"You okay?" tanong ni Lei ng magising ako ng alas-cinco.
May pasok ako ngayon kaya kahit na gusto ko pang matulog at magpahinga, hindi pwede. Gumising rin talaga ako ng maaga dahil malayo-layo itong condo ni Lei sa unibersidad na pinapasukan ko.
"Okay lang ako..." tugon ko naman sa lalaki.
Nakapaligo na si Lei at mukhang maaga rin ang pasok niya sa university nila. Nakasuot na ang ID lace nito na may pangalan ng Ateneo.
"Maaga ba ang klase mo?" tumango ako. "Sabay na kita bago ako pumasok."
"Ha? Huwag na... Ilang minutong drive lang papunta sa university ninyo tapos gusto mong isabay ako." sabi ko dito. "Ang layo kaya ng UST dito."
"Hassle kapag nagcommute ka."
"Sanay naman na ako."
Sa huli, hinintay pa rin ako ni Leivi para ihatid sa UST. Naligo ako saglit sa bathroom at ginamit ang damit na ipinahiram sa akin ni Lei. Nasa apartment pa ang uniform ko kaya daraan pa kami roon.
"Daan tayo saglit sa apartment namin."
Nagulat ako ng makarating kami sa apartment namin ni Ate dahil nasa labas na ang mga gamit ko. Pinalayas na nga niya ako. Buti nalang at inilagay niya sa iilang box ang mga gamit ko at hindi basta itinapon sa lapag.
"Kuhanin mo na iyang mga gamit mo, Elly!" sigaw ni Ate mula sa loob.
Nahihiya kong nilingon si Leivi na nasa sasakyan para i-check kung nakikita niya ba ang apartment namin. Mas nahiya ako ng makitang papalapit na ito sa kinatatayuan ko.
"Pwede bang mamaya ko na kuhanin ang mga ito, Ate? M-may pasok pa kasi ako..."
"Wala akong pakialam kung may pasok ka o wala basta tanggalin mo 'yang mga kalat mo diyan sa talat ng apartment ko. Kasalanan ni Mama iyan. Kung nagpadala sana siya ng pera, e 'di sana ay hindi kita palalayasin."
"M-mamaya nalang Ate... Sige na oh..."
"Dalian mong tanggalin diyan ang mga iyan, Yna. Darating ang nagbabasura ngayon, isasama ko 'yan kapag hindi mo pa kinuha ang mga iyan."
"Let's put those sa trunk ng car ko."
Napatingin ako sa sasakyan ni Lei. Kasya naman ang dalawang box ng damit ko sa sasakyan niya. Ang nakakahiya lang, saan ko dadalhin ang mga gamit ko? Wala akong matitirhan...
"If you're thinking about where will you live, I told you, you are welcome sa unit ko. You can stay there. Akong bahala sa lahat."
Sasagot sana ako kay Leivi ng bumukas ang pinto ng apartment at lumabas roon ang Ate ko. Nakakainis itong tumawa, tila ba nang-aasar.
"Aba... Nakatagpo ng mayamang tutulong sa kaniya." kumento nito ng makita si Lei at ang nakaparadang sasakyan ng binata sa tapat ng apartment. "Gagamitin ka lang niyang si Ellise. Pera mo lang ang gusto niya dahil gipit siya."
"I'm sorry, baby, hmm? I'll be rude." bulong ni Lei. "I don't care if he will just use me or what because that's what I told her before. Sagot ko siya. Ibibigay ko lahat."
Galit na binitbit ni Leivi ang dalawang kahon na mga gamit ko. Inilagay niya iyon sa trunk ng sasakyan niya at saka kami umalis sa lugar na iyon.
"K-kuhanin ko rin sa iyo ang mga gamit ko mamaya... Maghahanap muna ako ng malilipatan pagkatapos ng klase ko—"
"Stay in my condo unit. If you find it hassle to go to your university, let's jusf wait weekend and we'll find condo that is near your university. If you're thinking about the bills, foods, tuition and other financial needs, ako na ang bahala kaya huwag mo ng isipin. All you need to do is to study."
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
RomanceAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...