyado lang kaming nag-aalala, Elly. Hayaan mo naman na asikasuhin ka namin."

"Oo na, sige na. Salamat..."

Binuhat niya ang bag ko at nakahawak pa siya sa kamay ko na hindi ko naman nakasanayan. Si Leivi lagi ang may hawak lagi ng kamay ko. Tanging ngayon lang nangyari ito dahil todo alalay kuno sina Badje sa akin.

"Talk to Leivi mamaya. Ngayon pa lang, i-text mo na para makauwi siya mamaya sa unit ninyo." sabi ni Badje, nasa tabi ko.

"Putek, para akong taxi driver dito ah." reklamo naman ni Azi.

Pagkadating sa school, we act normal na pinakiusap ko kina Badje. I promised na mag-iingat ako para maiwasan na rin ang pagiging-oa nilw. Ayaw ko pang malaman ng iba na buntis ako kuno dahil hindi pa naman sigurado.

When the breaktime came, nagbanyo ako dahil naiihi ako. Inilagay ko sa bulsa ang isang kahon ng isang pregnancy kit para magtry sa banyo. Sumama sa akin si Badje dahil she's worried na baka madulas o kung ano man ako sa banyo. Nagdahilan nalang siya sa iba naming kaibigan na iihi lang din siya.

I tries tge pregnancy kit. My hands are shaking while doing it. Natakip ko ang kamay ko sa bibig ko ng makitang two lines ang nasa kit. B-buntis ako...

"Badj..." umiiyak na ako ng lumabas ako sa cubicle. "B-Badj, buntis ako..."

Kaagad akong niyakap nito. "Aren't you happy? My baby na kayo—"

"I-I'm so happy, Badj." usal ko dahil iyon ang totoo. "I always tell to Leivi na don't get me pregnant dahil I want to be cardiologist first but here I am, tried the pregnancy test. I'm pregnant and I didn't expect that I will be this glad. Sobrang saya ko, Badj."

Hinaplos ng kaibigan ko ang likuran ko, pinapatahan na ako. Mayamaya, hinarap niya ako sa kaniya. Pinunasan niya ang mga mata ko gamit ang panyo niya. Matapos na punasan ang mukha ko, bahagya siyang umupo sa harapan ko. Hinaplos niya sa magaang na paraan ang tiyan ko.

"Hi there, baby—"

"What?" Pumasok ba naman bigla si Aziel. "A-are you pregnant?" Tumango ako.

Napailing nalang ako ng nakihaplos na siya sa tiyan ko. Nakangiti sila habang ginagawa iyon na tila ba napaka saya rin nila na magkakaanak na ako. This will be the first baby in our circle of friends.

Wild Series #1: 69Where stories live. Discover now