MALOI's POV
And they live happily ever after.
Rinig na rinig ko ang lakas ng pagsara ng libro ko pagkatapos basahin ni jho yung last page, tinawanan pa niya ko.
"jusko be, gasgas na yung ending mo.. makaluma yarn, ano ka taga nineteen kopong kopong? fairytale ganern.. sana ginawa mo na din disney princess yung main character" komento pa niya
"e anong gusto mo?! gawin kong sad ending? wag na no, saka hindi naman ako heartbroken" depensa ko, napakalakas talaga manglait ng babaeng to
"try mo kaya basahin ulit be, ewan ko nalang kung di ka macringe sa ibang parts.. walang thrill like warla ganern.. although maganda naman" dagdag pa niya
"ay grabe ante, mag cocomment nalang may lait pa.. at least may first ever published book na ko" inagaw ko sa kanya yung libro at niyakap yakap ko habang nakangiti
"anong lait? suggestion kaya yun.. saka diba sabi mo maging honest ang review ko kaya ayan I'm giving you an honest review" sagot niya
"hayaan mo na nga published na yun e, saka mag iistart naman ulit ako ng bagong book.. but I'll take your suggestion para sa susunod kong mga kabanata.. gusto mo may heartbroken era edi bibigyan ko kayo ng drama.. hmm tingin mo anong magandang genre?" sabay tingin ko sa ere na kunwari nag iisip
"aba malay ko sayo, diba ikaw author diyan" sabi niya habang nakacross arms pa at biglang tumayo
"teka, san ka pupunta?"
"nanay ka ba? may lakad ako ngayon" sarkastikong sabi niya
"di nagsasabi? may kadate ka siguro no? sino?" magkakasunod kong tanong sa kanya at lumapit pa pero di siya sumagot
"layas na ko maloi.. magkikita kami ni gwenny ngayon" paalam niya habang nginitian ako
"ah ganon! may ganap kayong dalawa? di man lang nag aaya parang mga di kaibigan" sinabi ko yun na kunwaring nagtatampo
"e pano ho kasi busy ka dyan sa libro mo kaya di ka muna namin iniistorbo, basta pag sumikat ka wag mo kami kakalimutan ha"
"luh pereng tenge, saka di naman ako nag eexpect sa sikat sikat keme na yan"
"ang kaibigan nga naman naming humble kuno, kilala ka namin no.. alam namin na deep inside gusto mo din makilala pero kahit naman anong mangyari support ka pa din naman namin! Ikaw pa din ang pinaka dabest author para sa aming mga kaibigan mo" pag eencourage niya sa akin habang tinatapik yung balikat ko
"umalis ka na nga! baka umiyak at kiligin pa ko masyado sayo ikiss pa kita"
"eww bading!" sigaw niya habang tumatawa palabas ng bahay
"kala mo siya hindi!" sigaw ko pa pero pagsilip ko wala na siya sa daan
ang bilis naman nun maglakad, walking distance lang naman kasi sila gwen mula sa amin tapos kami naman ni jhoanna magkasama sa bahay, matagal ko na kasi silang kaibigan simula pa nung college..
Pero mabalik sa buhay ko, di pa din ako makapaniwala na may isang publishing company na nagkainterest gawing libro yung story ko.
Sa tagal tagal ko nang nagsusulat ngayon lang merong nakapansin sa mga naisulat ko, mas lalo tuloy ako namomotivate.. This is your shot maloi!
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"