CATCH: IV

1.5K 47 0
                                    

COLET's POV

Kinabukasan sinamahan ko ulit si auntie magbantay sa karinderya, wala pa din kasi ako gagawin sa ngayon.. Eto nagustuhan ko sa trabaho ko e, nacocontrol ko yung oras ko at nakakagala pa ako..

Isa akong pintor, feeling ko kasi hindi ako bagay sa mga trabahong pang opisina. Ayoko din naman kasi ng may boss o nagdidikta sa ginagawa ko.

Sa totoo lang hindi naman ako sikat, halos mamroblema pa nga ako dahil walang pumapansin sa mga artwork ko, kaya lang simula nung manalo ako sa international painting contest nagsimula ng tumunog yung pangalan ko. Dumadami na yung nakakapansin sa akin, kaya naman pinagpapasalamat ko yun kasi magandang blessing yun..

Mahilig din ako magtravel, pag may nagpapapinta nga sa akin talagang humahanap ako ng nature spot para dun ako tumambay at maggawa ng artwork ko. Mas nakakarelax kasi at mas nakakapag isip ako ng maayos, ayun din yung dahilan kung bakit out of town ako ng ilang araw nung nakaraan.

"Auntie!" tawag ko sa tiyahin ko

"Oh anak bakit?" sagot niya

"Gusto mo ng halo-halo? Libre ko" alok ko, tutal dalawa lang naman kami ngayon. Nag day off kasi yung mga katulong ni auntie

"ay syempre aba, kay init init ng panahon e" walang pagdadalawang isip nyang sagot

"wala pa naman tao auntie, saglitin ko lang yung pagbili"

Tumango naman siya kaya tumayo na ako para lumabas, malapit lang naman ang bilihan ng mga palamig sa amin

Pagbalik ko ay may tatlo nang babae sa harap ng tindahan, hindi ko alam kung suki sila pero nakikipagkwentuhan sila kay auntie. Mukhang close din sila sa kanya pero parang ngayon ko lang sila nakita. Hindi ko naman na din pinakinggan masyado yung pinag uusapan nila, sabihin pa chismosa ako.

Nung matapos na sila mag usap ay pumili na sila ng pagkain at pumwesto sa isa sa mga upuan.

"Colet anak! pakitulungan nga ako dalhin etong mga ulam sa mga bisita natin" tawag sa akin ni auntie

Agad ko naman pinuntahan si auntie at kinuha ko yung mga pagkain. Napapaisip ako kasi hindi ko sila kilala at bisita sila ng tiyahin ko.

Habang nagsasandok si auntie ng kanin ay nagsandok na din ako ng sabaw para madala na din sa kanila.

Self service naman yung iba dito sa karinderya, yung mga customer na ang bahala kumuha ng tubig at mag timpla ng sarili nilang sawsawan.

Habang papunta ako para dalhin yung mga sabaw na sinandok ko papunta sa table nila ay nakita kong papunta naman ng dispenser yung isa sa kanila para kumuha ng tubig.

Napapasulyap pa ako sa kanya para alalahanin kung nakita ko na ba sila dati, syempre sa tagal kong namamalagi sa bahay ng tiyahin ko bakit hindi ko sila kilala. Pero ang cute din pala nung babaeng nakasalubong ko, bagay sa kanya yung suot niyang salamin.

Nung pabalik naman na ako ay nakasalubong ko nanaman siya kaya lang---

"Ahhhhhhhhhh!" tili nung babae

Napatingin sa kanya yung mga kaibigan niya dahil sa malakas niyang sigaw, pagtingin ko ay muntikan na siya madapa at muntikan na din lumagapak ang mukha niya sa sahig.

