46

1K 18 4
                                    

WARNING: SUICIDE
________

"Lola Franca!" kinakabahan na sigaw ni Elly ang nagpabaling sa akin sa pwesto nina Lola. "Lei! Si Lola Franca! Nahihirapan yatang huminga!"

Wala akong sinayang na oras. Lumabas kami mula sa theatre room. Binuhat ko si Lola Franca dahil alam kong mahihirapan kapag ai Lolo pa ang gumawa. Sinama namin ang nurse ni Lola.

Ang ayos na sana ng pagkikita naming lahat ngayon dito sa bahay nila Lola Reina ngunit may ganitong nangyari. Elly can't check my Lola because she's panicking. Even her hands are shaking.

"Ihahatid ko lang sina Lola sa hospital at babalikan kita dito." ani ko kay Elly, buhat ang Lola ko.

"H-hindi. Sasama nalang ako." Kabado talaga siya.

"Baka ma-stress ka, baby. Hindi mo pa kabuwanan, baka mapaanak ka."

"S-sige... Umalis na kayo."

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nagawa pang halikan sa noo si Elly. Babawi nalang ako mamaya. Ihahatid ko lang talaga si Lola at uuwi na rin ako kaagad. Kamalas-malasan, pagkadating namin sa hospital, hindi naka duty si Mom. Ang nurse lang namin ang maiiwan kina Lolo at Lola. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Alam kong kailangan din ako ni Elly. Sa huli, bumalik ako sa Parañaque para balikan si Elly ngunit wala na siya roon.

"Nasaan na si Elly, 'Lo?" galit na tanong ko kay Lolo Arnold. Nag-iinit kaagad ang ulo ko.

"Sinundo ng lalaki. Baka kabit niya?" Kuhang-kuha ni Lola Reina ang inis ko.

"Alam ninyo ng buntis si Elly, tapos hahayaan ninyong umalis?! Anong klaseng tao kayo?! Kung hindi ninyo gusto si Elly, sana man lang, 'yung mga apo ninyo, naisip ninyo." ani ko. "Tanginang pamilya 'to!"

"Get the fuck out, Leivi! You disrespect us again!"

May nahagip ng mata ko. "B-bakit may dugo doon? A-anong nangyari kay Elly?"

Wala silang maisagot. Sa galit ko, ang mga vase na nasa gilid ko ay hinawi ko kaya nangabasag.

"Kapag nalaman ko na may ginawa kayong masama, kakalimutan kong kadugo ko kayo."

I tried to call Elly's friends.

"Hello, Aziel? Kasama mo ba si Elly?"

[She called me earlier, nagpapasundo pero hindi ko nasundo sa Parañaque. Nasa hospital kasi ako kanina.] sagor nito. [Sorry, Leivi. If you guys have problems, pwedeng pass muna ako? I can't help you guys now... Kamamatay lang ng Lola and we're here sa funeral.]

"Oh, don't worry, Aziel. We can handle this." sabi ko nalang. "Condolence..."

Sinunod kong tawagan si Badje. Naka ilang ring ako bago ito sumagot.

[Hello, Leivi? Anong problema? Sorry, hindi ko kaagad nasagot. Nakado nor disturb kais ang cellphone ko.]

"A-are you with Elly?"

[Huh? Wala e. Galing among province namin. She asked me to pick her up kanina pero hindi ko nasundo dahil napaka layo ko.] tugon nito kaya nauubusan na ako ng pag-asa. [She asked our friends kanina sa gc namin pero hindi rin siya nasundo dahil nasa duty sila. Have you asked Aziel?]

"Hindi niya rin daw kasama e."

[Bilisan ko na magdrive. Tutulungan kita hanapin si Elly.]

"Sige, salamat."

Sa mga sumunod na araw, wala akong narinig na kahit anong update kay Elly. Sa mga kaibigan niya lang ako umaaaa dahil wala naman siyang pamilya talaga na pupuntahan. Pimuntahan ko si Kuya Mark sa pinagtra-trabahuhan nito pero hindi daw niya alam kung nasaan ang pinsan. Takang-taka na ako kung sino ang sumundo na lalaki kay Elly. Kung hindi si Kuya Mark at Aziel, e sino? Ni hindi ko alam kung maniniwala ba ako kina Lolo na lalaki nga ang sumundo kay Elly. Ang hirap ng paniwalaan ng mga iyon. Baka gusto lang nila na masira kami.

Wild Series #1: 69Where stories live. Discover now