INITIATION: XXXI

1K 38 55
                                    

JHOANNA's POV

"Ahhhhhhhh! sakit ng ulo ko" nilingon ko yung tabi ko pero wala na si gwen. Nagsuot ako ng salamin at nakita ko sa gilid ng table na may note siya

To: Jho

Umalis pala ako ng maaga, nakalimutan kong may meeting ako with my employees today sa coffee shop. Di na kita ginising, pakisabi nalang din kay maloi. I'll bring coffee later para makabawi nalang sa inyo.

From: Gwen

"weird, pwede naman magtext nag iwan pa ng note"

Lumabas ako ng kwarto para icheck kung gising na din ba sila maloi kaso ang tahimik. Umakyat ako para tignan yung kwarto niya, dahan dahan kong binuksan yung pinto kaso nung nakasilip na ako bigla nalang akong napaatras at dahan dahan ulit sinara yung pinto.

Gusto kong sumigaw, oo kinikilig akong makita silang ganun. Nakahiga si maloi sa braso ni colet habang nakayakap ito sa kanya.

Hindi ko nalang muna sila ginising dahil ayoko din silang maistorbo. Naghilamos nalang ako at nagluto nalang ng noodles.

Sarado yung flower shop ko ngayon, pinagpahinga ko muna yung mga tauhan ko dahil nakakota naman kami sa dami ng orders kahapon, kaya dito lang ako sa bahay ngayong araw. Nanonood lang ako sa TV habang kinakain yung noodles ko nang makita kong bumaba sila 'ay wow naka hawak pa si maloi sa braso ni colet'

"Good morning jho" bati ni maloi

"Good morning jho" bati din ni colet

"Goooood Morningggg" sagot ko sa kanila habang nakangisi

Nakita kong nagtinginan sila pero natawa nalang ako "ganda ng umaga no"

"bakit?" tanong ni maloi

"ahh wala wala, nakita ko kasi yung kapitbahay natin sa tapat napakasweet.. parang pati sa akin abot yung langgam"

"sino?" tanong nanaman niya

"lapit ka sakin bubulong ko sayo"

Tinanggal niya yung kapit niya kay colet at lumapit talaga sakin, napaka chismosa loi HAHAHAHA

"kayo ni colet" bulong ko sa kanya, hinampas niya ako sa braso pero tinawanan ko lang siya. Tinignan ko din yung reaksyon ni colet sa paghampas niya sa akin pero nakakunot lang to..siguro nagtataka kung bakit, hindi ko din naman kasi nilakasan yung sinabi ko

"nasan si gwen?" tanong niya

"andyan si colet pero iba hanap mo"

"luh nagtatanong lang e, napaka issue jusko"

"umalis na si gwen" sabi ko

"hindi nagpaalam sakin?" sabi niya sa malungkot na mukha

"e pano apaka harot mo kasi"

"luh anong maharot, tara na nga colet may issue kasi dito"

"sus gusto mo lang masolo si colet e, kayakap mo na nga buong----- aray!" naramdaman kong may tumama sa ulo kong matigas, binato pala niya ko ng tsinelas

"KADIRI KA LOI, ANG DUMI DUMI NETO E" reklamo ko

"napaka ingay mo kasi" sabi niya habang naglalakad papunta sa kusina kasunod si colet

Ang lalandi, sakit sa mata.. parehas naman duwag parehas din manhid, halatang halata na nga e

Kinain ko na ulit yung noodles ko, lumamig na nga lang tuloy.

"Boring" wala naman mapanood na matino kaya nag phone nalang ako at nagscroll sa IG, meron dumaan na post at nakita kong nakalike si ate aiah sa picture

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now