Sa mga sumunod na araw, naglilibot-libot lang kami na sagot naman nina Tita. Ilang araw din kaming mag-stat dito. Para na nga kaming local minsan dahil madalas na kaming dalawa lang ni Leivi ang lumalabas. Kung saan-saan kami nagpupunta. Nagse-search lang kami ng mga pwedeng puntahan.
"Let's go," aya sa akin ni Lei.
"Huh? Where are we going?" tanong ko dahil anong oras na rin. Tulog na nga sina Tita at Tito.
"To the nearest 24 hours convinience store."
Hindi ko na kinuha pa ang wallet ko dahil for sure naman ay hindi rin niya ako pagagastusin. Naglakad kami sa pinaka malapit na convinience store. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami sa tahimik na daan.
"Christmas na bukas." sabi ni Lei. "What do you like for christmas?"
"Luh, required ba na may regalo?"
"Hindi naman but I want to give give you something so what do you like?"
"Trip to Siargao nalang this coming summer."
"You serious?" Tumango ako. "That doesn't cost too much."
"It doesn't cost too much but a lot memories we can make." sabi ko. "Mas mahalaga ang mga mabubuo nating memories kaysa sa kung mahal ba o mura lang ang ginastos."
"Opo, sige na po. Trip to Siargao it is."
Gusto kong bumalik roon sa Siargao at doon magspend ng summer. Mukhang hindi naman gano'n kabusy ang summer thus 2nd year hindi katulad no'ng 1st year med student ako. I want to spent our summer together dahil alam kong 3rd will be draining. Ang dami ko ng narinig na sa halos lahat ng course ay pinaka mahirap na harapin ang 3rd year. Base na rin sa pagiging psychology student, ang hirap ng 3rd year na na-doubt ko na ang sarili ko kung para ba talaga ako sa psychology.
Nang makarating kami sa convinience store, naghanap-hanap na kami na pwedeng kainin. Maraming pagkain dito na kailangang initin at may microwave naman. Nagnoodles ako dahil giniginaw ako at saka nagkape lang. Nagtinapay si Lei at saka pinartner-an lang din ng kapeng mainit.
"What do you like for your dessert?"
"Donut is enough." sabi ko kaya tumango siya.
Si Lei lahat ang nagbayad saka kami umupo na sa upuan. Ganito kami ilang gabi na rin. Lalaba kami ng airbnb at nagpapalipas ng oras sa conviniece store. Ang dami nga naming napagkwe-kwentuhan ganitong kaming dalawa lang ang magkasama.
"Let's shopping tomorrow." sabi niya sa akin.
"Ano namang bibilhin natin? At saka christmas na bukas."
"Let's go shopping. Bilin natin lahat ng gusto natin."
"Wala naman na akong ibang gusto." ani ko. "Ikaw lang."
"Oh, d*mn, baby." Natawa ako bigla.
Magkatabi kami sa upuan kaya after kumain, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Imbis kasi na umupo siya sa harapan ko, talagang tumabi siya sa akin para magkalapit talaga kami.
"Tired?"
"Hmm... Nagpapahinga lang ako."
"Balik na tayo?" tanong niya sa akin.
"Dito muna tayo."
Tumambay pa kami ng ilang sandali sa convinience store. Sa sobrang tahimik ay hindu ko na namalayan na nakaidlip na ako sa balikat ni Lei. Nagising nalang ako dahil sa pangangawit. Nadatnan ko siya na bahagya ng sapo ang ulo ko para hindi tuluyang malaglag.
"I woke you up." aniya kaya kaagad akong umiling.
"Anong oras na... Bakit hindi mo ako ginising?"
"Kasi inaantok ka?" nalilitong aniya.
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
عاطفيةAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...