REVELATION: XXXIV

1K 45 60
                                    

COLET's POV

Excited na ko! Nakita ko yung announcement ng author kong pinakamamahal na si loiverever.

Announcement:

See you later sa book signing mga mahal kong readers

Pupunta ako mamaya sa book signing ng crush ko, excited na ko kasi makikita ko na siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pupunta ako mamaya sa book signing ng crush ko, excited na ko kasi makikita ko na siya. I wanted to give her something pero ano? Should I give her another letter of confession, yun nga lang personal ko nang iaabot to.

I looked at the photo again, bakit parang familiar siya? feeling ko nakita ko na siya somewhere. The feeling of seeing her was dreamy, It was like i've known her for a long time.

Suddenly, bigla kong naisip na hindi ko pa pala ulit nakakausap si maloi since nung sleep over namin. I was confused again about my feelings for her. Pag kasama ko siya I was so sure na mahal ko siya, pero pag mag isa nalang ako bumabalik ako sa dating gawi.

I wanted to invite her to come with me but I think it's not right na makita ko sila ng sabay ng crush ko. I think it would be selfish of me na pagpilian ko sila.

I'll let it pass nalang hayaan nalang muna, after nito I'll talk to her because I wanted to confirm lang din muna if magbabago yung feelings ko pag nakita ko na yung long time crush ko.

Mabilis na lumipas yung mga oras, I prepared a letter for my crush and maaga ako nakadating sa venue ng event. I was wearing all black, syempre nagsuot na din ako ng cap and mask kasi I don't want to ruin this event. Paano nalang kung may makakilala sa akin na fan, edi mas napunta yung attention nila sa akin.

Since hindi pa naman nagsstart, I walked around the mall to kill time. I saw cute little keychains at naisipan kong bumili ng panda para ibigay ko kay crush tapos I picked another one para naman ibigay kay maloi.

As I was walking around I saw silhouette of mikha 'nandito siya? magpapasign din kaya to?'

Lalapitan ko sana siya para may kasama ako ng biglang mag announce yung organizer na malapit na mag start yung event. Paglingon ko ulit sa spot wala na si mikha, pumunta nalang ako sa area at pumila kasama ng iba holding my book.

Dahil medyo marami nang nauna sa pila, crowded na yung area kaya hindi ko masilip masyado yung unahan. Alam kong excited din yung iba na makita si author dahil first time niya mag eexpose ng itsura.

When the organizer announced the author's name, nakarinig ako ng malakas na sigawan cheering for her. I hate to admit it, I want to gatekeep her. Naiinis ako sa mga taong magiging dahilan kung bakit mas liliit yung chance ko mapansin niya.

As I was slowly getting closer to the line napansin ko na parang nasa unahan ng area si jho.. at si gwen? pero bakit? kilala ba nila yung author. Hindi ko pa siya masilip nakaupo kasi siya.

Unti unting lumipas ang mga oras at nung napasulyap ako sa table, isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sakin nung makita ko ang magaganda niyang mata at yung ngiti niyang nakakatunaw "M-maloi?"

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now