"I miss you, guys!" sabi ni Aziel pagkapasok niya sa classroom.
"Walang naka-miss 'yo dito, p're." pang-aasar ni Badje kaya sumimangot si Aziel.
"Bibigyan pa naman sana kita ng regalo from Japan. Huwag nalang pala."
"Para namang iba? Ganito lang talaga kita lambingin—"
"T*ng ina mo, gumanyan ka na naman. Baka sa susunod na makita ako ng shota mo, mabangasan na ang gwapo kong mukha na 'to."
"Daming ebas. Nasaan na 'yung pasalubong?"
Binigyan niya kami ng tigi-tig-isang camera. Second hand lang iyon pero matitono pa naman. Mukhang hindi gano'ng nagamit.
"Bagay sa inyo 'yan, tutal mga social climber kayo." biro niya sa amin.
May inabot din ako sa kanilang pasalubong ko. Puro bag na magkakaiba ang binigay ko sa girls habang kay Aziel ay wallet ang binigay ko. I even gave them the paper bags from Lei. Hindi ko alam ang laman ng mga iyon dahil ayaw ipatingin sa akin ni Leivi.
"Hala, nasaan ang shota mo at ng makiss namin?!" oa na ani ni Aziel.
"Oa mo naman. Ano bang binigay— Ay pucha!"
Hindi ko alam kung anong nasa utak ni Lei madalas. Hindi naman sa nanghihinayang ako na nagbibigay siya ng regalo pero hindi ba sobra 'yung magbigay ng mamahaling pabango sa mga kaibigan ko? Ako nga, kahit ano lang dahil hindi naman maarte ang mga ito. They are too appreciatable. Pero wala akong magagawa sa gusto ni Lei. Baka he's just too thankful sa pagiging mabait ng mga kaibigan ko sa akin at sa kaniya. Hay... Mamahaling pabango ba naman ang iniregalo.
"Hindi ba sobra-sobra 'to?" Amber asked.
"Wala tayong magagawa kung iyan ang ibinigay niya for you guys. He loves to give gifts." sabi ko. "Tanggapin ninyo nalang at mas magtatampo iyon kapag ibinalik ninyo."
"Grabe naman 'yon..." mahinang sabi ni Harriet.
"Sabihin mo nga i-bestfriend niya ako." biro ni Aziel.
Pagkadating ng prof, nagsimula na ang lecture. Kung ano-ano na kaagad ang naganap. Para kaming pinagbakasyon para maging handa sa kalbaryo na ito.
Weekdays na nakakapagod. Kasisimula pa lang ng class pero parang patapos na ang academic year sa pagod ko. Ang daming gawain. May mga presentation pa kami kasabay ng mga quizzes.
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Any habang naglalakad kami papuntang Dapitan para kumain ng lunch.
"We broke up." Three words that made me feel so sad.
"Pag-usapan natin later after class?"
"Marami tayong kailangang gawin, Elly. We don't have time to break down."
Napaisip ako. "Let's drink sa friday, after class."
"Pwede rin." aniya. "Tingin ko, kailangan din nila ng kausap." Tingin ko rin.
Hindi ko alam kung may sumpa ba sa relasyon nila ang 2nd year namin sa med school. Any, Harriet, Aziel, and Amber ang from a heartbreak. Hindi lang halata sa ibang kaibigan namin na galing sila sa break up dahil masyado silang masayahin o baka pinipeke na nila ang saya nila kapag magkakasama kami. Puno lang kami ng tawanan pero may kaniya-kaniya kaming problema na kinahaharap. Ayaw ko naman ng gano'n... Na sa saya lang kami magkamasama. I want them to feel na even in the saddest situation they are in, magkakasama kami. Na may matatakbuhan sila kapag kailangan nila ng taong mananatili sa tabi nila.
"Let's hang out after class sa friday." sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa university.
Tiningnan ko si Badje na mukhang nakuha naman niya. "Oo nga! Sa condo ko tayo mag-inom."
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
RomanceAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...