MEETING: V

1.5K 42 2
                                    

GWEN's POV

Bakit ang ingay? kakagising ko lang nang lumabas ako ng kwarto para malaman kung ano pinanggagalingan ng kaingayan

Nakita ko yung dalawa kong maligalig na kaibigan na relaks na relaks manood sa TV ko at nagtatalo pa dun sa susunod na mangyayari sa palabas.

"Hindi!! feeling ko talaga ganun mangyayari dyan" sabi ni jho

"Maniwala ka kasi sakin, di rin makakatiis yung babae na di balikan yung lalakeng bida" kontra naman maloi

Damang dama nila yung teleserye na pinapanood nila, grabe ang ingay kahit nanonood nalang. Pati nga commercial hindi pinapalampas, ginagaya yung mga linyahan. Nako hindi ko tuloy makukuha yung peace of mind ko ngayong umaga.

Nagbabangayan nanaman sila nung nagsimula na ulit yung palabas, grabe natutulig ako sa kanila.

"Hep! anong ginagawa niyo dito?! at ang ingay niyo pa ang aga aga!" lapit ko sa kanila

Hinigit ko si maloi paalis kay jho para paglayuin silang dalawa, kaso hindi nila ako pinapakinggan. Masyado talaga silang absorbed sa pinapanood nila e.

"oh!! sabi sayo jhoanna e tama ako" sigaw ni maloi habang inabot pa ng hampas sa balikat si jho

"Hay nako" Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong hindi ko makukuha yung atensyon nila, magtitiis muna ako na marinig yung kaingayan nila habang nanonood

Umalis ako para magluto nalang ng pagkain, wala pa naman akong stock dito masyado ngayon. Dahil almusal palang naman e nagluto nalang ako ng pancit canton na may itlog para sa aming tatlo.

Nung natapos ko na e dinala ko na sa kanila, mga feeling prinsesa talaga tong mga to e. Parehas ko silang pinagbabatukan dahil bakit hindi, pamamahay ko naman to.

"Aray gwen!" reklamo ni maloi

"Oh!" Sabay abot ng tig isang plato sa kanila

"Taray may paluto si mayora" asar pa sakin ni jho

"Thank you gwen" sabi ni maloi na nagpapacute tapos sabay pa nila ng kuha ng plato, mga patay gutom talaga e.

In fairness nanahimik sila nung nagsimula na kumain, dapat pala kanina ko pa sila pinasakan ng pagkain sa bibig.

Kaso saglit lang yung katahimikan nang habang kumakain nagsimula nanaman magsalita si maloi, jusko hindi talaga mapigilan ang bibig neto e.. pag naman ibang tao kaharap di makabasag pinggan.

"hala shocks! di--baa si anoo yun" turo ni maloi sa TV habang puno ang bibig kaya medyo hindi maintindihan yung pagkakasabi

"manners be! nguya muna bago salita" sita naman sa kanya ni jho

Nginuya naman niya yung nasa bibig niya at nung wala na laman e inulit niya yung sinabi niya kanina. Ako yung sobrang naiistress sa kanila

"wala bang-- inumin dyan be?" uubo ubo na sabi ni jho, nasamid ata siya

"kumuha nalang kayo dyan, ano may utusan lang? nakakaloka kayo ni maloi bakit ba kasi kayo nanggugulo dito" sabi ko naman

"eh kasi, di aalis today si jho.. tapos ayaw ko din na maiwan kami ngayon na dalawang makasama, tapos ang boring sa bahay be.. hindi pa ako makapag isip ng maayos, kaya nag usap kami at napagdesisyunan namin ni jho na dito muna kami sayo! surprise!" paliwanag ni maloi habang tumatango tango sa tabi niya si jho

"napagdesisyunan niyo ng hindi niyo sinasabi sa akin?" tanong ko

"oo be! kaya sinasabi ko na ngayon payag ka naman di ba? at saka kanina pa kami nandito hindi mo naman kami pinaalis" pagdadahilan pa ni maloi, ang galing talaga ng mga to

