MALOI's POV
My book is on top of the chart last few weeks, hindi ko lubos akalain na it will have a big demand and have great impact in book industry. So far I had been receiving a huge amount of profit dahil madaming bumibili nito.
It's been days since I had a full rest, pagod kasi medyo kinacareer ko yung publishing ng books ko since I got another invitation from my publishing company na gawing book ulit yung isa ko pang novel.
Also I had been receiving countless letters from different people, merong mga media na iniinvite ako for book signing that I've been ignoring for weeks. May mga letter from different publishing company na gusto na rin ipublish yung works ko. Meron pa nga letters from readers na hindi ko alam kung paano nila nakuha yung address ko.
Medyo naiilang lang ako kasi ngayon pa nga lang na discreet pa yung identity ko e ganito na what more kung makilala pa nila ako personally. I'm not that big pa naman and I still can't afford to secure yung safety ko at mag hire ng body guard, worst case pa is madamay si Jho kasi kasama ko siya sa bahay.
"Loi breakfast na tayo" rinig kong katok ni jho
"wait lang jho, hilamos lang ako" I got out of my room and headed sa cr, isa lang kasi cr dito sa bahay. Pagtapos ko is nakita ko si jho nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.
"huy beh, mukha kang tatay dyan.. seryoso? who else is still reading newspaper nowadays" tawa ko sa kanya
"ang sama, wag ka kumain dito" hinila niya yung mga pagkain and I can't stop laughing lalo
"parang bata si jho"
"wag kang kakain ha!"
"uy sorry na" nilapitan ko siya sa kinurot sa pisngi "cute mo jho"
"che, sinasabi ko sayo wag ka kakain"
"luh to naman, tampo yan" hinila ko yung upuan palapit sa tabi niya at niyakap siya "sorry na jho"
"eww loi, layo ka nga.. aga aga oh" lalo ko hinigpitan yung yakap "ano ba loi, I can't breathe"
"yieee, I can't breathe too jho"
"ano? anong yieee ka dyan"
"I can't breathe? It means you're saying you love me"
"ha? anong connect? pano naging love yun" naguguluhan niyang sabi
"hindi ka ba nanood ng she's dating the ganster dati? yung kay kathryn at daniel.. that's their way of saying I love you"
"ha meron ba nun? ang jeje mo naman loi"
"of course, OG kaya yun.. boring mo naman jho"
"ano bang ibig sabihin nun?"
"I love you nga"
"cringe.. I mean ano yung ibig sabihin nun? paano naging I love you yun?"
"ewan ko din"
"aasar asarin mo ko sa pagbabasa ko ng dyaryo tapos ikaw pala dyan ang jeje, at least yung sakin I'm learning news about our society"
"ehh pang tatay naman talaga yun ah, alam mo yung mga tatay na naka reading glass tapos malayo yung dyaryo sa mukha habang nagbabasa ng naka dekwatro tapos hihigop ng malakas sa kape HAHAHAHAHA jho kuhang kuha mo"
"lumayo ka sakin loi, masasakal kita dyan"
"sakalin mo nalang ako ng pagmamahal"
"eww kadiri ka talaga loi"
YOU ARE READING
Book of Us (MaColet)
Fanfiction"Pwede bang ako nalang yung maging dahilan ng pagsulat mo?"