CRUSH: XVII

1K 37 10
                                    

MIKHA's POV

"huy teh, bakit ka nangiti?"

Kasama ko nanaman si sheena ano pa nga ba? andito nanaman kami sa coffee shop para makita nanaman niya yung bebe niya.. pag di ko to sinamahan magtatampo nanaman to sakin, kaya kami napagkakamalan mag jowa e

"lumayo ka nga sakin shee"

"ay ang sungit naman pero sa kachat niya pangiti ngiti nalang, miks hindi na ikaw yung dati kong kilalang miks"

"hala tampo nanaman siya oh.. uy yung crush mo oh" sabay turo ko sa kabilang direksyon kaya tumingin din siya agad

"HAHAHAHAHA tingin siya agad e" asar ko sa kanya

Nakaramdam ako ng hampas sa braso at napa aray ako

"dasurv" sabi niya at irap sa akin

Kausap ko kasi si maloi tapos iistorbohin niya ako, sinong hindi magsusungit don.

Bigla naman siya napakurot sa akin, pano ba naman totoo na biglang dumating yung crush niya na may ari ng shop.

"aray ko naman!"

"miks ang gwapo talaga" sabi niya na para bang mahihimatay na sa kilig

"oh di bili ka ulit ng kape, pag mangisay ka na jan" sinabi ko lang yun pero joke lang yun

"ang sama mo, ako nga support sayo dun sa mal-----" tinakpan ko nanaman yung bibig niya, napakalakas kasi ng boses e

"ilakas mo pa kaya!"

"bakit? may nakakakilala ba sa kanya dito?"

"malay mo meron, ang liit liit lang ng lugar natin e"

"ay alam ko na shee, bili ka nalang ng pastry para masilayan mo naman yung crush mo.. libre mo na din ako HAHAHA"

"ihhh ayoko, nahihiya ako e"

"ikaw nalang bumili miks, tapos ako kukuha ng order.. dali na"

"ha? pano yun e pastry nga bibilhin.. sineserve naman nila yun agad"

"basta magpalusot ka nalang pagtapos ko umorder, kunwari may tumatawag sayo bigla tapos ipapakuha mo nalang sakin or whatever.. bahala ka na miks go"

"aishh fine!"

Naglakad ako papunta sa counter, ano pa nga bang magagawa ko edi kundi sumunod kay sheena

Nung makarating ako sa counter tinanong niya agad sa akin kung ano order ko, so sinabi ko naman agad.. sa totoo lang naiinis ako sa may ari na to e ang angas kasi e pero para kay sheena titiisin ko

Naglakas loob na ko magrequest para naman sumaya yung kaibigan ko, sana lang pumayag tong kumag na to.

"hmm bro! pwede ba favor? my friend kasi secretly likes you and she would love to if you call her bebe.. the plan is kunwari magpapanggap ako na may tatawag sa akin or mag ccr then she'll be the one to get our order, please call her bebe if okay lang?"

"huh? why would I do that?"

"just this time lang naman bro, If you want I'll double the price for that order"

"NO!" madiin niyang sabi

Muntikan ko na siya bigwasan, sobrang iksi pa naman ng pasensya ko kaso pinigilan ko sarili ko baka sakaling magbago yung isip kung kulitin ko pa

"bro just this once, nakikiusap naman ako please"

"we don't do any special treatment sa customers namin" walang emosyon niyang sabi

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now