MALOI's POV
Ilang araw na simula nung ayain ako ni colet lumabas para daw makabawi siya. Hindi ko pa din siya nababalikan tungkol dun kahit palagi na kami nagkakausap.
Ngayon na yung araw na yun, aayain ko siya para naman makalabas din ako.
Maloi: Hi colet, busy ka?
Nilapag ko muna yung phone ko at nagtuloy sa proofreading ng next chapter na ginagawa ko. Narinig ko may tumunog sa phone ko dalawang beses kaso pagbukas ko parang nadisappoint ako. Si mikha at gwen pala yung magkasunod na nagchat.
Mikha: Hi loi, are you busy today? ayain sana kita lumabas may sasabihin na din sana ako.
Gwen: Loi, labas tayo ☺️
Ano ba naman tong dalawang to ang galing ng timing, kung kelang aayain ko si colet sabay pa nagchat. Hindi ko muna sila nireplyan kasi hinihintay ko yung message ni colet.
Nung nakarinig ulit ako ng notification dali dali kong kinuha phone ko, alam kong si colet na yun.
Colet: hmm, hindi naman bakit?
Maloi: ayain sana kita sa amusement park, eto na din yung gala natin na tinatanong mo
Colet: ha sure ka ba? dyan mo talaga gusto?
Maloi: oo sana, ayaw mo ba?
Colet: ahh ehh, sige
Parang napilitan lang si colet, bakit? ayaw ba niya dun?
Colet: sunduin kita maloi ha, send mo address mo
Maloi: hala nakakahiya, pwede naman tayo mag meet up para hindi ka na dadayo
Colet: no, susunduin kita basta send mo address mo
Maloi: sige na nga eto (sent address)
Colet: Hintayin mo ko ha, see you
Maloi: See you, Ingat
Bago ako mag ayos nireplyan ko muna yung dalawa.
To Mikha: Sorry miks, maybe next time may lakad ako today e
To Gwen: next time gwenny, I have lakad with a friend today
Nagsimula na ko mag ayos, baka kasi biglang dumating si colet agad. Nakakahiya naman kung hihintayin niya ko.
Maya maya lang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at boses ng isang babae na hinahanap ako.
"ahh teka lang tawagin ko si maloi, pasok ka upo ka muna dyan" rinig kong sabi ni Jho dun sa dumating
"LOIIII MAY BISITA KA" Sigaw ni jho habang paakyat
Narinig kong kumatok ito kaya binuksan ko agad yung pinto.
"hindi mo man lang sinabi na may dadating kang bisita, nakakahiya beh ang kalat ng bahay" bulong niya
"hindi ko alam na dadating agad si colet, ang bilis niya e magkausap lang kami nyan kanina"
"teh anong status niyo? bakit may pabulaklak?"
"ha? anong bulaklak?"
"may bulaklak na dala teh, nanliligaw ba sayo yun?"
"huy hindi ah, issue ka magkaibigan lang kami nun.. malay ko dun, baka hindi yun sakin baka may dadaanan na pagbibigyan"
"bilisan mo na, nakakahiya nag hihintay e.. chichikahin ko nalang muna para di mainip"
"sige teh, thanks"
Pagbaba ko nakita ko si Colet at Jho nagkwekwentuhan nga, mukhang nagkakasundo naman sila kaya ayos sakin yun. Next time siguro ayain ko silang tatlo lumabas kasama si gwen.
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"