MALOI's POV
"JHOOOO! BILISAN MO NAMAN PADATING NA SILA ATE AIAH! BABYAHE PA TAYO OH PAGKAKUPAD NAMAN TALAGA OH"
"TEKAAAAA ETO NA!"
Kainis napakabagal netong babaeng to, inuna pa kasi yung kakacellphone bago mag ayos e. Lumabas naman siya kaso hindi pa pala nakakapagsapatos
"bukas ka pa ata matatapos e, iwan ka nalang kaya namin ni gwen" naglakad na ko palabas ng bahay, sumakay na din ako sa kotse ni gwen tapos nakita namin na tumatakbo palabas sa bahay si jho
"beh paandarin mo nga" sabi ko kay gwen
"ehh, sasakay pa si jho"
"asarin mo lang, ang bagal bagal kasi e ipark mo dun sa kanto" pinatakbo naman ni gwen yung sasakyan tapos nakita ko si jho na humahabol HAHAHAHA yan kasi
Nung nakaabot siya samin, hinihingal na siyang kumatok sa bintana kaya pinagbuksan naman siya agad ni gwen
"oh ano? tagalan mo pa lalo sa susunod ng iwanan ka na talaga namin"
"e kasi----"
"e kasi ano? kakacellphone mo yan e"
"HALA! oo nga pala yung cellphone ko"
"ay jusko jhoanna! iwan mo nalang muna.. tara na gwenny"
"ehhhhh loi naman oh, kukunin ko saglit lang promise"
"hay nako oo na nga bilisan mo na, pag ikaw umabot ng lagpas 3 mins talagang maiiwan ka dito.. magseset ako ng timer tignan mo maigi" pinakita ko sa kanya yung phone ko at nung nagstart na yung timer natataranta siyang tumakbo pabalik sa bahay, tawang tawa ako sa kanya kasi medyo malayo yung kanto sa amin
"ikaw talaga loi, pinagtitripan mo nanaman si jho" sabi ni gwen
"anong pinagtitripan? ay pagkabagal naman kasi talaga, panay cellphone kasi alam naman niyang susunduin sila ate aiah"
"bakit ba kasi biglang nagbago yung desisyon nila tita mo? kala ko ba yung tita niyo ni ate aiah susundo sa kanila?"
"ehh kasi naisipan ng parents ni staku na magprepare ng surprise sa kanya sa bahay nila kaya hindi na nila sinundo, gusto pa nga sumama ni tita sumundo kaso sabi ko walang tutulong kay tito sa pag aayos"
Tumingin ako sa timer at nakitang paubos na yung oras, nakita ko din naman na tumatakbong pabalik na si jho.. WHAHAHA mukha siyang zombie na gulo gulo na yung buhok
"hays" sabi ni jho pagkaupo niya sa likod
"tara na gwen, baka maunahan pa tayo nila ate aiah niyan"
"ikaw naman jho, mag punas ka nga ng pawis.. ang dugyot mo na agad"
"ehhh patakbuhin niyo ba naman ko ng mabilis, may timer pa talaga"
"kasalanan ba namin? ikaw dyan yung kukupad kupad e"
"oo na, nye nye" nakita kong nag earphone siya, alam kong ayaw na niyang pagalitan ko pa siya kaya ganun
Nakadating naman kami sa airport ng mabilis, buti nalang walang traffic kung hindi baka tinalakan ko nanaman si jho niyan. Naghintay muna kami sa upuan kasi padating palang daw yung sinasakyan nila ate aiah at staku.
"grabe excited na ko makita si ate aiah at staku"
"uy loi nakakahiya dun sa isa mong pinsan di namin kilala" sabi ni gwen
"nako wag kayo mahiya dun, makapal naman mukha ni jho HAHAHAHAHA"
"excuse me? sinong makapal?"
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"