FEELINGS: XXVIII

962 32 20
                                    

MALOI's POV

Nakabalik na si jho pagpasok namin sa bahay, inaya ko siya sumama kanina kaya lang may maramihan daw silang order na flowers kaya tumanggi to.

"oh jho napaaga ka ata"

"wala e, ang galing ng mga tauhan ko ang bibilis na nila mag asikaso. Eh ikaw bakit ang aga mo? akala ko gabi ka na makakabalik e"

"may nangyari lang"

"ha? anong nangyari?"

"ah basta, kasama ko nga pala si gwen at colet nagpapark lang sila"

Pumasok si gwen kasunod si colet sa likod niya, dala nila yung mga Jollibee na hindi namin nakain kanina.

"uy sarap, penge colet" sabi ni jho

"ay ang kapal ng mukha kay colet pa talaga nanghingi, close kayo?" sabi ni gwen

"bakit ba! madamot kayo parehas ni loi e hehe"

"di pala nauwi ni miks yung pagkain niya, chat mo col kung kukunin niya pa" sabi ni gwen kay colet

"anong chat di ko nga alam number nun, ikaw nalang" sagot ni colet

"di ko din alam number nun, ikaw nalang loi" sabi ni gwen sakin

"okay" bakit pa kasi kailangan ipaalam, sigurado naman akong di na niya yun babalikan at kung balikan man niya kaya ko naman palitan yun

"chinat ko na kainin niyo na yan"

"ay hindi na hihintayin magreply?" tanong ni colet

"hindi na, bilhan ko pa siya ng marami nyan e" sagot ko

"ay wow sabi ng kuripot" sabat naman ni gwen

"hoy sino yung mikha? bagong jowa mo? o bagong nanliligaw?" tanong ni jho habang kinukuha yung mga pagkaing nagustuhan niya

"di niya yun jowa" sabay na sabi ni colet at gwen

"eto si jhoanna lahat nalang ng malaman na kasama ko issue"

"sus siguro si colet yung jowa mo no" asar niya

"hoy anong jowa niya to, dumaan muna siya sakin bago niya jowain tong si loi at kung papayag man ako" reklamo ni gwen

"ay bakit? nanay ka ba ni maloi?" sagot ni jho

"ano ba yang jowa jowa na yan, ikaw nalang magjowa tutal jowana naman pangalan mo.. jusko beh pati ba naman ikaw nakikisali sa kaguluhan ng mga to kanina pa nagtatalo yan sumakit na nga bungo ko kakasaway" sabi ko

"bakit ayaw mo ba kay colet?" pagtapos tanungin yun ni jho nagsilingunan sila sa akin

"bakit naman nadamay si colet?"

"beh alangan naman ako? mas maganda pa sayo si ate aiah no kahit pinsan mo nalang wag lang ikaw" sabi ni jho

"ayy ang sama, ibaban kitang sumama pag dumating sila ate aiah tamo"

"hala joke lang e to naman hindi na mabiro oh, so ano nga?"

"anong ano nga?"

"ayaw mo ba kay colet?"

"Jho ano ba yan, andito yung tao oh"

"ano naman? malay mo gusto din malaman ni colet yung sagot mo"

"tigilan mo na nga jho" iritang sabi ni gwen

"KJ mo naman gwen, lovelife na ni maloi to oh"

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now