"e kasi hindi niyo naman ako pinapansin" sagot ko

"wala naman ako magagawa, nako buti nalang talaga hindi ako pupunta sa shop ngayon.. ayoko kasi kayo isama doon, mabubulabog din yung peace of mind ng mga customers ko" pahabol ko pa

Hinayaan ko na silang gawin yung gusto nila after, ano naman magagawa ko diba? pag pinalayas ko sila magdadrama at magtatampo nanaman yang mga yan. Saka okay lang din kasi mostly naman e netflix or nood lang ng teleserye yang mga yan. Ayun nga lang talagang mabubulabog pati kaluluwa ng kasama nila sa ingay nila, partida pa dalawang tao lang sila.

---

"Gutom na kayo? Tara order!" Inaya ko silang mag order nung sumapit na yung lunch, para naman may makain kami kasi nga di ba wala akong stock sa apartment.

"hmmm, labas nalang kaya tayo" suggest ni jho

"eh saan naman? ayan nanaman tayo, ang tatagal niyo pa naman magdecide" reklamo ko sa kanila

"what if?" sabi ni maloi kaya napatingin kami sa kanya

"what if ano?" inip na inip na tanong ni jho

Ang bagal ni maloi sumagot kaya nagsalita na ulit ako.

"ang tagal naman, wag na lumabas oorder na ako" sabay kuha ko ng phone sa mesa pero pinigilan ako ni maloi

"what if kumain tayo kila tita eva, dun sa kinakainan natin dati nung college pa tayo"

Tumayo naman si jho na mukhang naexcite sa suggestion ni maloi

"Ay bet ko yan, grabe ang tagal na natin hindi nakakain dun!" sabi ni jho

"oo nga be, bigla ko nalang kasi naisip" sagot naman ni maloi

"hala nakakamiss naman, kaso lang nandun pa kaya si tita eva?" sabi ko

"edi icheck natin.. oh go na! tara doon tayo" aya na sa amin ni maloi

----

Pagdating namin doon e buti nalang wala pang tao, nakita naman agad kami ni tita eva at nilapitan niya kami. Pagtapos magkamustahan e pinapili na niya kami ng pagkain, sabi ni tita e sagot na daw niya pero ayaw namin pumayag syempre. Business is business, sayang ang kita no.

Pinakilala niya sa amin yung pamangkin niya, ngayon ko lang nalaman na meron pala siyang pamangkin na kasing edad namin.

At sa sobrang clumsy pa ni maloi e nakabasag pa siya ng baso at ilang beses na sinalo ng pamangkin ni tita, pag lakad tuloy namin pauwi e doon na siya naglabas ng mga rants niya. Syempre napahiya ang ate mong maloi.

"hala be, nakakahiya sobra! nakakahiya lalo na don sa pamangkin ni tita.. yung itsura niya parang jinajudge niya ko, na parang ang tanga tanga ko" sabi niya ng tuloy tuloy habang nakakapit sa braso ko

"e ang tanga mo naman talaga sa part na yun, pero parang suplada nga yung itsura ng pamangkin ni tita eva parang ang angas pa buti nga tinulungan ka pa" sagot ko sa kanya

"pero ang pogi niya be ha, natitigan mo ng malapitan di ba? pogi?" tanong ni jho

"pogi? e babae yun diba?" tanong ko

"oo! meron kaya yung babaeng ganun, yung ang pogi ng aura" sagot ni jho

"ewan ko be! basta ako hiyang hiya talaga ako kay tita, syempre lalo na kay colet.. parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa" pagmamaktol ni maloi

"magpalamon sa lupa o magpalamon kay colet? hindi ka naman parang nahihiya kanina, para ka kamong kinikilig" asar ni jho

"huy jhoanna tigilan mo nga ako, nahihiya talaga ako kanina no" hampas niya kay jho

"iwasan mo nalang yung colet na yun, para kasing mayabang e.. ngayon palang din naman natin siya nakilala, medyo familiar nga itsura niya e.. parang nakita ko na siya somewhere"

Book of Us (MaColet)Where stories live. Discover now