MIKHA's POV
Nagdadrive ako ng bigla kong maaninag na sa ilalim ng isang puno nakaupo dun si maloi, tinigil ko yung sasakyan para sana bumaba pero may lumapit sa kanya na babae at umupo sa tabi niya.
'ay may kasama ata siya' nadisappoint ako kasi akala ko matatabihan ko siya umupo.
Hindi pa din ako umalis at pinapanood ko sila, sa totoo lang naiingit ako sa babaeng katabi niya. Kaibigan niya lang kaya yun? habang pinagmamasdan ko kasi sila e parang ang saya saya naman nila.
"epal tsk, edi sana ako yung katabi niya ngayon.. hindi man lang makapagreply sa akin, e hindi naman pala busy.. palagay lagay pa ng number niya sa phone ko, tsk paasa" reklamo ko
"huy beh! bakit ka ba tumigil? ano bang pinagsasasabi mo dyan? saka ano bang tinitignan mo sa labas?" sita ni sheena
Oo nga pala katabi ko nga pala si sheena, nakalimutan kong ihahatid ko siya sa bahay nila.
"ahh wala wala!"
"anong wala patingin!"
Sinilip niya sa bintana yung tinitignan ko, binaba pa talaga niya yung window
"asan beh? anong tinitignan mo? yung dalawang babae ba? Mi----+&#&*#^@&" hindi na siya nakapagsalita kasi tinakpan ko ng kamay ko yung bibig niya
"HOY!!" hila ko sa kanya sabay taas nung windows ng sasakyan
"alam mo ikaw talaga--- arghhh!!"
Alam niyo nakakagigil talaga minsan pag may OA kayong kaibigan e no, muntikan ko na siya hampasin kasi bukod sa sobrang lakas ng bunganga niya tinuro pa niya yung dalawa kanina
"oh init ng ulo!"
"panong hindi e ang ingay mo teh, tapalan ko kaya ng tape yung bibig mo?"
"oh eto na, sabi ko nga tatahimik na e"
"magseatbelt ka na nga lang, alis na tayo"
"teka lang miks--- sino muna yun?"
Hindi na ko naglihim pa kasi alam kong kukulitin din naman ako nito
"si maloi"
"ayyyyyyy wehhhhhhh!!!! saan dyan? teka patingin!!!"
"hala si OA!"
"san dyan beh? yung may salamin diba?" pilit niyang sinisilip sa nakababang salamin
tumango naman ako
"ayy bet! ang pretty ni ate mo gurl, very mukhang genius ang atake.. e sino naman yung katabi?"
"MALAY KO! TSK! UMALIS NA NGA TAYO"
"ay highblood nanaman si bakla, selos ka ba? HAHAHA"
at tumawa pa talaga e no, pang asar talaga
"MAG SEATBELT KA NALANG SHEE!"
"Teka tinitignan ko pa---"
"ISA...."
"oo na eto na, gigil na gigil naman ang mikha lim na yan"
Sinunod naman niya at totoo din naman na nagseselos ako, e pero anong karapatan ko.. stranger lang naman ako sa kanya, baka nga limot na ko nun e, ni hindi nga makapagreply sakin
Bago ko simulan mag drive e nagtext muna ulit ako sa number na sinave niya sa phone ko, hoping na magreply sa pangalawang pagkakataon
To: Maloi Ganda
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"