SAVIOR: VIII

1.2K 42 9
                                    

MALOI's POV

"Ano ba ginagawa nung dalawang yun, ewan ko na talaga.. hayyyy" naglalakad lakad ako kasi yung sinabing address ni jho hindi ko talaga alam mga beh

Nahihiya naman din ako magtanong sa mga tao, shy gurl tayo e.. pero seryoso ayoko na, feeling ko hinuhusgan ako ng mga tao dito sa mga tinginan nila. Natatakot ako pero kailangan ko puntahan sila jho at gwen, mixed emotions na yung nararamdaman ko.

Nakayuko lang ako habang naglalakad kasi ayokong makita reaksyon ng mga makakasalubong ko ng biglang may nabunggo ako.

"ouwww!" muntikan na kong madapa nanaman kung hindi lang ako nahawakan ng nabunggo ko.

"shit! ang tanga tanga mo nanaman maloi, napaka clumsy mo talaga" bulong ko sa sarili ko.

Sa mga oras na yun, di ko na talaga alam, gusto ko nanaman maglaho nalang bigla..

"Hi miss, parang bago ka dito ah.. parang ngayon lang kita nakita"

Narinig ko yung boses niyang nakakakilabot, hindi ko pa nga nakikita ng direkta yung mukha niya pero ang creepy niya na pakinggan. Ayoko nga sana mapatingin kaso pinilit niyang iharap yung mukha ko sa mukha niya.

Nakita ko yung itsura niya, di naman sa panghuhusga pero mukha siyang manyak. Mukha naman siyang hindi pa sobrang tanda pero hindi rin siya mukhang bata. Nakangiti siya na parang nakakita ng bagong biktima, hay nako naman kasi maloi pag minamalas ka nga naman.

"sorry po kuya" sabay tungo ko na aalis na sana

"teka lang miss ganda, walang sorry sorry dito kinakausap pa kita e.. usap muna tayo" sabi niya sabay higpit ng hawak sa braso ko

"sorry kuya nagmamadali po kasi ako e" kinakabahan kong sabi

"san ka ba pupunta? samahan na kita kabisado ko lugar dito.. kahit san mo pa gusto pumunta kahit sa langit pa" pagyayabang niya sa akin, patay na ko manyak nga ata to

Hindi ko nakikita yung itsura niya pero sigurado akong nakangisi siya, gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Alam ko kasi na maaabutan niya pa din ako dahil matangkad siya at lalong hindi ko alam kung may papansin sa akin dito kung sisigaw ako ng tulong.

Nagulat nalang ako ng may humablot sa kamay ko at pwersahan akong hinila palayo dun sa bastos na lalaki, hinila niya ko para tumakbo. Hindi ko alam pero kahit hindi ko din sigurado kung masamang tao din siya ay nagpahila pa din ako.

"Paano nalang kung mas masamang tao pala to, edi mas lalo kang nayari maloi.. jusko nag uumapaw yung katangahan mo today, Lord save me please" isip ko

Hindi ko siya makita dahil tumatakbo pa din naman kami, nakasuot siya ng hoodie e.. kung saan saan na nga din kami nagsusuot dahil hinahabol pa din kami nung manyak na lalaking yun.

Maiyak iyak na ko sa pagod nung tumingin siya sa likod at tumigil.

"Hay salamat wala na" sabi niya na hinihingal din

"sino ka?" tanong ko

"hindi ka man lang ba magpapasalamat muna? I saved you, right?" sabi niya na may accent pa yung tono at malalim ang boses

"ahh ehhh-- thank you?" naguguluhan kong sabi na nagtataka kung sino siya, hindi ko pa din naman makita yung mukha niya kasi naka mask siya and sunglasses "Mukha nga siyang holdaper sa totoo lang"

"the fudge?! ako mukhang holdaper? pagkatapos kitang iligtas? you got the nerve huh! bahala ka nga dyan!" sabay talikod niya

Wtf maloi, did you just voice out your thoughts? eto na ang araw na pinaka nakakahiya sa buong existence ko.. hinabol ko siya kasi nahiya ako ng bongga, yung imbis na magpasalamat tinawag ko pa siyang holdaper.

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now