GWEN's POV
Nagising ako ng masakit ang ulo, all I remember was I was literally getting wasted kasama si jho kagabi.
Tumingin ako sa palagid, it's familiar but it's not my bed.. I can smell maloi's scent lingering through my nose, hanggang sa marealize ko na nasa kama niya ko kaya bigla akong napabangon at na out of balance.
boooogshhh
"gwen!!!!" tumakbo papalapit sa akin si jho
"kaya mo tumayo?" tanong pa niya
Nakaupo lang ako sa sahig, dahil kakagising ko lang medyo late nagpoprocess yung utak ko. Tinulungan ako tumayo ni jho, kaya lang imbis na ulo ko lang masakit.. pati balakang ko masakit na din.
"Ano ba ginagawa mo?"
Hindi ko pinansin yung tanong niya at nagtanong pabalik.
"Ano nangyari kagabi? alam na ba ni maloi?"
Tumango siya ng mabagal
"Si maloi nga nag uwi sa atin dito, hindi kita kaya e so tinawagan ko siya para magpatulong"
Kitang kita siguro sa mukha ko yung disappointment sa sarili ko dahil nagkalat ako kagabi
"don't worry, hindi naman galit si maloi.. medyo disappointed lang siya kasi hindi ka nagsasabi ng problema sa amin, saka ako yung pinagalitan niya dahil kinunsinte pa daw kita"
"sorry jho, nadamay ka pa dahil sakin"
"hindi mo naman kailangan mag sorry, nag aalala lang si maloi sayo.. nag aalala lang din ako sayo"
Pagpasok ni maloi sa kwarto tumakbo to papalapit sa akin nung nakita niya akong gising na.
"Gwen! okay ka na ba? may masakit ba sayo?" tanong niya sabay hawak sa pisngi ko
Umiling lang ako bilang tugon at di na ko tumingin sa kanya
"Alam mo bang sobrang nag aalala ako sayo, ano bang pinag gagawa mo ha?" hampas niya ng mahina sa akin
Yan yung kilala kong maloi, yung kahit alam naman nyang may masakit e nananakit pa din.. Napangiti ako kasi ang cute niya kahit galit
"Hoy gweneth anong ngini ngiti mo dyan" nakapamewang niyang sabi
"wala, sorry na po" kinuha ko yung braso niya at niyakap to
"HOY KAYO AH! Ang lalandi niyo, wag nga kayo sa harap ko.. baka mamaya magjowa na pala kayo ng di niyo sinasabi tapos nagtampuhan lang kayo kaya ganyan si gwen" sabi ni jho
"hoy jhoanna tumigil ka nga! magkakaibigan tayo dito no" kontra ni maloi
Hindi na ko nagsalita kasi biglang nalungkot yung puso ko, oo tinatanong ko din sa sarili ko na bakit sa tagal naming magkakaibigan bigla nalang akong nagka feelings kay maloi..
Wala naman nagbago, ganun pa din pakikitungo namin tulad nung dati.. pero bakit bigla nalang akong nakaramdam nito simula nung nakilala niya yung colet na yun, gulong gulo talaga ako kasi isang beses palang din naman sila nagkita.
Ayoko mapunta siya sa iba, gusto ko siya ingatan at protektahan pero ayoko din naman irisk yung kung ano man meron kami para mag step up ng relasyon namin. Di ko kayang mawala si maloi, siya yung pinakamahalagang tao sa buhay ko. I'd rather lose myself than losing maloi in my life.
Umalis ako sa kwarto, masakit pa din ulo ko sa hang over. Medyo naririnig ko pa na tinatawag ako ng dalawa pero hindi ko sila nilingon, gusto ko umalis malayo sa kanya, malayo kay maloi.
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"