COLET's POV
"payag na kong tabi tayo" paulit ulit kong naririnig yung linyang yun sa utak ko at sa bawat ulit nito ay kasabay ang palakas at palakas na tibok ng puso ko
"colet" mahina niyang tawag kasabay ng pagtapik sa balikat ko, napaigtad ako dahil sa gulat
"ohhh?" tinitigan ko siya ng direkta sa mata kaso parang matutunaw ako kaya umiwas ako ng tingin
"tulog na tayo?" tanong niya
Mukhang di ko pa kakayanin makatabi siya sa kama sa mga oras na to kaya nag isip ako ng maidadahilan, saktong nakita ko yung gitara niya sa gilid ng kwarto.
"nag gigitara ka?" tanong ko
"uhmm hehe, oo" sabay kamot niya sa ulo, kada meron akong malalaman sa kanya lalo akong namamangha
"ako nag aaral pa e, hindi pa gaano marunong"
"uy baka magexpect ka ha, hindi ako magaling.. marunong lang" sabi niya
Napangiti ako kasi alam ko naman na kahit di niya sabihin, malakas ang pakiramdam kong magaling siya.
"pwede ba?" turo ko sa gitara
"oo naman" kinuha niya ito at inabot sa akin
"iilan palang alam ko e, self learning lang kasi ginagawa ko" sinubukan kong kumapa ng mga chords kaso talagang hindi ko pa kayang magderecho kaya natawa siya sa akin
"wag mo madaliin, matututunan mo din yan kapag tagal.. pag pinilit mo masasaktan ka lang sige"
Sinubukan ko pa ulit mag gitara habang nakatingin siya sa akin, hindi ko alam kung natataranta ba ako dahil hindi ako marunong o natataranta ako dahil sa mga titig niya
"tama ba to?" tanong ko
"tama naman, kailangan mo lang ng practice.. akin na turuan kita"
Kinuha niya yung gitara at nagsimulang tumugtog, hindi ko alam pero nag uumapaw na saya yung nararamdaman ko. Nagpapaliwanag siya sa akin kung paano mas mapadali yung pag gitara pero wala akong maintindihan kundi yung kumpirmasyon sa sarili kong gusto ko nga talaga siya 'gusto ko si maloi'
"gusto kita"
"ha?" napabalik ako sa katinuan nung narinig ko yung ha ni maloi
"ha?" sabi ko din
"sabi mo gusto mo ko?" tanong niya
"haaaa.. ahh ehh gusto kong matutunan yan, yang tinuturo mo.. baka ngayon lang umpekto yung alak sa akin kaya medyo magulo yung mga sinasabi ko ngayon" pagdadahilan ko, kahit hindi naman ako talaga nalasing sa alak
"hmm, gusto mo matulog na tayo? bukas nalang kita turuan"
"hindi, kaya ko naman.. tugtog ka pa"
'wag muna loi, di ko pa kayang makatabi ka sa mga oras na to at gusto ko pa din makausap ka ng mas matagal'
"uhm sige" nakita kong tumungo siya, di ko alam kung inaantok na ba siya kaya kinalabit ko to
"antok ka na?"
"hindi nag iisip ako" inangat niya yung ulo niya saka ngumiti
Nako eto nanaman yung mga ngiti niyang nakakatunaw, patuloy nanaman sa pagtibok ng malakas yung puso ko. Mababaliw ata ako pag kasama ko siya.
"tumigil ka nga" sabi ko
"bakit? anong ginawa ko?"
"e kasi ngiti ka ng ngiti"
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"