WORRY: XIII

1K 39 15
                                    

MALOI's POV

"hmm.. colet? ha nakatulog ako? teka panaginip lang ba yun?"

Inikot ko ng tingin yung paligid, madilim na at walang colet na na bakas pero pagtingin ko sa hita ko may nakapatong na painting at mukha ko yung nasa larawan.

Sinuri ko pa to at meron pang note na kasama, napangiti ako nung binasa ko yun.. so galing nga to kay colet at hindi rin panaginip ang lahat 'ang galing pala niya magpaint anong oras kaya siya umalis'

Tinignan ko yung oras sa phone sobrang gabi na pala, ang tagal ko naman nakatulog buti hindi ako nilamok at buti wala din nagtangka ng masama sa akin. Ang dami na din ng missed calls at text messages na galing kay gwen at jho siguradong mayayari ako dun tapos meron pang message galing sa unknown number pero kanina pa to at di ko lang siguro napansin

Una kong tinawagan si jho, sinagot naman niya to agad

"MALOI! ANONG ORAS NA HA!! NASAN KA BA? KANINA PA KO TAWAG NG TAWAG, BAT BA DI KA SUMASAGOT?" bungad niya sakin, jusko parang nanay to na nawalan ng anak e

"sorry na, di ko namalayan nakatulog pala ako e"

"ha?!! anong nakatulog? nasan ka ba ha? kanina pa din tumatawag si gwen sayo, nagpunta pa nga dito e"

"ano kasi-- may tinambayan akong puno malapit sa park tapos di ko namalayan na nakatulog pala ako"

"nakatulog sa malapit sa park!!!? anak ng-- nanggigigil ako sayo, umuwi ka na nga.. pano kung may nangyaring masama sayo ha? malalagot kami ni gwen kay tita nako"

"eto naman oh, sorry na.. look wala naman nangyaring masama sa akin kaya sorry na please, uuwi na ko eto na"

"bilisan mo! kung hindi ilolock ko yung pinto ng bahay di ka talaga makakapasok tamo"

"edi makikitulog ako kay gwen HAHAHA"

"isa talaga maloi! tumawa ka pa talaga.. makakaltukan talaga kita ng malala pag uwi mo"

"eto na binibiro lang e, sige na"

"okay, bye ingat.. pag ikaw nako talaga"

"bye mwah!"

Binaba ko na yung phone, baka kasi lalong humaba yung sermon sa akin ni jho. Nagmamadali ko ng kinuha yung mga gamit ko pati yung painting na regalo ni colet saka naglakad pauwi.

Bigla kong naalala na kanina pa din pala tumatawag si gwen, ang tagal na niyang hindi nagmemessage sa akin kaya namimiss ko na siya kausapin. Binuksan ko yung phone at nakitang madami nga siyang iniwang messages, nag aalala din siya dahil siguro sinabi ni jho na hindi pa ako nakakabalik ng bahay.

From: Gwenny

07:08 pm

"Loi, where are you? di ka pa daw nauwi sabi ni jho"

07:14 pm

"reply please, i need to know if you're safe"

07:16 pm

"Loi nasan ka ba? and why aren't you picking up"

07:20 pm

"I'm going sa bahay niyo ni jho"

07:35 pm

"We talked and wala ka pa din reply, pati kay jho hindi ka sumasagot.. nasan ka ba? akala ko paalam mo lang kay jho is maglalakad lakad ka lang"

07:50 pm

"Alalang ala na ko sayo, uwi ka na"

08:00 pm

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now