23

6.9K 26 0
                                        

sabaw na ud pa rin dahil kumikirot ang namamaga kong paa T-T
________

"Huy, ano na naman 'to?!" tanong ko sa kaniya.

"Open it," aniya naman.

"What the-"

"Stop saying badword, please."

Sino ba naman kasing hindi mapapamura sa lalaking ito. Binilan ba naman ako ng bagong stethoscope, okay pa naman 'yung binili niya sa akin before 1st year sa med school. Ngayon 2nd year, may bago na naman?!

"Ano bang plano mo? Every year, bibigyan mo ako ng stethoscope?"

"Why not?"

Tinaasan ko ito ng kilay. "Huy! Mahal nito no."

"You deserve-"

"Lei, hindi pwedeng ganiyan tayo palagi. Kailangan natin magsave din ng pera para sa future."

"Hmm... Last na iyan." pagsuko niya. "I don't what to give kasi."

Lalabas kaming dalawa ngayon. Sa isang private resort kami magce-celebrate ng birthday at aniversary naming dalawa. Dinner pa naman daw iyon kaya hindi kami nagmamadali ngayon. Maaga pa, siguro tanghali kami aalis dahil sa batangas pa 'yung private resort.

"Aalis tayo?" tanong ko dahil naglagay siya ng cash sa wallet niya.

Tumango siya. "Get dress, baby. We're going to buy you a dress for our dinner date."

Naligo naman na kami kani-kanina kaya nag-ayos nalang ako. He helped me blow dry my hair habang nagme-make up naman ako.

"I'll try to learn to apply a simple make up so you don't have to do it by yourself."

Napangiti ako sa lalaki. "That's to much."

"You're my princes kaya dapat na-"

"Don't spoil me too much, baby."

Pagkatapos mag-ayos, nagtungo na kami sa mall. Marami naman kaming pwedeng isuot pero pagbigyan nalang si Leivi sa gusto niya. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang damit pero ang gusto ko sana ay dress na kulay puti na may touch of silver glitters.

"Hindi ka bibili ng iyo?" Umiling siya. "Anong gusto mo na dress ko? Like what color at pa-straight na dress lang ba?"

"Choose white one."

"Pwede ba bang may touch of silver glitters?"

"Hmm..." aniya. "Choose what ever you want. But I think, pa-straight na gown is fine."

Pumili ako ng dress sa loob ng mall. May mga sinusukat ako ngayon sa loob ng fitting room at lumalabas sa pinto para ipakita kay Lei. I have three dresses here. Ang pangalawa ang pinili niya. Off shoulder ang dress na puff ang sleeves. It's a white dress na punong-puno ng silver glitters ang itaas na sa bandang baba ay tila ba may details na kung amo na gawa din aa silver glitters.

"Where do you want to eat lunch?" he asked me na ikinalawak ng ngiti ko.

"Do'n sa favorite natin," sagot ko.

Mahal do'n sa sinasabi kong favorite restaurant namin. Anniversary naman namin today kaya go lang. Nagtataka pa nga ako dahil hindi pa ako binabati ng happy birthday and happy anniversary ni Leivi e. He has gift for me and we have plan for dinner pero wala pa kahit anong greet.

Kumain kumain sa favorite restaurant namin at saka umuwi na rin kaagad. Dumiretso ako sa paglilinis ng katawan dahil iyon naman talaga ang ginagawa ko pagkagaling sa labas. Sanay akong hindi nagsasara ng bathroom. Nagulat ako ng sa unang pagkakataon, biglang pumasok sa loob si Leivi kahit alam naman niya na nasa loob ako.

Wild Series #1: 69Stories to obsess over. Discover now