"Kinakabahan ako," sabi ko kay Leivi.
Nasa sasakyan niya kami ngayon, ihahatid niya ako sa UST. Ang daming nangyari no'ng bakasyon. Nagreview kami for entrance exam bago pumasok sa med and law school. Nang makapasa, nag-enroll na rin kami. Pinilit ko na sa ADMU pa rin mag-aral si Lei at ako naman ay nanatili sa UST.
"You can do this." he said, cheering me up.
Nang makarating kami sa UST, ibinaba na niya ako matapos bigyan ng halik sa pisngi. Excited naman ako dahil nandito na naman ako sa UST ngunit may kaba talaga sa dibdib ko dahil psychology pa lang, ang hirap na, ano pa ngayong medicine na ang pinu-pursue ko?
Alam kong dahil first day, hindi pa gano'n kastress ang araw ko. Baka makaya ko naman magchill pa dahil unang araw pa lang naman. I can make friends today.
May mga program na magaganap today kaya masaya pa rin talaga. May mga sumasayaw sa gym at makikita mo talaga ang students sa loob ng UST. May walcome walk ulit tulad no'ng first year ko sa psychology. Maglalakad kami sa arch kung saan sa graduation na ulit namin madaraanan. Sa dami ng nangyari sa gym at sa walk, tahimik lang ako dahil wala pang kumakausap sa akin. Ni hindi ako sigurado kung lahat ba ng kablock ko ay um-attend ng 1st day.
Nang matanaw ko sa bandang gitna ng classroom ang kaklase ko noon na si Hariet, kaagad akong nagtungo roon. Binati ako nito kaya masaya ko rin siyang binati. Mukhang may mga nakaclose na rin siya sa mga kasama namin sa room. Buti nalang nakita ko siya.
"Si Elly, guys." pakilala nito sa akin kaya mas lumawak ang ngiti ko. Hindi siya gate keeper ng mga kaibigan. "Heto sina Scarlet, Ximena, Amber, Amani at Aziel."
Ngumiti sa akin ang mga binanggit niyang pangalan. They even told me kung ano nga ba ang nickname nila para hindi buong-buo ang pangalan nila kapag tinawag ko.
"Iska na taga UPD dati, ngayon tigre na." wika ni Scarlet.
"Badje nalang," sabi ni Ximena. Ang layo ng nickname niya sa real name niya.
Ngumiti si Aziel sa akin. "Azi, Any's cousin." he look at Amani kaya napag-alaman ko na iyon ang nickname nito.
Transferee from UPD si Iska at dati namang taga DLSU sj Badje. Ang saya nila kasama dahil halatang seryoso ang mga ito sa pinasok nila pero they still know how to enjoy things.
Nang maglunch, kaming mga taga UST ang nagdecide kung saan kakain. Sa kainan na sa tingin namin ay magugustuhan nila, doon kami nagpunta.
Sa unang linggo ko sa medschool, naging masaya ako. Ramdam ko na 'yung stress pero kahit papaano ay napapawi din dahil panay kong kasama sa university ang mga naging kaibigan ko at pagkauwi ko naman sa condo ay naroon si Leivi. Sa buong linggo ay ulit-ulit lang ang ginagawa ko. Gigising sa umaga, mag-aayos para pumasok, mag-aaral, kakain at uuwi.
"There's no rest after college." sabi ni Lei kaya napangiti ako ng pagod.
Walang pahi-pahinga ng maging 1st year med student ako. Hindi na kami halos nakakalabas ni Leivi. Lahat ng dapat gawin dito sa condo, si Leivi na ang nag-aasikaso. Hindi ko alam pero ang galing niya magsabay-sabay ng mga bagay-bagay. Hindi pa ako gano'n kagaling magbalanse ng oras ko.
"How was your first week?" he asked dahil ngayon lang talaga namin napag-usapan ito.
Kapag isinasabay niya ako sa sasakyan, halos hindi na kami gaanong nagkakausap dahil busy ako sa pagbabasa ng mga dapat kong ralin. Pagkauwi naman, aral pa rin. Lalo na ngayon na pinagsasabay ko ang review para sa board exam. Noong summer, review lang ng NMAT at review for board ang ginagawa ko, ngayon naman ay kasabay ng board ang medschool. Hindi na talaga uso ang pahinga.
"It's fucking tiring." sagot ko. "Tinututukan ko ang lectures namin sa class para pagkauwi, makapag review pa ako para aa review."
"You fine with that or you want to enroll to a review center?"
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
RomanceAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...