RIVALRY: XXVI

1K 48 26
                                    

MIKHA's POV

To: Maloi

Hi loi, are you free today? labas sana 😅

Makulit na kung makulit pero ilang araw na ako nanggugulo kay maloi na lumabas kasi hanggang ngayon di pa din siya pumapayag dahil wala daw siyang time 'wahhh I'm so bored right now'

Nakita ko nagmessage si shee but hindi ko nalang muna binasa kasi hindi naman sa kanyang message yung hinihintay ko e.

I was staring at the ceiling ng biglang tumunog yung phone ko, si maloi yun of course sorry nanaman simula ng message niya.. siguro sasabihin niyang di nanaman pwede, but nung tuloy tuloy kong binasa parang iba yung message niya today.

From: Maloi

Hi miks, I'm sorry for the past few days busy lang talaga e. Do you want to hang out? yun nga lang okay lang ba na meron akong kasama? inaya din kasi ako lumabas ng ibang friends ko e.

Hays masaya na sana ako e kaso bakit may kasamang iba, pano ko masasabi kay maloi yung gusto kong sabihin. Pumayag pa din naman ako, ano ba magagawa ko si maloi na yan e.. ayoko naman kung sasayangin ko pa yung pagkakataong makita siya, marupok ako e.

I was waiting for her message where we will meet when I received na sa cafe daw kami magkita kita, seryoso ba? dun talaga sa pinupuntahan palagi namin ni sheena. Sa dami dami ba namang lugar dun pa talaga, makikita ko pa tuloy yung kumag na crush ni sheena.

I drive my car papuntang bilihan ng flower shop, bumili ako ng boquet for maloi bago pumunta dun sa meeting place. When I arrived buti wala pa siya, pumasok muna ako sa coffee shop at dun naghintay. Nakita nga din ako ni gwen kaya lumapit to.

"uy bro, mukhang may popormahan ka ah.. wala ata si sheena" bati niya sakin na may hawak ng coffee sa kamay

"bakit? miss mo ba?"

"hindi ah, ngayon lang kasi kita nakitang mag isa pumunta dito"

"I'm just waiting for my date"

"mukha bang hintayan tong coffee shop ko?"

"ang damot mo naman, e palagi naman kami bumibili dito.. umalis ka na nga, magbantay ka na dun"

"hindi ako magbabantay ng shop today no, may date din ako kala mo ikaw lang"

Sabay kami napatingin ni gwen ng pumasok si maloi na may kasamang babaeng nakacap, siya yung nakita kong katabi niya sa ilalim ng puno. May hawak si maloi na bulaklak at hawak nun yung bag niya.

Napasimangot ako nung makita yun, nakakainis naman ayun kaya yung sinasabi niyang kasama namin.

"Miks! Gwen!" kaway ni maloi tapos nagkatinginan kami ni gwen

"kilala mo si loi?/you know maloi?" sabay naming tanong sa isa't isa

"oo siya yung hinihintay ko e" sagot ko

"hinihintay ko din siya" sagot naman niya

"ha? nalilito na ko.. so ikaw yung friend na sinasabi niya sakin? e sino naman yung kasama niya?" naguguluhan kong tanong

"si colet, yung nakakabwisit na karibal ko.. tsk"

"ANO?! wdym karibal?! gusto mo si maloi?"

"manahimik ka dyan asungot! wag mo sabihing gusto mo din si loi"

"ano naman kung oo?!"

Tumigil kami nung makalapit si maloi samin, sabay pa namin inabot yung hawak namin sa kanya.

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now