Kung hindi ko siya nahawakan sa braso tiyak talagang bagsak siya, napatingin ulit ako sa sahig dahil nabasag yung hawak niyang baso.. babasagin pa talaga yung natyempuhan niyang dalhin, paglingon ko pa sa gilid e kaya pala siya natalisod ay dahil naapakan niya yung sintas niyang nakalas ang tali

Dali dali siyang nagpanic at yumuko para pulutin ang mga nabasag na baso, nanlaki tuloy ang mata ko at pinigiilan siya.. Mahirap na baka masugatan pa to

"OY TEKA!" hablot ko sa kamay niyang malapit na maabot yung basag basag na baso

Pabalik balik yung tingin niya sa table ng mga kasama niya at dun sa kamay na hinawakan ko, nang mapagtanto ko na nakahawak pa din ako sa kamay niya bigla akong parang nakaramdam ng kuryente kaya binitawan ko agad.

Tumayo kami parehas at kita ko sa mukha niya na namumula na at parang nahihiya siya sa nagawa niya pati na dun sa aksidenteng pagkabasag ng baso.

"Sorry!" nakayuko at mahina niyang sambit.. Hahakbang na nga sana siya paalis ng pigilan ko ulit siya. Lumuhod ako para ayusin yung sintas niyang nakalas, hindi niya kasi siguro napansin yun.

"Uhh! yung sintas kasi ng sapatos mo natanggal e, mag ingat ka nalang sa susunod.. ako na bahala sa nabasag" pagsisigurado ko sa kanya, narinig ko pa nga yung mahina niyang salamat sa akin

Lumabas si auntie habang dala dala yung mga kanin na tinakal niya..biglang lapitan naman yung dalawang kaibigan nung babae sa kanya at hinatak na siya paupo

"oh anong nangyari?" takang tanong ni auntie

"nabasag lang po yung baso auntie" sagot ko

"ay nako anak, imisin mo na yan at baka may masugatan pa sa inyo"

Pinagpatuloy ko ang pagliligpit nung basag na baso hanggang matapos ako, habang ang tiyahin ko ay masayang kakwentuhan nanaman yung tatlong babae.

Nung nakita ni auntie na tapos na ako ay tinawag niya ako papalapit sa kanila.

"Colet anak, halika dito at ipapakilala kita sa magagandang to"

"Nako tita, masyado naman ninyong pinapalaki ang ulo namin" sabi nung mahaba ang buhok habang nagtawanan sila

"ay siyang totoo naman kasi mga anak, siya nga pala eto si colet ang pinakapasaway kong pamangkin" pakilala ni auntie sa akin

"Colet.. eto si maloi, eto si gwen at eto si jho.. mga suki ko sila nung mga estudyante pa sila, para ko na nga din silang mga anak.. nako halos araw araw andito pag tanghalian na noon, kaya siguro mas lalong dumadami ang mga bumibili sa akin e.. kay gaganda kasi ng mga batang ire, ang alam ko pa nga ay magkakasing edad lang kayo" pag iisa isang pakilala ni auntie sa kanila

"Nako tita, kaya naman madami pong nabili sa inyo e masarap naman kasi talaga ang luto niyo" sabi nung gwen

"oo nga po tita eva, namiss ko nga tong luto niyo e.. di na kami nakakabisita dito, medyo busy na po sa trabaho at kanya kanyang business" dagdag nung maloi

Si maloi yung kanina, nakasalamin, medyo wavy ang buhok at parang tahimik na para ding hindi.. Si gwen naman, siya yung tinuro ni auntie na maiksi ang buhok, maliit ang mukha at matangkad.. tapos yung jho naman, ayun yung madaldal at maraming kwento na mahaba ang buhok..

"bumisita bisita din kayo minsan, para naman maging kaibigan din kayo ni colet.. ililibre ko kayo ng pagkain magsabi lang kayo" sabi ni auntie sa kanila

"ay wag tita no, business is business.. kailangan namin to bayaran syempre" rinig kong tanggi ni jho

Nginitian ko na lang sila at dahan dahan na ko umalis sa inuupuan nila, ayoko din naman makaistorbo sa at mukang medyo matagal na nung huling kain nila dito.

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now