Nang magweekdays na, abala na naman kaming pareho ni Leivi sa eskwela. Kapag kaya naman akong isabay, isinasabay niya ako pero minsan, naglslakad nalang ako dahil napaka lapit na ng cobdo namin sa university.
"You just woke up?" tanong niya.
"Hmm..." tugon ko sa inaantok pa na boses. "Mayamaya pa 'yung class ko. Una ka na."
"What? You'll walk again just like kahapon?" mukhang hindi niya gusto iyon. "I'll wait you prepare. Th
ake your time and I'll wait you-""Anong take your time, sa Katipunan ka pa hoy!" sabi ko rito.
"Kahit na... I'll wait for you."
"Kulit naman ni Leivi oh." Napairap na ako. "Maglalakad nalang ako dahil malapit lang naman. Mauna na, maaga pa first class mo 'di ba?"
Gano'n na nga ang nangyari. Walang emosyon na inayos ni Lei ang mga dadalhin niyang gamit. Gusto siguro niya na kasama niya ako papasok.
Nang paalis na siya, bigla ko siyang niyakap sa likuran. "Where's my kiss?" He didn't answer me. "You're mad?"
"I'm not..." he answered.
"E where's my kiss?" Nakangisi itong pumunta sa akin para halikan ako sa noo at saka sa labi.
"Look who's clingy."
Pagkaalis ni Lei ay doon ako nag-asikaso ng sarili. May almusal siyang niluto kaya mabilisan akong kumain dahil hindi ako gano'n kabilis mag-ayos ng sarili.
Nang sumapit ang lunch sa university, kaagad kong sinilip ang phone ko para i-check kung may nagchat ba sa akin. May dalawang message sa dalawang lalaki na kilala ko kaya kaagad kong in-open iyon.
From: Leivi
Eat lunch na, baby.
To: Leivi
yes, boss
From: Dwayne
where are you? kanina pa ako rito sa labas ng room mo
To: Dwayne
teka lang naman, par. nag-aayos pa ng gamit oh
Inayos ko na muna ang mga gamit ko bago dinampot palabas. Naabutan kong nasa gilid ng room si Dwayne. Hindi kami magkaroom sa last na subject before lunch kaya may hinatayang naganap for lunch.
"Saan tayo kakain?" tanong ko.
"Sa Dapitan nalang ulit."
At iyon, naglakad kami papunta sa kakainan namin habang nakapayong. Tirik na tirik talaga ang araw lalo na't magsu-summer na.
"Oh..." Nag-abot siya ng tissue sa akin from his pocket.
"Malinis ba 'to? Baka magkapimples ako dito—"
"Napaka arte."
My week went like that. Papasok na minsan isinasabay ni Lei at kung minsan ay naglalakad lang. Papasok sa klase, maglu-lunch with Dwayne at papasok sa mga tinatrabahuhan ko sa gabi. My everyday routine is tiring but after a long tiring day, sinusundo ako ni Lei sa cafe malapit sa bar na pinagtratrabahuhan ko. Madalas din kaming tumambay bago ang shift ko sa bar. Kung saan-saan niya hinihinto ang sasakyan niya para tumambay at kumain kami ng sabay.
From: Kiara
hi, ate! pinakelaman ko yung contacts ni kuya kaya i found your number. i just wanna remind you sa party natin bukas ate ha. i'll bring ate chia but you can't bring kuya lei 'cause he's a bit kj HAHAHAHAH see ya!
That was a message from Lei's sister no'ng Friday ng gabi. Kinabukasan, tinanghali na kami ng gising ni Lei. We woke up ng 1 ng hapon at nag-ayos kami kaagad para magpunta sa mall sa malapit. We need to eat lunch outside at magro-grocery na pagkatapos.
YOU ARE READING
Wild Series #1: 69
RomanceAvidas Leivi Yu is a Law student from ADMU. He is a member of a frat that spoil them with the exam and recitation. They also called him "sugar daddy ng lahat" because he is the one who always pay. At first, he do not like to attend family gatherings...